Chapter 26

4 0 0
                                    

Kararating lang ni Daniel sa kanyang opisina nang pumasok si Jojo at sabihing naroroon si Mr. Montelibano, ang presidente ng St. Jude College.

"Papasukin mo," sabi niya.

Si Mr. Montelibano ay kumpare ng kanyang ama at ninong niya sa binyag kung kaya hindi naging mahirap sa kanya na mapapayag ang presidente ng eskuwelahan na makapag-undercover sa eskuwelahan nito. 

Pumasok si Mr. Montelibano. Tumayo siya at nakangiting sinalubong ang matanda. Kinamayan siya nito sabay tapik sa balikat.

"Kumusta na Daniel? Ano na ang progreso ng iniimbestigahan mo?" tanong ni Mr. Montelibano pagka-upo sa silya sa harap ng kanyang mesa.

Umupo siya sa swivel chair. "Meron na kaming suspect. Lahat ng ebidensiya na nakuha namin ay ang estudyanteng ito ang tinuturo. Meron kaming nahuling isang pusher noong isang araw. Sinabi nito ang tunay na identity ni Pogi. Minsan niya na raw itong nakaharap."

Nang nasa convention center sila ay may nahuling pusher ang kanyang team. Nang i-interrogate ng grupo ay kinanta nito kung sino si Pogi. Dagdag pa ang ilang impormasyon sa mga aktibidades ng sindikato.

"Talaga? Sino naman iyon?" curious na tanong ng matanda.

Napatingin si Daniel sa matanda. Tinatantiya kung sasabihin sa ninong ang prime suspect nila.

Tila nakuha ng matanda ang kanyang iniisip. "Siguro naman, Hijo, hindi masama kung malalaman ko kung sino sa mga estudyante ng eskuwelahan ko ang prime suspect sa sindikato ng droga. Karapatan ko naman sigurong malaman kung sino siya dahil karangalan din ng school ko ang nakataya dito."

Siguro nga dapat nang malaman ng matanda kung sino si Pogi. Kung hindi rin sa tulong nito ay hindi nila madaling mapapasok ang school. Tutol nga ang matanda noong una dahil makakaladkad ang pangalan ng eskuwelahan kapag nahuli nila ang suspect.

"Hindi naman sa gan'un, Ninong! Gusto ko lang kayong protektahan. Mahirap na, baka pati kayo madamay. Isang malaking sindikato ang kalaban natin dito. Mas mainam na iyong wala kayong alam. Pero kung gusto ninyo, sasabihin ko sa inyo kung sino si Pogi," paliwanag niya dito.

"May tiwala naman ako sa iyo!" sabi lang nito.

Ngumiti siya. "Okay! Si Pogi ay si James Sandoval. Anak ni Mayor Rogelio Sandoval."

Napakunot ang noo ng matanda. "Si James? Iyong bunsong anak ni Rogelio?" nagtataka nitong tanong.

"Yes, Ninong!" tumatango niyang sagot.

"Baka nagkakamali kayo? Kilala ko si Rogelio. Matalik ko siyang kaibigan," hindi makapaniwala nitong sabi.
Matamang tumingin si Daniel sa matanda.

"Alam mo, hijo, kababata ko iyang si Rogelio. Malayo sa sinasabi mo ang pagkakakilala ko sa kanya. Straight iyang taong ‘yan. Walang bisyo. Bata pa lang iyang si Rogelio ay ayaw na niya sa mga bisyo. Madalas nga iyang makantiyawan ng barkada dahil lagi ‘yan nawawala kapag nagkakaayaan na ng inuman ang barkada, eh! Ni hindi ko iyan nakitang nanigarilyo. Ewan ko nga lang, kung bakit ang mga anak niya ay mga nalulong sa bisyo. Muntikan pa ngang mamatay ang panganay niyang anak dahil sa overdose sa droga. Buti na lang nabuhay. Kaya nga mula noon nagkaroon siya ng advocacy against drug. Isa iyon sa mga proyekto niya sa mga nasasakupan niya. He cares for the youth! Kaya, hindi ako makapaniwala na siya ay involve sa isang malaking sindikato," pahayag ng matanda.

Naguguluhan siya sa mga sinasabi ng matanda. Bakit kumokontra ang mga pahayag ng kanyang ninong sa mga ebidensiyang nakalap nila? Lahat ng ebidensiyang nakuha nila ay si James ang tinuturo. At isa sa malakas na ebidensiya ay ang sinabi ng kanilang testigo. Kapag totoo ang sinasabi ng kanyang ninong ay babalik silang lahat sa wala. Kung walang kinalaman sa sindikato si Mayor Sandoval, ibig sabihin wala rin kinalaman si James. Kung hindi si James, sino si Pogi? Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga.

Sa Puso Ko(Wattpad Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon