“Lim.” Pagche-check sa class list ng prof namin sa Economics.
“Present.” Sagot ko naman habang nakapangalumbaba. Medyo napuyat ako kagabi sa kakaisip sa gagawin ko ke Nadine e.
Ganun-ganun na nga lang natapos ang sembreak namin. Second sem na ngayon. Bagong subjects at bagong prof na naman pero ganun pa rin ang mga kaklase. Classmates pa rin kami ni Nadine.
Ang totoo di ko pa siya nakakausap pagkatapos kong mabasa yung journal niya. Halos isang linggo ko rin siyang di tinext o pinuntahan sa kanila. Gusto ko siyang kausapin pero di ko naman alam kung anong sasabihin ko. Di ko rin alam kung paano ko sasabihin sa kanya na alam ko na yung tungkol sa feelings niya sa’kin dati.
Nakaka-awkward lang din kahit papano. Pero, oo, aaminin ko, masaya rin ako na nalaman kong nagkagusto rin sa’kin si Nadine dati pati na rin yung sinabi ni Mitchie na baka me pag-asa ako sa kanya. Ang problema nga lang e dati yun. Nakakapanghinayang lang. Kung pwede lang i-rewind ang oras e di ginawa ko na sana agad-agad—
“—Pao. Oy dre.” Putol ni Nadine sa pagmo-monologue ko. Sa kalaliman din ng pag-iisip ko e di ko napansin na nakatayo na pala siya sa harapan ko. Naramdaman niya kaya na iniisip ko siya?
“Ah Nadz…” bobo kong sagot. Wala na akong ibang masabi e. Tulad nang sinabi ko, di ko alam kung pano ko siya kakausapin at haharapin.
“Medyo malalim ata iniisip mo? May problema ba?” tanong niya na nakakunot ang noo.
“Meron. Ikaw… ikaw at yung feelings mo sa’kin.” Sarap lang sagutin nang ganun e.
“Di. Wala Nadz. Kulang lang sa tulog kagabi kaya medyo lutang ako ngayon.” Sagot ko sabay kamot sa ulo.
“Hmm. Ganun ba…” Sabi naman niya. Napataas naman ang isang kilay ko. Parang me gusto pa siyang sabihin e.
“Ah. Hmmm. Me kelangan ka ba Nadz?” tanong ko sabay tayo sa upuan ko at kuha ng bag.
“Ah…May kasabay ka ba sa lunch?” tanong niya.
“Wala naman. Gusto mo sabay tayo? Ah pero sila Jane, di ba kayo magsasabay?” tanong ko pabalik sabay suot ng backpack ko.
“Kung okay lang sana. Nasa kabilang section kasi ang klase nila Jane tapos mamayang 1:30 pa sila matatapos.” Sagot naman niya.
“Ah ayos lang sa’kin.” Sagot ko naman.
Di ko na rin matandaan kung kelan ko huling nakasabay maglunch si Nadine. Di ko na rin siya madalas niyayaya kasi alam kong maiilang lang din siya. Lumabas na rin agad kami sa classroom pagkatapos niya kunin yung gamit niya tas dumiretso na kami sa hallway.
Tahimik lang kami habang naglalakad papunta sa canteen. Wala akong maisip na sabihin e. Ngayon lang ako nahirapang kausapin si Nadine. Ngayon lang din naman siya tumahimik ng ganito. Kaming dalawa lang ang magkasama ngayong lunch, baka eto na yung chance na ibinigay sa’kin para sabihin ko sa kanya yung tungkol sa journal niya.
“Ah Nadz—“
“Paolo!” biglang sabi ng babae sa may likuran ko sabay hawak sa backpack ko. Napalingon naman kami ni Nadine sa kanya.
“Gwen?!” gulat kong sabi. Ngumiti naman yung babae. Di sinabi ni Carl na lilipat na pala dito yung pinsan niya e.
“Ah. Hi Nadine.” bati niya kay Nadine tas tumingin uli siya sa’kin. “OA mo naman makareact Paolo. Hmm. Magla-lunch ba kayo? Pwedeng sumabay? Wala pa kasi akong lunch buddy sa klase namin e.”
BINABASA MO ANG
Boy Friendzoned
Teen FictionKwento ni guy bestfriend na na-in love kay girl bestfriend.