Nadine’s POV
“…matatagalan pa ata bago ako tuluyang makamove on sayo…”
Hindi ko alam kung nananaginip lang ba ako nung narinig ko yun o talagang sinabi yun ni Paolo nung nasa bus kami. Pero pakiramdam ko hindi yun panaginip e.
“—adz. Oy Nadz!” sabi ni Ate sabay palakpak sa harap ko. Napatingin naman ako sa kanya. “Tulala ka dyan? May problema ba?” tanong niya sabay upo.
“Ah, wala naman Ate.” Nakangiti kong sagot. “Iniisip ko lang kung anong ilalagay ko dito sa report namin sa CWTS.”
“Hmm. Ganun ba.” Sabi ni Ate. “Pupunta ako sa mall, gusto mong sumama?” tiningnan ko muna siya sandali. “Sige na. Mukhang kanina ka pa kasi nakaharap dyan sa laptop mo e. Tsaka matagal na rin tayong hindi nakakapagbonding.” Dagdag niya na parang nagpa-cute pa.
Tumango naman ako. “Sige sige. Sasama na ako.” sagot ko naman sabay ngiti.
Iniligpit ko na agad yung laptop ko pagkatapos e nagbihis na rin agad. Tama rin kasi si Ate. Matagal na rin kaming hindi nakakapagbonding tsaka wala na rin akong maisip na isulat dun sa report namin. Tatapusin ko na lang yun mamaya.
Pagkatapos namin magbihis e dumiretso na agad kami sa mall tapos e naglakad-lakad kami sandali. Tapos maya-maya pa ay kumain na rin kami sa Jollibee.
“Bakit Ate? May dumi ba sa mukha ko?” tanong ko bago sumubo ng spaghetti. Napansin ko kasing kanina pa siya nakatitig sa akin e.
“Wala naman.” Sagot niya sabay subo ng french fries.
“Okay.” Sagot ko naman sabay subo.
Bumuntong-hininga naman siya. “Okay. Kanina ko pa talaga gustong itanong ‘to sa’yo e.”
“Ano ba yun Ate?”
“Magpromise ka muna na hindi ka magagalit o kaya ma-aw-awkward.” Sagot niya sabay turo ng french fries sa akin. Mukhang may idea na ako kung anong itatanong niya e. Tumango naman ako.
“Si Paolo… hindi na ba kayo?” medyo seryosong tanong ni Ate.
“Kami? Ah, hindi naman naging kami Ate e. Walang kami.” Sagot ko. Medyo naguluhan kasi ako sa tinanong niya e. Pero, totoo naman. Wala naman talagang kami.
“I mean, wala na bang chance na magiging kayo? Talaga bang hindi niya na ipagpapatuloy yung panliligaw sa’yo?”
Hindi agad ako nakasagot. “Hindi niya na itutuloy. Pinatigil ko na rin siya tsaka sinabi niya na rin sa akin na hihinto na siya.”
“Seryoso Nadz?” medyo napalakas niyang sabi. Tumango naman ako tapos sumubo uli ng spaghetti.
“Ayos na rin naman yung nangyari Ate e.” sagot ko. “Kasi sabihin na nating binigyan ko siya ng chance na ipagpatuloy niya yung panliligaw sa akin, tapos sinagot ko siya at naging kami, hindi ba para ko na ring isinugal yung pagiging magbest friend namin nun.” Seryoso kong sabi. Pero tiningnan lang ako ni Ate.
“Tsaka naisip ko rin na parang hindi ko kayang isugal yung friendship namin para sa isang relationship na hindi naman kami sigurado kung magtatagal o magwo-workout talaga.” dagdag ko.
Tinitigan naman ako ni Ate. “Hmm. Naiintindihan ko rin naman yung point mo Nadz. Takot ka na baka masira yung friendship niyo ni Paolo pag nagkataon. Takot ka na isugal yung friendship niyo…” sabi niya. “Pero hindi ba parang naging unfair para kay Paolo yung ginawa mo?”
“Unfair?” medyo naguluhan ako sa sinabi niya.
“Oo, unfair.” Seryosong sagot niya. “Sa tingin ko naman, alam ni Paolo na may possibility na malagay sa alanganin yung friendship niyo kapag sinabi niya sayo na gusto ka niya pati na rin yung ginawa niyang panliligaw sayo. Pero ano, ginawa pa rin niya. Sinabi niya sayo kung ano talaga yung nararamdaman niya at sinubukan ka rin niyang i-win over.” Tiningnan ko lang siya.
“Sa madaling salita, sumugal siya Nadz.” patuloy ni Ate. “He took the risk na mag-confess sayo at ligawan ka. Ikaw na best friend niya. Sigurado ako, takot din si Paolo tulad mo pero ginawa niya pa rin. Pinilit niyang i-overcome yung takot na yun. He must really love you that much para magawa niya yun.”
Hindi pa rin ako kumibo. “Pero hindi naman ko naman sinasabing mali ka o may kasalanan ka Nadz. Siguro hindi ka pa lang talaga ready. Siguro tulad nga ng sabi mo sa akin dati nung high school ka pa na takot ka lang na isugal yung pagkakaibigan niyo kaya itinigil mo na rin yung pagkakagusto mo sa kanya.” Tumigil siya tapos nagpakawala ng buntong-hininga. “Ang akin lang naman kasi, sayang Nadz e. Nandiyan na o. Yung best friend na gusto mo dati, umamin na. Sinabi niya na na gusto ka rin niya.”
“Hindi rin naman kasi ganun kadali yun Ate e…” katwiran ko.
“Yes, yes. I know. Siguro nga yung situation niyo na best-friend-turned-lovers ang isa sa medyo complicated na phase sa love. Pero magiging komplikado at mahirap lang naman ang lahat kung palagi ka na lang matatakot na sumugal na ilagay sa bagong level yung relationship niyo.” Sagot niya. “I’m sure, kahit na pinatigil mo siya sa panliligaw niya e mas humirap at pumanget yung situation niyo ngayon. Siguradong palagi kayong nagkaka-ilangan kapag nakikita niyo ang isa’t-isa.”
Hindi na ako kumibo. Tama rin naman kasi yung sinabi niya. Mas mahirap yung sitwasyon namin ni Paolo ngayon.
“Hay. Paminsan kasi Nadz, it’s okay to take a risk. Lalo na kung alam mo namang worth it yung kalalabasan nung risk na ginawa mo.” patuloy ni Ate. “At dapat din e may gawin ka, hindi naman pwedeng puro si Paolo na lang yung may gagawin. Tapos nang sumugal si Paolo, kaya oras naman para ikaw yung sumugal.”
“Take a risk Nadz, before it’s too late.”
Dun na natapos yung usapan namin ni Ate. Pagkatapos nun e naglakad-lakad pa kami sandali sa mall tapos umuwi na rin.
“Nadz, hmm. Pasensya ka na kung parang masyado akong maraming nasabi sayo kanina.” Sabi ni Ate pagkauwi namin. “Naramdaman ko lang kasi na dapat kong sabihin yun sayo tsaka sa sisterly duties ko yung bigyan ka ng advice, kahit na unsolicited pa yun, pagdating sa mahiwaga at magulong mundo ng love.”
Natawa naman ako sa sinabi niya. “Okay lang Ate.” Ngumiti naman siya.
“Okay. Basta kung may tanong o kelangan ka pa, nasa kwarto lang ako. I’m just a knock away.” Sagot niya sabay kindat sa akin tapos pumunta na sa kwarto niya.
Napailing na lang ako tapos dumiretso na rin sa kwarto ko. Humiga naman agad ako sa kama ko pagkapasok ko sa kwarto. Nagpapaikot-ikot pa rin kasi sa utak ko yung mga sinabi ni Ate e.
“He took the risk na mag-confess sayo at ligawan ka. Ikaw na best friend niya. He must really love you that much para magawa niya yun.”
Siguro nga tama siya. Sumugal si Paolo. Pero hindi naman ako tulad ni Paolo. Hindi ko alam kung kaya ko ring sumugal tulad niya. Pero hindi rin maalis sa utak ko yung huling sinabi ni Ate…
“Take a risk Nadz, before it’s too late.”
Napapikit na lang ako tapos napabuntong-hininga ng malalim.
Sana nga pag naisipan ko ng sumugal, e hindi pa huli ang lahat.
BINABASA MO ANG
Boy Friendzoned
Teen FictionKwento ni guy bestfriend na na-in love kay girl bestfriend.