Halos isang linggo na rin nung date namin ni Nadine pero putek, di ko pa rin makalimutan yung nangyari e.
Nahalikan ko si Nadine.
Pero ang di ko malimot-limot e yung lakas nung pagkakasampal niya sa’kin pagkatapos nung nangyari. Pag iniisip ko yung ngayon e ramdam ko pa rin yung lakas nung sampal.
Kahit aksidente lang yung nangyari e di ko naman din siya masisisi. Nabigla lang siguro yun.
Pero base sa reaction niya muk’ang…
“Kuya.” Biglang sabi ni Mitchie sabay suntok sa braso ko. “Lutang ka na naman ba ha?”
“Psh. Bakit?” tanong ko. “Me kelangan ka?”
“Magpapasama sana kasi ako sa mall e.” sagot niya sabay pa-cute. Nagpacute pa e. “May bibilhin ako. Sandali lang talaga, please.”
Tiningnan ko lang siya. Wala ako sa mood gumala ngayon e.
“Sige na Kuya.” Sabi niya sabay kapit sa braso ko. “Bonding na rin natin ‘to. Pansin ko kasi parang ang tamlay mo nung mga naunang araw e.”
Pansin din pala ng makulit na to. Di ko na kasi kinuwento sa kanya kung anong nangyari sa date namin ni Nadine e. Mahirap na’t baka kung ano pang masabi nito.
“Sige na. Samahan mo na ako Kuya, promise ililibre kita ng fries at coke float.” Patuloy niya sa pangungulit.
“E baka pag andun na tayo, ako pang manlibre sayo.” Sagot ko.
“Di nga Kuya. Promise. Sige na.” sabi niya sabay hatak sa braso ko.
Tiningnan ko naman siya sandali. “Psh. Sige na. Oo na. Sasamahan na kita. Basta ilibre mo ‘ko ng fries tsaka coke float.”
“Oo nga.” Nakangiti niyang sabi.
Nag-ayos na agad ako tas pumunta na kami sa mall. Pasok lang ng pasok si Mitchie sa kung saan-saang bilihan ng damit e. Sunod lang din ako ng sunod sa kanya. Wala rin naman akong magawa.
Sinabayan ko na lang ng pakikinig ng kanta yung pagsunod-sunod ko ke Mitchie tas sakto namang tumugtog yung Just Give Me A Reason. Naalala ko tuloy yung duet namin ni Nadine. Putek. Ba’t gan’to? Pati yung kanta e sumasabay sa pag e-emote ko. Baka maiyak na ‘ko nito mamaya. Pero loko lang.
Kaya ko pa naman e. Kakayanin ko.
“Oy Kuya!” sabi ni Mitchie sabay siko sa tagiliran ko. “Tulala ka dyan.”
“Wala. Me iniisip lang.” sagot ko. “Tapos ka na? Gutom na’ko.”
“Iniisip daw. Ganyan ka na pagkatapos nung date niyo ni Ate Nadine e. Ano ba talagang nangyari ha?” tanong niya. Di ata narinig nito na gutom na’ko.
“Grabe Mitch. Di mo pa rin titigil yung katatanong dyan?” sabi ko. “Ayos lang ako. Puyat lang ako kagabi kaya medyo lutang ako ngayon. Sige na. Dali na dyan. Gutom na’ko. Ililibre mo pa’ko e.” dagdag ko sabay labas dun sa bilihan ng damit.
“Tss. Kuya, lakas mong maka-change topic.” Sabi niya tas sumunod siya sa’kin.
Patuloy pa rin sa pangungulit si Mitchie habang papunta kami sa McDo. Di ata talaga ako titigilan nito e.
“Sige na. Dali ilibre mo na’ko.” sabi ko.
“Hay. Oo na.” sagot niya sabay lapit sa cashier.
BINABASA MO ANG
Boy Friendzoned
Teen FictionKwento ni guy bestfriend na na-in love kay girl bestfriend.