Chapter 4

14 0 0
                                    

Ilang araw na ang nakakalipas mula nang ginawa niya ang kanyang rebelasyon. Ilang araw na rin na tahimik at hindi siya ginugulo ng grupo ni James. May buti rin naman na naidulot ang pagbukas niya ng kanyang saloobin sa mga kaklase. Nakuha niya ang respeto at paghanga ng mga ito. Bumilib ang mga ito dahil sa lakas ng loob niyang aminin ang tunay na damdamin.

"Best, pasensiya na na-late ako," hingi ng paumanhin ni Edward. Umupo ang binata sa tabi niya. Nasa library sila kasama ang iba pang babaeng kaklase na kaibigan din nila.

"Bakit ngayon ka lang? kanina ka pa namin hinihintay." Tumigil siya sa pagsusulat at hinarap ang kaibigan.

"Pasensiya na, inasikaso ko pa ang negosyo ni Papa," pagpapaliwanag nito.

Ang alam niya sa kaibigan ay tulad niya ulila na rin ito sa ina. Namatay rin ito sa panganganak. Nang mamatay ang ina ni Edward ay labis na dinamdam iyon ng ama nito kung kaya mula noon ay puro negosyo na ang inasikaso nito. Pumasok pa ito sa pulitika ng mag-high school siya. Lumaki ang binata nang salat sa pagmamahal ng ama. Nararamdaman ng binata na siya ang sinisisi ng ama kung bakit namatay ang asawa nito. Sinisisi nito si Edward dahil mas pinili ng asawa na mabuhay ang sanggol na nasa sinapupunan kaysa sa sarili. Ginawa lahat ng binata upang mapansin ng ama. Nag-aral siyang mabuti, naging masunurin at mabuting anak upang maipagmalaki siya ng ama. Ngunit kulang pa rin ang mga ginagawa niya upang matutunan siya nitong tanggapin at mahalin. Binigyan siya ng kondisyon ng kanyang ama. Kung magagawa niyang palaguin at pagyamanin ang negosyo nito at mapatunayan na karapat-dapat na maging tagapagmana ng mga ari-arian nito ay magagawa siyang tanggapin ng ama. Kung kaya ginawa niya ang lahat ng kanyang makakaya kahit na kung minsan ay labag sa kanyang kalooban.

"Hmmm... Sige na nga!" ngumiti si Lianne sa kaibigan.

Napatingin si Edward sa hawak na ballpen ni Lianne. "Saan mo nabili iyang ballpen mo?" tanong nito sa dalaga.

"Ito?!" sabi ni Lianne, tiningnan pa ang hawak na pen. "Napulot ko lang ito sa ladies room noong isang araw. Sumusulat pa, kaya kinuha ko. Sayang, eh! Maganda nga itong i-pangsulat."

Makahulugan ang tinging ngumiti siya sa binata. "Parang gusto kong bumili kapag naubos na ito," dugtong pa niya. Nakita niya na tila natitilihan ang binata.

"Hmmm... Ikaw naman, hindi ka na mabiro!" dinunggol pa niya ang balikat nito. "Siyempre naman, ang brand ng ballpen na ginagawa ninyo ang pina-patronize ko, noh! Para ano pa at magbestfriend tayo kung hindi naman kita tutulungan sa simpleng paraan, di ba?" nakangiti niyang pahayag sa binata. Kinindatan pa niya ang kaibigan.

Bukod sa congressman ang ama ay malaki ang kumpanya nitong pag-aari. May factory ito sa Laguna na gumagawa ng mga school supplies. Malakas at mabenta ang mga produkto nila dahil maganda at may quality ang kanilang mga gawa.

Ngumiti na rin ang binata. "Salamat!" sabi nitong titig na titig sa dalaga.

Nangingiti lang na nagkakatinginan na makahulugan ang mga kasama nila sa table.

"Alam nyo bagay kayo!" pilyang sabi ni Denise.

"Huh?!" nabiglang sabi ni Lianne.

"Silence please!" sabi ng librarian, nakadilat ang mga matang nakatingin sa kanila.

Natutop niya ang bibig. Nagkatinginan silang lahat. Pare-parehong tahimik na tumawa.

"Lianne, bakit hindi na lang si Edward ang ligawan mo, hindi si James!" mahina ang boses na suwestiyon ni Carla, hindi rin mapigilan nito ang mang-intriga. "Sigurado akong hindi ka na mahihirapan at sasagutin ka kaagad niyan, di ba Edward?" nakangiting tumango pa ito sa binata.

Ngumiti rin ang binata at tumingin kay Lianne.

"Anong sabi mo? Ligawan?" napalakas niyang sabi. Natutop niyang muli ang bibig nang maalala na nasa library sila. Tumingin siya sa librarian, matalim ang matang nakatingin ito sa kanya. Nakagat niya ang ilalim na labi at binigyan niya ito ng isang matamis na ngiti.

Sa Puso Ko(Wattpad Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon