Chapter 18

3 0 0
                                    

Last day na ng seminar. Si Edward ang madalas niyang kasama sa buong panahong iyon. Hindi siya nito iniiwan. Kung nasaan siya ay nandoon din ang binata. 

Naglalakad sina Lianne at Edward patungo sa dorm. Katatapos lang ng huling topic sa seminar kaya inaya siya ng binata na kumain sa labas ng convention center. Madalang na silang makapag-bonding magkaibigan dahil sa pagiging busy ng huli  kaya pumayag naman siya. Hindi na sumama ang grupo nina Carla para pagbigyan ang binata na makapag-solo sila ng binata. Nakakahalata naman ang mga ito na may pagtingin ang binata kay Lianne. 

Si Lianne lang yata ang hindi nakapapansin nito dahil nasa iba ang kanyang atensiyon. Hindi niya maunawaan kung bakit hindi sumama sa kanila ang mga kaibigan. Nang makapagpalit siya ng damit ay nagtungo na sila ni Edward sa mall na malapit sa convention center. 

Naglibot muna sila ng binata sa loob ng mall. Namili siya ng ipapasalubong sa kanyang tiyahin at mga pinsan. Nang mapagod sila ni Edward sa kakalibot ay dinala siya ng binata sa isang restaurant sa loob din ng mall. Maraming inorder ang binata. Halos lahat ay masasarap. Natakam siya sa mga nakahain sa kanilang mesa ngunit naalala niya ang kanyang diet. Kaya konti lang ang kanyang nakain ngunit tinikman naman niya ang lahat ng putahe. 

"Bakit konti lang ang kinain mo?" nagtataka nitong tanong. Inayos pa nito ang makapal na salamin sa mata.

Tumingin siya sa kaibigan. Nakita niya ang makinis na makinis na nakahawi sa isang side at puno nang gel na buhok nito. Nakabutones hanggang leeg ang short sleeve checkered na polong suot.

Ngumiti siya. "Diet kasi ako ngayon," simpleng sagot niya.

"Diet? Nagda-diet ka?" nakakunot ang noo nitong tanong.

"Oo. Sorry, hindi ko na nasabi sa'yo na nagdyi-gym na nga pala ako kasama si Ma'am Lenny. Nitong mga nakaraang araw kasi masyado kang busy kaya hindi tayo makapag-usap nang mabuti," paliwanag niya sa binata.

"Bakit ka naman nagda-diet?" 

Napangiti siya dahil may bigla siyang naalala. "Para magustuhan na ako ng prince charming ko!" kinikilig siya habang tila nangangarap. "Best, kapag sumeksi na ako baka magustuhan na niya ako dahil hindi na siya mapapahiya kapag kasama ako."

Umasim ang mukha ng binata. Binaba nito ang hawak na kubyertos tila nawalan na ito nang gana sa pagkain.

"Si James ba ang tinutukoy mo?" seryoso nitong tanong sa kanya.

Napatingin siya sa kaibigan. Napansin niyang seryoso ito.

"B-best may gusto sana akong ipagtapat sa'yo," bulalas niya. Nakokonsensiya na siya dahil mag-bestfriend nga sila ngunit hindi naman niya maipagkatiwala sa binata ang pinakaiingatang lihim.

"Tungkol saan?" malungkot nitong tanong. 

Nakita niya ang lungkot sa mga mata ng kaibigan. Nagtaka siya dahil kanina lamang habang namamasyal sila ng binata ay masigla ito at masaya ngunit ng banggitin nito ang pangalan ni James ay bigla itong nalungkot.

"Tungkol kay..." Hindi niya natuloy ang sasabihin dahil biglang tumunog ang cellphone ng binata. Nagpaalam ang binata sa kanya. Lumakad ito palayo sa kanya para makausap ang nasa kabilang linya.

Pagkaraan ng ilang sandali. "Tapos ka na bang kumain, Lianne?" tanong ng binata pagbalik nito sa kanilang mesa.

"Oo," sagot niya dito. 

"Good," pagkasabi nito ay tinawag na ni Edward ang waiter at hiningi ang kanilang bill.

"Edward, may sasabihin sana ako sa'yo!" sabi niya sa binata.

"Saka na lang Lianne, may emergency kasi sa opisina, kailangan ako doon," payak nitong sabi.   
Napansin niyang tila nagtatampo ang kaibigan.

"E-Edward?!"

"Lianne, please!" pakiusap nito.

Tumahimik siya. Alam niya kapag gustong manahimik ng kaibigan. Nirespeto niya ang gusto nito, marami pa naman pagkakataon para maipagtapat niya dito ang tungkol kay James.
Nang dumating ang kanilang bill ay binayaran kaagad iyon nang binata at mabilis na umalis doon. Nang makabalik sila sa convention center ay nagpaalam kaagad si Edward sa mga propesors nila. Pinayagan naman ito na mauna nang umalis. Hindi na rin sila nakapag-usap dahil mabilis na nakarating doon ang sasakyan na susundo dito. Nagpasundo ang binata sa family driver nila. 

Nagkaroon ng programa nang gabing iyon. Munting kasiyahan na hinanda ng ilang propesor at student officers para sa huling gabi nila sa convention center. May mga games, production numbers at pa-raffle ng ilang souvenir items. Hindi siya masyadong nag-eenjoy sa program dahil hindi niya makalimutan ang tampo sa kanya ng kaibigan. Dagdag pa doon ang alalahanin tungkol kay James. Kaya nagpasya siyang magpunta na lamang sa kanilang kuwarto.
Nang marating niya ang kanilang kuwarto ay kumuha siya ng damit pamalit at nagtungo sa shower area sa labas ng kuwarto. Walang shower at comfort room sa bawat kuwarto, nakahiwalay ito. Nang makapaligo ay bumalik na siyang muli sa kanilang kuwarto. Wala pa rin ang kanyang mga kasama. Nahiga na siya at natulog.

Sa Puso Ko(Wattpad Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon