Chapter 8

277 6 1
                                    

“Hanep nung banat mo ‘tol?” sabi ni Miggy sabay palakpak. Di ko alam kung seryoso siya o nang-aasar. “Mukhang natututo ka na. Ano namang sinagot ni Nadine sa banat mo?”

 

Tiningnan ko lang si Miggy tas naalala ko yung reaction ni Nadine.

***

[ Flashback ]

“Ah. Wow. Okay sana ang banat mo dre kung kunwari nililigawan mo ‘ko pero natawa ako. Masyado kang seryoso. ‘Kala ko totoo.” Sabi ni Nadine tas tumawa siya sandali sabay kamot sa ulo niya.

“Siguro nga. Mas effective siguro yun kung nililigawan kita.”

 

“Hay. Sige na nga. Magpractice na lang tayo.” Sabi niya tas nilabas niya yung kopya nung kanta.

***

 

 

 

 

“Wala. Natawa lang siya. Masyado daw akong seryoso nung sinabi ko yung banat ko.” Sagot ko.

“Ibig sabihin nun posibleng di niya naintindihan yung gusto mong sabihin.” Seryosong sabi ni Miggy.

“Mukhang ganun na nga.” Matamlay kong sabi.

Pang-asar naman kasi si Nadine. Ba’t ba pag si Gian yung gumagawa nung mga ganun sa kanya e halos mangisay na siya sa kilig. Tapos pag ako naman ang gumawa nun sa kanya parang wala lang sa kanya.

“Pero sa tingin ko naman tama yung ginawa mo.” Sabi ni Miggy. “Di ba sabi mo hindi mo na lang siya basta gusto, mahal mo na siya. Tama lang din naman ata na malaman na ni Nadine kung ano talagang tingin mo sa kanya.”

 

“Para san pa na iparamdam ko sa kanya, muk’ang di rin naman ata niya naiintindihan.” Katwiran ko.

Ang hirap na ngang magpigil ng damdamin, mas mahirap pa pala ang pagsabi lalo pa’t ang manhid nung pagsasabihan mo.

 

 

“Hindi mo naman kelangan madaliin e. Kapag minadali mo ang pagsabi sa kanya, madaming masisira. Baka pati rin ang pagiging mag-best friend niyo, masira.” Sabi ni Miggy. Tiningnan ko lang siya. “Hindi mo naman pwedeng agad-agad na ipilit sa kanya yung nararamdaman mo. Dapat swabe lang. Importante din ang timing pagdating sa mga ganyang bagay.” patuloy ni Miggy.

Boy FriendzonedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon