Chapter 28

1 0 0
                                    

"Uuyyy, Lianne! Saan ka na ba nakarating?" untag sa kanya ni Ms. Dimaapi.

Hawak-hawak niya ang kuwintas na suot ng magbalik sa kasalukuyan ang kanyang isip.

"Ma'am?" nagulat siyang napatingin sa binibini.

Tumawa ang binibini. "Ano ka ba, Lianne? Tinanong lang kita kung may nangyari sa inyo ni Daniel. Parang naglakbay na ang isip mo sa malayong lugar. Siguro totoo ang hinala ko, ano?" naghihinala ang mga tingin nito sa kanya. "Hmmm, ayaw pa kasing sabihin, eh!... Si Mr. Kim kaya ang tanungin ko. Baka sakaling sagutin pa ako n'un!"

"Ma'am, huwag n'yong gagawin iyon. Nakakahiya!"

"Anong nakakahiya? Ano kaya ang maitanong sa kanya?" umakto ito na tila nag-iisip. "Aahh, alam ko na!" nakangisi itong tumingin sa kanya.
Lumabi siya dito.

"Mr. Kim, did you sleep with Lianne at the forest?" birong pahayag nito. Pagpapraktis ng binibini sa itatanong sa binata.

Natawa lang siya sa binibini. Kung alam lang nito na natulog silang magkatabi ng binata baka kiligin ito ng husto.

"Or… Is it fun having sex with her?" bumubungisngis na biro nito.

Napanganga siya sa kabiglaan sa narinig na sinabi nito. Nasapo niya ang sariling bibig. "Ma'am Lenny, napakabulgar mo naman?"

"Ayaw mo kasing magsalita! Nag-kiss ba kayo? Or niyakap ka man lang ba niya? Hellooo!... ang lakas kaya ng ulan noon, noh! Siyempre, maginaw…" may malisyosang ngiti sa mga labi nito.

"Hmmm.." May bigla siyang naalala. Hindi niya nga lang alam kung totoong nangyari iyon o panaginip lamang. Nasa isang kubo daw sila noon, ginaw na ginaw siya kaya niyakap siya nito. Dahil sa akala niya ay isa iyong panaginip ay nagtapat siya ng damdamin sa binata. Pagkatapos ay hinalikan niya raw iyon at tinugon naman iyon ng binata. Parang totoong-totoo kasi iyong nangyari. Hanggang ngayon ay parang ramdam pa rin niya ang labi ng binata, ang mga halik nito sa kanyang mga labi. At ang higpit ng mga yakap nito ay nararamdaman pa rin niya kapag naaalala iyon. Ngunit naisip niyang maaaring panaginip lamang iyon dahil wala naman sila sa kubo ng magising siya ng umagang iyon.

"Uuuy, ayan ka na naman! Lagi ka na lang natutulala, Lianne," untag uli sa kanya ng binibini.

Tumawa siya. "Ma'am, naman!"

Nakita ni Ms. Dimaapi na paparating si Daniel. Maluwag ang pagkakangiting kumaway ito sa binata. "Hi, Daniel!"

Ngumiti si Daniel sa kanila ni Ms. Dimaapi. Lumakad palapit sa kanila.

"Ayaw mong umamin, ha! Sa kanya ko na lang itatanong," may  banta nitong bulong sa kanya. Nakangiti itong sumalubong sa binata.

"Ma'am, huwag!" awat niya sa binibini. Hinawakan niya ito sa braso. Naghilahan sila ng binibini. Para silang mga bata sa ginagawa.

"Hello, girls!" bati ni Daniel nang makalapit. Napantastikuhan siya sa kilos ng dalawang babae.

"Daniel, can I ask you something? It's really bothering me!" tanong ni Ms. Dimaapi.

"Ma'am, please don't!" nakikiusap na bulong ni Lianne. Inaalog-alog niya pa ang braso nito na hawak-hawak niya. Gumalaw ang mga taba ng binibini sa braso. 

Lihim na natawa si Daniel sa nakita. Napansin iyon ng binibini.
Sinundan nito ng tingin ang tinitingnan ng binata. Nakita rin nito ang kanyang napansin.

"Ano ka ba, Lianne, tigilan mo nga iyang ginagawa mo," pinandilatan nito si Lianne.

Itinuon ni Daniel sa ibang direksiyon ang mga mata ng muling lumingon sa kanya ang binibini.

Sa Puso Ko(Wattpad Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon