[ Author’s Note: Wala lang yung kanta sa multimedia. Gusto ko lang ilagay. Dedicated yung song para kay Paolo Anthony Lim. ]
~~*~~
YOUR MESSAGE HAS BEEN SENT!
NAKANANG! LANGYA! PAKSHET! ASDFGHJKLJHGFSASDFGHJKL!
Na-send yung text! Taksil na load! Taksil na cellphone! Kulang na lang e ibato ko yung cellphone ko sa bintana. Parang bigla akong nanghina sa nangyari. Pakshet! Di ko maintindihan yung nararamdaman ko. Para akong natatae na ewan. Parang pinipilipit yung bituka ko. Langya! Sa dinami-dami ng pwede kong ma-send ke Nadine, e yun pa talaga! Magaling Paolo. Magaling. Umamin ka nga. Umamin ka sa text.
Napakamot na lang ako sa ulo ko. Gusto ko ngang sapakin sarili ko e. Engot talaga. Inilayo ko yung cellphone ko’t baka kung ano pa magawa ko pag nagkataon. Di na’ko mapakali. Iniisip ko na yung reaction ni Nadine. Iniisip ko na yung irereply niya sa engot kong text. Iniisip ko kung magrereply nga talaga siya. Sa lagay na’to di na’ko makakagawa ng palusot.
Ano na’ng gagawin mo Paolo? Aamin ka na ba o magpapalusot ka pa rin?
~*~
“Kuya, aga mong aalis ah? Diba college fiesta niyo lang ngayon?” tanong ni Mitchie.
“May pupuntahan ako. Sige alis na’ko.” Sagot ko kay Mitchie tas pumunta na’ko sa school. Dumiretso agad ako sa tambayan namin. Nandun na si Miggy.
“Tapos? Anong nireply ni Nadine?” tanong ni Miggy.
“Yun yung problema. Wala. Di siya nagreply.” Sagot ko. Halos di ako nakatulog sa paghihintay sa posible niyang reply pero wala. Di siya nagreply.
“So ano na’ng balak mong gawin ngayon? Sasabihin mo na ba sa kanya?” tanong uli ni Miggy. Tiningnan ko lang siya. Naghihintay ako na sabihin niya yung dapat kong gawin. “Ano na Pao? Sa tingin mo ba sa di pagreply ni Nadine, kaya mong sabihin sa kanya ng harapan yung natext mo?”
“Ewan. Di ko alam. Kung magpapalusot naman uli ako, anong klaseng palusot pa ang gagana dun.” Sagot ko sabay sandal ng ulo ko sa mesa. Sa lagay na ‘to ngayon muk’ang basted na’ko e. Sakit lang sa puso.
“Ba’t ka pa magpapalusot? Siguro nangyari yun para masabi mo na sa kanya. Ipaliwanag mo ng maayos sa kanya. Sa pagkakakilala ko naman ke Nadine, maiintindihan ka naman niya.” seryosong sabi ni Miggy.
“Pero di naman ganun kadali Migs.”
“Di ko naman sinabi na madali. Wala namang nagsasabi na madali.” Tiningnan ko lang siya. “Di na rin pwedeng excuse o palusot ngayon na natatakot ka na masira ang pagiging magkaibigan niyo. Kasali na yun sa risk nung na-in love ka kay Nadine, Pao.”
Tiningnan ko lang si Miggy.
“Sabihin mo na sa kanya. Tagal mo na ring tinatago yan. Biruin mo simula pa lang nung high school kayo e in love ka na sa kanya. Kung mabasted ka man, pwede ka pa rin naman uli manligaw sa kanya. Iinom mo lang yan ng beer.” Sabi ni Miggy. “Kung ako sayo, wag ka ng magmukmok dito. Hanapin mo na siya tas magpaliwanag ka. Sigurado naghihintay din yun ng paliwanag mo ngayon.”
“Ano namang sasabihin ko sa kanya pag nagkataon?” tanong ko.
“Eh di yung matagal mo ng dapat sinabi sa kanya. Wag ka ng totorpe-torpe Pao. Dali na.” sabi ni Miggy sabay tulak sa’kin. “Sabihan mo na lang ako pag kelangan mo ng kainuman pag binasted ka ni Nadine.”
BINABASA MO ANG
Boy Friendzoned
Teen FictionKwento ni guy bestfriend na na-in love kay girl bestfriend.