Chapter 32

2 0 0
                                    

Nasa lobby ng hotel si Lianne. Hinihintay niya ang kaibigang si Edward. Tinawagan siya ng kaibigan para imbitahan na kumain sa labas. Pinagbigyan niya ang kaibigan dahil matagal na rin silang hindi nagkikita. Na-miss na rin niya ang binata. Sinabi nito na magkita sila sa lobby ng hotel na binanggit nito. Ngunit halos kalahating oras na siyang naghihintay ay hindi pa rin dumadating ang kaibigan. Tinatawagan niya ito ngunit hindi naman niya makontak. Nakakaramdam na siya nang pagkainip.

Nahagip nang kanyang tingin ang isang lalaking mabilis na naglalakad patungo sa elevator. Tumingin pa ito sa kanyang direksiyon. Parang pamilyar sa kanya ang mukha nito. Pilit niya iyong iniisip. Nagliwanag ang kanyang mukha ng maalala na ang lalaking iyon ang nakita niyang kausap noon ni Marion sa parking area ng cafeteria. Mabilis siyang tumayo sa kinauupuan at sinundan ang lalaki. Naisip niyang maaaring ang lalaking iyon at si Pogi ay iisa. Ngunit hindi na siya nakasunod sa lalaki dahil nakapasok na ang lalaki sa isang private elevator. Authorized at special guests lang ng hotel ang nakagagamit noon. Hindi niya rin malaman kung saan floor iyon bumaba dahil walang nagreregister sa labas ng elevator kung nasaan level na iyon. Ang laki ng panghihinayang niyang nakatingin sa nakasaradong pinto ng elevator.

Medyo nagtagal pa siya sa lugar na iyon. Nagbabakasakali na lumabas muli ang lalaki sa elevator. Nang biglang bumukas ang isang public elevator sa kanyang likuran.

"Lianne," tawag sa kanya ng lumabas sa elevator.

Napatingin siya doon. "Edward?!" nagtataka niyang sabi. "Bakit nandiyan ka? Alam mo bang kanina pa kita kinokontak? Bakit patay ang cellphone mo? Alam mo, nakakaasar ka. Inimbitahan mo ako tapos paghihintayin mo ako dito!" naiinis niyang pahayag sa kaibigan. Naniningkit ang kanyang mga mata habang nakapamaywang.

"Sorry na! Na-low bat kasi ang cellphone ko. Sa totoo lang kanina pa ako nandito, sinamaan lang ako ng tiyan, kaya naghanap ako ng comfort room. Kaso out of order ang cubicle dito sa ground floor kaya naghanap pa ako ng c.r. sa ibang level. Pasensiya na, Best!" hingi ng  paumanhin ni Edward. Inayos nito ang suot na salamin. Humawak pa ang binata sa tiyan at umarte na nanlalata upang mapaniwala ang kaibigan.

Naniwala si Lianne sa rason ng kaibigan dahil napansin niyang pawis na pawis ang binata kahit fully airconditioned ang buong hotel. Bigla siyang nakaramdam ng awa para sa kaibigan.

"Okay ka lang ba? Gusto mo ibili kita ng gamot?" nag-aalala niyang sabi sa kaibigan. Nilapitan niya iyon at humawak sa braso nito.

"Okay na ako! May naawa sa akin na isang guest, binigyan ako ng gamot kaya ngayon medyo maayos na ang pakiramdam ko," pagsisinungaling ni Edward.

"Sigurado ka!" mababakas pa rin ang pag-aalala sa mukha ng dalaga.

"Oo. Salamat sa concern mo!" madamdaming pahayag ni Edward. Tumingin siya sa mga mata ng dalaga. ‘I'm sorry, Lianne! Kailangan kong magsinungaling sa'yo,' nasaisip niya.

Na-late siya sa usapan nila ng dalaga dahil natagalan siyang iligaw si Daniel. Nang makita niya kanina ang dalaga sa lobby ay mabilis siyang pumasok sa elevator at magpunta sa penthouse ng hotel na okupado niya. Mabilis siyang nagpalit ng damit. Nagpahid siya ng maraming gel sa buhok at sinuklay iyon pahawi sa isang side. Pagkatapos maayos ang sarili ay mabilis siyang pumasok sa elevator at bumaba sa third floor. Mula third floor ay sa isang public elevator na siya sumakay pababa. Kaya pawis na pawis siya ng lumabas ng elevator.

Matamis na ngumiti si Lianne. "Let's go! Saan tayo magdi-diner?" nakahawak pa rin siya sa braso ng binata. Sinandig niya ang ulo sa balikat nito na tila naglalambing.

Nasiyahan si Edward sa kanyang ginawa. "Sa restaurant, dito rin sa loob ng hotel tayo magdi-diner. I'm sure magugustuhan mo ang mga pagkain dito!"

Sa Puso Ko(Wattpad Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon