Chapter 4

341 4 0
                                    

Ano ba Paolo! Umayos ka! Kung aamin ka na ngayon, dapat ayusin mo!

“Oy Pao. Okay ka lang?” tanong niya. “Ba’t ka tumigil?”

“Wala. Ano. Kasi.” Grabe. Ganito ba ako ka-torpe? Eto na yun  o! Tama na yung moment. Walang ibang asungot. Wala sila Miggy at Carl. Wala yung Gian na yun. Kaming dalawa lang.

“Ha?” tanong niya. “Di ko ma-gets. Ah. May itatanong ka diba. Ano yun?”

Shit. Mamressure ba Nadz, ha?

“Hoy, okay ka lang? Tumahimik ka bigla dyan.”

“Nadz.” Sabi ko sabay tingin sa kanya. Nakatingin din siya sa akin. Ngayon ba talaga ang tamang oras para dito? Di ko nga masabi ng maayos sa kanya.

“Hmmm?”

“E kung para sayo, alin ang mas gusto mo?” tanong ko.

“Ha? Gusto? Gusto ang alin?” tanong niya nakataas ang isang kilay.

“Alin ang mas gusto mo, yung lalaking marunong kumanta at tumugtog ng gitara o yung lalaking magaling mag-three points sa loob court?” seryosong tanong ko sa kanya.

“Ah. Seryoso mo naman. Akala ko kung ano na itatanong mo.” Sabi niya. “Kung ako ang tatanungin, ano nga ba.”

Tiningnan ko lang siya.

Mali ako. Hindi pa ito yung tamang oras para sabihin ko sa kanya. Hindi pa rin ako handa sa magiging reaction niya kapag sinabi ko sa kanya ngayon. Baka masira pa ang pagiging mag-best friend namin ng wala sa oras.

“Hmm.” Pinag-iisipan pa rin niya yung isasagot niya.

“Ano na?” tanong ko.

“Sandali lang naman.” Sabi niya sabay upo sa sahig. “Okay, okay. Kung ako ang papipiliin, mas gusto ko yung lalaking marunong kumanta tsaka tumugtog ng gitara.”

Napatitig lang ako sa kanya sa sinabi niya. Shit, Nadz! Ba’t ang tindi mo magpaasa?!

“Ang sweet kaya na kinakantahan ka habang tinutugtugan ng gitara.” Dagdag niya. “O, nasagot ko na tanong mo.”

“Hmmm.” Yun lang nasabi ko. Di ko na siya tiningnan.

“Ba’t mo nga pala natanong Pao?”

“Wala.” Matipid kong sagot.

“Ate Nadine, nood tayo ng My Amnesia Girl.” Biglang sulpot ni Mitch sa kwarto.

“Sige sige.” Sagot ni Nadine sabay tayo. Bumaba na sila. Mga fan ni John Lloyd e.

Naiwan ako sa kwarto. Humilata muna ako sa kama. Iniisip ko yung sagot ni Nadine. Pinili niya yung lalaking marunong kumanta at mag-gitara. Pero pa’no kung papipiliin ko siya sa amin ni Gian, sinong pipiliin niya?

Muntik pa ‘kong umamin. Ngayon ko lang na-realize, ang torpe ko. Pakshet. Siguradong pagtatawanan at aasarin na naman ako nung mga ungas na yun kapag kinuwento ko ‘to sa kanila.

“Ba’t kasi ang torpe mo Paolo!” sabi ko sabay untog ng ulo ko sa kama.

***

Boy FriendzonedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon