Chapter 45

5 0 0
                                    

Kinabukasan, ay nagtungo siya sa hospital upang dalawin ang nakababatang kapatid. Malapit na siya sa kuwarto ni James ng makita niyang lumabas mula doon si Marion at Rudy. Nagkubli siya upang hindi siya makita ng mga ito.

"Siguradong matutuwa niyan si Boss. Tikom na ang bibig ni James at mukhang hindi kakanta sa mga parak," ngumingising sabi ni Rudy.

"Ssshh, huwag ka ngang maingay! Malilintikan na naman tayo niyan sa kadaldalan mo, eh. Baka may makarinig na naman sa atin at magaya tayo kay Lito," inis na sabi ni Marion sa kasama. Si Lito ay ang pangatlo sa kanilang barkada. Nang malaman ni Edward ang kadaldalan ng tatlo ay hinarap nito ang mga tauhan. Pumalag si Lito kaya nabaril nito ito sa sobrang galit.

"Ay, sorry!" sabi ni Rudy. "Tara na! Nang masabi na kay Boss ang  good news," dagdag pa nito. Nasapo nito ang bibig ng maalala ang paalala ng kasama.

Inis na binatukan ni Marion si Rudy. Kakamot-kamot naman ang binata ng makatikim sa kasama ng batok.

Narinig ni Lianne ang lahat ng pinag-usapan ng magkaibigan. Maingat siyang sumunod sa dalawang lalaki. Naisip niyang iyon na ang pagkakataon upang makilala si Pogi.

Nang makalabas ng hospital ay sumakay ang dalawang lalaki sa kotse ni Marion. Si Lianne ay sumakay sa isang taxi at pinasundan niya ang kotse ng mga ito.

Papasok sa loob ng compound ng hospital ang sasakyan ni Daniel nang matanawan niya si Lianne na sinusundan sina Marion at Rudy. Sumunod rin siya sa taxi na sinakyan ng dalaga.

Habang daan ay tinawagan ni Lianne si Julian. Papasok na sila sa expressway papuntang south. Sinabi niya sa binata na sinusundan niya sina Marion upang malaman ang hideout ni Pogi. Sinabi niya rin na tatawag siyang muli upang malaman nito ang exact location nang pupuntahan.

Nakarating sila sa Laguna. Huminto ang kotse at pumasok iyon sa isang warehouse. Nagbayad siya sa taxi driver at saka bumaba. Nang makaalis ang taxi ay tumawag siyang muli kay Julian. Sinabi niya ang exact location kung saan siya naroroon.

Huminto ang kotse ni Daniel ‘di kalayuan sa kinatatayuan ni Lianne. Hindi muna siya bumaba. Tumingin siya sa warehouse na pinasukan ng sasakyan nila Marion. Kinontak niya si Philip at sinabi ang kanyang exact location. Nabigla siya ng makitang sumalisi si Lianne sa isang lalaking lumabas ng warehouse upang makapasok sa loob niyon. Nakaramdam siya nang pag-aalala para sa dalaga. Masyadong delikado ang ginawa nito. Alam niyang hindi mangingiming pumatay ang mga kriminal na nasa loob ng warehouse na iyon.  Bumaba siya sa kanyang kotse. Pinag-aralan kung paano makakapasok sa loob ng warehouse.

Sa Puso Ko(Wattpad Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon