Ilang araw na rin nakalipas pagkatapos akong mabasted ni Nadine. Wala pa ring nagbago. Nag-iiwasan pa rin kami. Oo. Kahit na sinabi ko na kakausapin ko si Nadine e nahihirapan pa rin ako. Di naman kasi ganun kadaling gawin yung sinabi ni Gwen.
Isa pa e di ko pa rin talaga alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Di ko rin nga alam kung papayag siyang makipag-usap sa’kin e.
“Uy Pao.” Biglang sigaw ng lalake sa may likuran ko.
“O Carl.” Sabi ko sabay lingon dun sa lalake.
“Wala na kayong klase?” tanong niya habang papalapit sa’kin.
“Maya-maya pa. Break pa namin ngayon.” Sagot ko sabay upo sa bench. Tas umupo naman si Carl sa tabi ko. “Ikaw, wala ka nang klase?”
“Wala na. Absent yung prof namin sa Econ e.” sagot niya. “Nga pala, kamusta na yung ke Nadine? Nag-usap na kayo?”
Tinaasan ko lang kilay yung mokong. Di ko naman siya sinabihan ng tungkol dun. Malamang e nakwento ni Gwen dito yung pinag-usapan namin.
Napabuntong-hininga na lang ako. “Di ko pa siya nakakausap.”
“Ha? Teka. Wag mo sabihin na ngayon ka pa naduduwag ke Nadine.” sabi niya. “E nagawa mo ngang aminin sa kanya dati na gusto mo siya.”
“Iba naman kasi yung dati Carl. Tsaka mas mahirap ngayon.” Katwiran ko. “Gusto ko talaga siyang kausapin kaso di ko rin alam kung ano’ng dapat kong sabihin sa kanya.”
“Hay. Masyado kang nag-iisip Pao.” Sabi niya sabay buntong-hininga. “Di mo naman kelangan pag-isipan ng husto yung dapat mong sabihin sa kanya e. Sigurado namang lalabas na lang ng kusa yan.”
Tinitigan ko sandali si Carl. “Nung nakain mo’t para kang si Miggy ngayon?”
“Wala. Napag-isip-isip ko lang na kapag grumaduate na si Miggy e sino na’ng magpapayo sayo tungkol sa mga usapang ganyan. Kaya eto, pinapahiram kita ng kaalaman ko tungkol dyan.”
“Siraulo.” Natatawa kong sagot sa loko-loko. Nakakagulat lang kasi. Andami niyang nasasabing kung anu-ano nitong mga nakaraang araw. Nagbibigay siya ng mga kung anu-ano payo na di naman niya ginagawa dati. Nakakapanibago lang talaga.
Umupo pa ‘ko sandali sa bench tas maya-maya pa e tumunog na yung bell ng school. Pumunta naman na agad ako sa classroom namin tas umalis na rin si Carl. Dumiretso agad ako sa upuan ko pagkapasok ko sa classroom namin. Maya-maya naman e sumunod na pumasok si Nadine. Dumiretso rin siya sa upuan niya. Tinitigan ko siya ng ilang minuto. Sa me harapan ko lang kasi siya nakaupo, me isang tao lang na nakapagitan sa’ming dalawa.
“Classmates!” biglang sigaw nung isa naming kaklase na pumunta sa me harapan ng classroom. “Absent daw si Sir ngayon. Tinext niya yung beadle natin. So super early dismissal tayo ngayon.”
Hiyawan naman yung mga kaklase namin pagkabanggit nung super early dismissal. Isa-isa na agad silang naglabasan sa classroom. Inaayos naman ni Nadine yung gamit niya na halatang plano na ring lumabas ng room. Nilapitan ko naman siya agad.
“Ah Nadz.” Sabi ko habang papalit sa kanya. Lumingon naman siya sa direksyon ko. “Pwede ba tayong mag-usap?” dagdag ko sabay hawak sa batok ko. Di ko siya nagawang tingnan ng diretso sa mata pagkatanong ko nun e.
Ang duwag mo Paolo!
“Ah—“
“Nadz, lika na. Para matapos na agad natin ‘tong paper—” Putol ni Jane, na nakasilip sa pinto ng classroom, kay Nadine. “Ay sorry Pao. Nag-uusap pala kayo.”
BINABASA MO ANG
Boy Friendzoned
Ficção AdolescenteKwento ni guy bestfriend na na-in love kay girl bestfriend.