Chapter 42

5 0 0
                                    

"Captain the area is clear, now. Hawak na namin ang suspect, pero may tama siya," naririnig ni Daniel na sabi ni Janice.

"You must thank me, Lianne!" bulong ni Daniel sa dalaga.

Hindi maunawaan  ni Lianne ang ibig nitong sabihin kaya napatingin siya sa binata. Nagtatanong ang mga mata niyang tumitig sa mga mata nito.

"What do you mean, sir? Pinigilan n'yo si Lianne na magpunta dito?" narinig ni Daniel na tanong ni Janice sa kabilang linya. "Remember, she is one of our suspect. Bakit n'yo siya-"

Tinanggal na ni Daniel ang earpiece na nasa tainga at isinilid sa bulsa dahil ayaw na niyang marinig ang iba pa nitong sasabihin.

Tumingin siya sa dalaga. Bumitaw siya sa pagkakayakap dito. Marahan niya rin tinanggal ang kamay ng dalaga sa kanyang balikat.

Nagtatakang nakatingin lang si Lianne sa binata. Naguguluhan siya sa biglang pagbabago ng ekspresyon ng mukha nito.

"Bakit ba napakadali mong maniwala, Lianne? Bakit napakabilis mong magtiwala?" malamig na tanong ni Daniel sa dalaga.

Napakunot ang kanyang noo. Hindi niya maunawaan ang mga sinabi nito.

Ngumisi ang binata. "Napakadali mong paglaruan, Lianne. Dapat kang magpasalamat sa akin dahil kung wala ako dito, siguradong… magbubutas ka lang ng upuan!" tila nang-uuyam na sabi ng binata.

Napaawang ang kanyang mga labi. Pakiramdam ni Lianne ay binuhusan siya ng malamig na tubig sa sinabi nito. Tila nagising siya sa isang napakahimbing na pagkakatulog.

"Bakit mo nasabi iyan? Ano ang ibig mong sabihin, Daniel?" tila may bara sa lalamunang tanong niya sa binata. Naguguluhan siya sa mga nangyayari.

Isang babae ang lumapit sa kanilang dalawa. Halos kasing edad lang ito ng binata. Maganda ang babae, matangkad at sexy ang katawan na parang pang-beauty  queen. Class rin tingnan ang babae at mukhang nanggaling sa mayamang pamilya.

"Hi, honey! Kanina ka pa?" matamis ang ngiting tanong ng babae sa binata. Humalik ang babae sa labi ng binata na tinugon naman nito.

Pakiramdam ni Lianne ay may tumarak na kutsilyo sa kanyang puso.

Hinawakan ni Daniel ang beywang ng babae at hinapit iyon palapit sa sariling katawan. "Bakit ba ang tagal mo?" malambing na tanong ng binata sa babae. Tila hindi na niya pansin ang presensiya ni Lianne.

"Pasensiya ka na, ha! Marami pa kasi akong inasikaso tungkol sa kasal natin," malambing din na sagot ng babae sa binata. Napatingin ang babae kay Lianne. Napataas ang isa nitong kilay nang mapagmasdan siya. "Sino siya, honey?"

Natitigilan si Lianne sa mga nasaksihan. Pakiramdam niya ay unti-unting dinudurog ang kanyang puso. Nangingilid ang luhang napatingin siya kay Daniel.

"Ah," tipid na ngumiti si Daniel. "Siya si Lianne, one of my student sa St. Jude College," simpleng sabi ng binata sa babae. Tumingin ito sa kanya. "Lianne, si Eunice, my fiancee," pakilala naman nito sa babae.

Napayuko siya. Pilit na kinukubli ang namumuong luha sa mga mata.

"Hi, Lianne," may ngiti sa labing inabot ni Eunice ang palad upang makipagkamay sa kanya.

Nagpakawala siya ng mahinang buntong-hininga upang mabawasan ang sakit na nararamdaman sa dibdib.  Inangat niya ang ulo at tumingin sa babae. Pilit ang ngiting kinamayan ito. Kinukubli sa babae ang tunay na nararamdaman.

"Honey, puntahan ko lang si Tito Felipe. Hindi ko pa nababati ang celebrant, eh," malambing na sabi ng babae sa binata.

"Okay," nakangiting sagot ng binata. Pagkaraan ay lumayo na ang babae matapos magpaalam sa kanya.

"Bakit?" gumagaralgal ang boses na tanong niya sa binata nang makalayo na ang babae. "Bakit mo ginawa ito sa akin, Daniel? Bakit mo ako pinaglaruan? Ano ang ginawa ko sa'yo para saktan mo ako ng ganito?" may pait at puno ng hinanakit na tanong niya sa binata. Hindi niya alam kung saan siya humugot ng lakas upang sabihin iyon dahil pakiramdam niya ay unti-unti na siyang nauupos.

Matiim lamang na nakatingin sa kanya si Daniel. Pagkaraan ng ilang saglit ay napangisi ang binata.

"Sasabihin ko rin naman ito sa'yo, eh. Pero natuklasan mo na… Oo Lianne, pinaglaruan lang kita," malamig na kumpirma ng binata.

Napapikit at napayuko si Lianne dahil sa sakit na naramdaman sa dibdib sa mga sinabi ng binata. Pigil pa rin niya ang mga luha sa mata.

"Marami na akong naging girlfriend. Lahat sila magaganda at mga sexy. Noong nililigawan ko ang mga iyon ay hindi ako nahirapan na mapasagot kaagad sila. Hanggang sa makilala kita. Malapit na akong ikasal. Pero bago ako matali, gusto kong malaman kung kaya ko rin makapag-paibig nang isang babaeng katulad mo. Sabi nila, mahirap daw ligawan ang mga babaeng tulad mo. Dahil masyado raw kayong pakipot, mahiyain, conservative. Kaya na-challenge ako. But, I prove them wrong! Babae rin kayo. Isang ngiti lang ng lalaking tulad ko ay bibigay din kayo. Katulad mo, Lianne… at hindi ako nahirapan gawin iyon. Pasensiya ka na, ha, ikaw kasi ang nandiyan!" pasarkastikong pahayag ni Daniel sa dalaga. Pilit niyang tinatago ang totoong damdamin. Iniwas niya ang tingin sa dalaga dahil ayaw niyang makita ang pait na nakarehistro sa mukha nito.

Tuluyan nang tumulo ang luha ni Lianne sa kanyang pisngi. "Pasensiya?!" may pait niyang sabi. Nakuyom niya ang mga palad. Pagkaraan ay dumapo sa pisngi nito ang isang malakas na sampal.

Natigilan ang binata. "Pasensiya na, ha! Hindi kasi napigilan ng kamay ko ang masampal ang isang lalaking katulad mo, na mapaglaro sa damdamin ng iba," nakatiim ang mga bagang na sabi ni Lianne, punong-puno ng hinanakit.

Pagkasabi ay tumalikod na siya sa binata. Mabilis siyang lumakad palabas sa bulwagan na iyon habang lumuluha.

Malungkot na sinundan na lang ng tingin ni Daniel ang papalayong dalaga. Tumanaw siya sa gawi ni Edward. Nakita niya ang pagpupuyos nito sa sobrang galit. Matalim ang mga tingin ang tinapon nito sa kanya. Susundan sana ni Edward ang dalaga ngunit dumating si Marion at may ibinulong sa binata. Nakita niyang magkasamang lumabas ang dalawang lalaki, tila nagmamadali.

"I'm sorry, Lianne! I need to do this," malungkot niyang bulong sa sarili. Nararamdaman niya ang kirot sa dibdib sa ginawang pananakit sa damdamin ng dalaga. Alam niya kulang pa ang sampal na ginawa nito sa mga kasalanan na ginawa niya.

Lumapit si Eunice sa kanya na may hawak na dalawang baso ng wine. Inabot nito ang isa sa kanya. Inubos niya ang laman ng baso ng isang tungga lang.

"Poor lady!" napapailing na sabi ni Eunice. Tumingin ito sa binata. "You are known for being a woman's lover not a heartbreaker, Daniel! Sa dami nang naggagandahan mong naging girlfriend, I'll never heard na isa sa kanila ay nagkaroon ng sama ng loob sa'yo, when your relationship with them end up. But all of a sudden, naging malupit ka with this lady. You're so bad, friend! Pati ako idinamay mo diyan," pahayag nito sa kanya.

Napabuntong-hininga siya. Walang kangiti-ngiting napatingin sa babae. "Salamat sa tulong mo," simple niyang sabi.       

Sa Puso Ko(Wattpad Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon