Chapter 8

6 1 0
                                    

HALOS ISANG LINGGO rin na hindi nakapasok si Lianne dahil nagkasakit ang kanyang tiyahin. Maliit pa ang kanyang mga pinsan kaya siya lang ang maaasahan nitong mag-asikaso ng karinderia nito. Ang kanyang tiyuhin naman na asawa nito ay isang construction worker na nakadestino sa malayong lugar. Lingguhan lamang ito kung umuwi.

Linggo nang umaga, hindi niya inaasahan ang bisita. Nasa karinderia siya sa harap ng bahay nila.

"Ma'am Lenny, bakit po kayo naparito?" nagtataka niyang tanong. Pagkaraan niyang bigyan ito ng makakain.

"Gusto sana kitang kausapin noong isang araw pa, kaso isang linggo ka nang hindi pumapasok. Akala ko nga kaya hindi ka nakapasok ay dahil sa insidente noong nakaraang linggo sa canteen. Pero sabi ni Edward nagkasakit nga raw ang tiyahin mo at ikaw ang nag-aasikaso nitong tindahan ninyo. Kaya ako na ang sumadya sa'yo dito," mahaba nitong pahayag.

Nang umabsent siya, kinabukasan ay sumagsag kaagad sa kanila si Edward. Nag-alala ang binata na kaya hindi siya nakapasok ay dahil sa napahiya siya noon sa canteen. Napanatag lamang ang kalooban ng binata ng malaman nito ang totoo niyang kalagayan. Wala na rin ang tampo nito sa kanya. Humingi rin ito ng paumanhin sa pag-iwan nito sa kanya.

"Yes, Ma'am! Nagkasakit nga po ang tiyahin ko kaya hindi ako nakapasok. Wala po kasing ibang maaasahan si Tiyang na mag-asikaso ng tindahan," paliwanag niya.

"Ma'am mahalaga po ba ang sasabihin ninyo kaya sinadya n'yo pa ako dito sa amin? Puwede n'yo naman pong sabihin iyon pagpasok ko. May problema po ba sa mga grades ko?" nagtataka niyang tanong.

"Naku, hindi! Walang problema sa mga grades mo," mabilis nitong sabi habang tumatawa. "Naparito ako dahil sa ginawa mong pagtatapat sa klase ko tungkol sa sarili mo noong nakaraang araw. Alam mo ba na ang pinakamahirap na maaaring gawin ng isang tao ay ang ipahayag ang kanyang sarili? Mahirap magpahayag ng isang katotohanan lalo't alam mo ang maaaring kahihinatnan ng iyong pagtatapat. Pero nagawa mo iyon kahit hindi naman kailangan. Bakit ko nasabi iyon? From the start, you can pretend na nagkaroon ka na ng nobyo noon. Na naranasan mo nang may magmahal sa'yo. Who cares kung nagsasabi ka ng totoo o hindi. Besides, it's just an activity. You know, sometimes in our lives, kailangan nating magsinungaling. Para maprotektahan ang mga sarili natin sa mapanghusgang mundo na ginagalawan natin. Para rin hindi tayo lumabas na kaawa-awa at katawa-tawa sa kapwa natin."

"Sinasabi n'yo po ba na kaya ko ginawa iyon para kaawaan nila ako at makuha ko ang simpatya nila?" tanong niya sa propesora.

Tumawa ito ng mahina. "Hindi ganoon ang ibig kong sabihin. Alam kong ginawa mo iyon, hindi para kaawaan ka nila kundi maunawaan nila ang damdamin ng isang taong tulad mo. Katulad natin na mga may kapintasan. Katulad natin na matataba. Nauunawaan ko ang nararamdaman mo dahil naranasan ko rin ang mga nararanasan mo. Ang mga insecurities mo. Ang maranasan na ma-reject ng ibang tao dahil sa pisikal na anyo," mas sarili na nito ang pinatutungkulan na pahayag ng binibini.

"Kaya minsan kailangan mong magsinungaling para hindi ka lumabas na kaawa-awa sa kanila. Para magkaroon ka kahit konting pride para sa sarili mo. Teka, ano ba itong sinasabi ko? Hindi ako nagpunta dito para i-kuwento ang buhay ko at magdrama sa harap mo," pinasasaya nito ang boses at pilit winawaksi ang nasa isipan.

"Ano nga ho ba talaga ang sadya ninyo sa akin?" muli niyang tanong.

"Nandito ako para ayain kang sumama sa akin. Alam mo na-inspire ako sa ginawa mo. Naisip ko, ayoko nang mabuhay sa mga insecurities ko. Kailangan may gawin ako para mabago na ang buhay ko. Ayokong tumanda nang nag-iisa. Ayokong dumating ang panahon na pagsisihan ko na wala akong ginawa para mabago ko ito. Gusto kong makapag-asawa kaya gagawin ko ang lahat para may makapansin sa akin at para may magmahal sa akin. At dahil ikaw ang nagbukas at gumising sa aking isipan, i-dadamay kita," nakangiti nitong pahayag.

Nanlaki ang mga mata niya sa pagkagulat sa sinabi nito. "Ma'am naman, bakit n'yo pa ako i-dadamay dyan!" bulalas niya.

Tumawa ang propesora. "Hindi ako papayag na ako lang ang makapag-asawa, noh! Mas bata ka sa akin at mas malaki ang chance mo na magkapag-asawa pa."

"Huh?!" Nakakunot ang noo habang nakalabi niyang sabi.

"Alam mo Lianne, maganda ka naman, eh! Hindi ka ba humaharap sa salamin? Mataba ka nga pero meron ka pa rin magandang katangian na magugustuhan ng mga kalalakihan. Mestisa ka. Mapang-akit ang malalantik mong pilik-mata. Natural ang mapupula mong labi at matangos mong ilong. Sa tingin ko nga, kapag sumeksi ka mas lilitaw ang kagandahan mo," komento at puri ng propesora sa kanya.

"Talaga, ma'am?!" hindi makapaniwalang sabi ni Lianne. Hawak pa niya ang sariling mukha habang hinihimas iyon.

"Totoo ang sinasabi ko sa'yo, Lianne. Puno ka lang ng insecurities sa katawan kaya ganyan ang tingin mo sa sarili mo," seryoso nitong sabi.
Hindi talaga makapaniwala si Lianne sa sinabi sa kanya ng propesora na maganda siya. Madalas siyang manalamin ngunit hindi niya napapansin iyon. Mas nakikita niya kasi ang namumutok niyang pisngi at malalaki niyang braso dahil sa katabaan.

Inaya si Lianne ni Ms. Dimaapi na mag-gym sila. Sinabi pa ng propesora na hindi na siya makatatanggi dahil nai-enroll na siya nito. Iyon daw ang gantimpala niya mula dito.

"Sorry po talaga Ma'am, pero hindi ako makakasama ngayon, wala pong maiiwan dito sa tindahan," hingi niya nang paumanhin.

"Pwede bang makisali sa usapan ninyo?" tanong ni Wena mula sa likod nila. Siya ang tiyahin ni Lianne. Nakangiti itong lumapit sa kanila.

Tumingin si Lianne sa tiyahin. "Tiyang, bakit nandito kayo? Hindi ba dapat nagpapahinga pa kayo!" nag-aalala niyang sabi. Tumayo siya sa kinauupuan at aalalayan niya sana ang tiyahin ngunit tumanggi ito.

"Okay na ako, kaya ko na ang sarili ko. Magaling na ako," sabi nito habang umuupo sa silya. "Narinig ko ang pinag-uusapan ninyo. Lianne, sumama ka na kay Napatingin ito kay Ms. Dimaapi.

Nakuha ni Lianne ang ibig nitong sabihin. "Ay, Tiyang si Ms. Dimaapi po, propesora ko po sa psychology. Ma'am siya po ang Tiyang Wena ko." Pakilala niya sa dalawang babae.
Nagkamay ang dalawang babae.

"Ms. Dimaapi, nagpapasalamat ho ako at may guro ang pamangkin ko na tulad ninyo na nagmamalasakit sa kanya. Alam niyo ho ay maagang naulila ang batang iyan kaya ako na ang nag-alaga sa kanya mula pa noong sanggol siya. Kung kaya mahal na mahal ko ang batang iyan. Kaya labis ho akong nagpapasalamat sa ginagawa ninyo sa kanya," mahabang pahayag ni Tiyang Wena.

"Naku, wala ho iyon. Ako nga ho ang labis na nagpapasalamat sa pamangkin ninyo," nakangiting sabi ni Ms. Dimaapi.

"Mabuti pa Lianne magbihis ka na, sumama ka na kay Ms. Dimaapi. Alam mo anak, minsan lang dumating sa buhay ng isang tao ang isang pagkakataon na mabago mo ang buhay mo. Kapag pinalagpas mo iyon, baka hindi na muli iyon bumalik. Lianne, ayokong hadlangan ang anumang bagay na makapagbibigay sa'yo ng kaligayahan. Iyon lang naman ang kaya kong ibigay sa'yo, ang suportahan ka sa mga bagay na gagawin mo," nakangiti nitong sabi habang hawak ang kanyang kamay.

"Paano po kayo?" nag-aalala niyang tanong sa ginang.

"Huwag mo akong alalahanin. Nandiyan na ang Tiyo Badong mo, kararating lang. Saka magaling na ako," pangungumbinsi nito sa kanya.
Ngumiti siya sa tiyahin. Masaya siya dahil nagkaroon siya ng tiyahin na tulad nito. Masuwerte siya dahil sa mabuting pamilya siya lumaki.

Sa Puso Ko(Wattpad Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon