Chapter 41

2 0 0
                                    

"Oh, shit!" bulalas ni Janice nang tumapon sa kanyang damit ang iniinom na wine. Habang umiinom kasi siya ay may bigla na lang tumabig sa kanya, kaya sa damit niya tumapon ang wine.

"I'm sorry, miss!" hingi ng paumanhin ni Julian. Nagmamadali kasi ang binata palabas para pigilan si Lianne na makapasok sa lugar na iyon. Binigyan lang niya nang briefing ang kasamahan na nasa loob at nagpaalam siya sandali. Sa pagmamadali ay hindi na niya napansin ang dalaga kaya natabig niya ito. Sa pagkatuliro ay sinubukan niyang punasan ang damit nitong nabasa. Hindi niya sinasadyang dumampi ang palad sa dibdib nito. Natigilan siya nang maramdaman ang malambot nitong dibdib.

Pinamulahan naman ang dalaga ng pisngi. Nabigla ang dalaga nang matapunan ng wine ngunit mas nabigla ito sa ginawa ng binata. "Bastos!" galit na sinampal niya si Julian.

Pakiramdam ni Julian ay nabingi siya sa lakas ng pagkakasampal nito. Nahawakan niya ang pisnging sinampal ng dalaga. Tumingin siya sa dalaga at nakita niya ang inis sa mukha nito.

"Sorry, ha! Hindi kasi kita nakita," tila naiinis niya rin sabi sa dalaga.

Napabuga ito nang hangin at napailing. "Hindi mo ako nakita? Ano ka bulag?" mataray na sabi ni Janice.

"Hindi ka ba marunong umintindi? Nag-sorry na nga ako sa'yo!" pasarkastikong sabi ng binata. 

Ngumisi ang dalaga. "Antipatiko," inis na sabi nito.

Napansin ni Julian na nakakaagaw na sila ng atensiyon sa mga nandoon. "Kung ayaw mong tanggapin ang sorry ko,  ‘di huwag. Diyan ka na!" pagkasabi ay tumalikod na siya at mabilis na lumakad palabas sa kuwartong iyon.

Nanggigigil na sinundan na lamang ng tingin ni Janice ang binata habang palabas. Pakiramdam niya ay naisahan siya ng binata.

***

"Janice, what's happening there?" pasimplemg tanong ni Daniel sa kanyang agent. Narinig kasi ng binata ang mataray na boses ng dalaga.

"May naligaw lang na isang bastos dito," mahinang sabi ng dalaga.

"Ano?" hindi niya maunawaan ang ibig nitong sabihin. Napatingin sa kanya ang isang babaeng guest dahil napalakas ang boses niya. Binigyan niya iyon ng isang simpatikong ngiti at lumayo sa lugar na iyon.

"Nothing, sir! Hindi pa ba kayo susunod dito?" tanong nito.

"Ikaw na ang bahala diyan, Detective Perez. Alam n'yo na ang gagawin ninyo. May mahalaga pa akong gagawin dito," simpleng sagot niya.

"Daniel, nandiyan ka lang pala," sabi ni Ms. Dimaapi ng makita siya. Lumapit ito sa kanya kasama ang nobyo.

Ngumiti siya sa magnobyo. "Nakita mo ba si Lianne? Bigla kasing nawala kanina," tanong nito ng makalapit sa kanya.

"No," pagsisinungaling niya.
Natanawan niya si Lianne. Tila nagmamadali ito palabas nang bulwagan.

Nakita rin iyon ng binibini kaya malakas nitong tinawag ang dalaga at kinawayan. Napahinto sa paglalakad ang dalaga at napatingin sa kanila. Alanganing nakangiti ito habang palapit sa kinaroroonan nila.

"Saan ka ba pupunta, Lianne?" nagtatakang tanong ni Ms. Dimaapi nang makalapit ang dalaga.

"Ah, eh, akala ko kasi nasa labas kayo, kaya hahanapin ko sana kayo doon," pagsisinungaling ni Lianne.

Natanawan ni Daniel na bumalik na si Edward at palapit na ito sa kanila.
Ngumiti siya nang pagkatamis-tamis sa dalaga. "Bakit? Gusto mo na bang umuwi, Lianne?" Lumapit siya sa tabi nito. "Huwag muna, mahaba pa ang gabi."

Pumailanlang sa paligid ang isang malamyos na tugtugin. "May I dance with you?" inilahad niya ang kamay sa dalaga. Nang-aakit ang mga mata niyang tumitig sa mga mata nito.

Matamis ang pagkakangiting tinanggap ni Lianne ang kamay ng binata. Tila nahihipnotismo siya sa mga mata ng binata. Kinikilig sa atensiyon na binibigay sa kanya ng lalaking mahal. Nakalimutan na niya tuloy ang pakay kaya gustong lumabas. Iginiya siya ng binata sa gitna ng bulwagan. Nang nasa gitna na sila ay pinatong ng binata ang kanyang kamay sa balikat nito. Pagkatapos ay inihawak nito ang mga kamay sa kanyang beywang at hinapit siya palapit sa katawan nito.

Kinikilig si Ms. Dimaapi sa nasasaksihan sa kanilang dalawa.
Pakiramdam ni Lianne ay hindi siya makahinga sa higpit ng yakap ng binata. Ramdam niya ang init nang katawan nito. Walang mapagsidlan ang kaligayahang nararamdaman niya sa kanyang dibdib habang nakatitig sa mga mata nito. Dinig na dinig niya rin ang malakas ng pagkabog nito. Yumakap siya ng mahigpit at isinandig ang ulo sa balikat ng binata.

Tumingin si Daniel sa kinaroroonan ni Edward. Nakita niya ang matinding galit na nakarehistro sa mukha nito. Mabalasik ang mga matang nakatitig sa kanya habang mahigpit na nakakuyom ang mga palad. Ngumiti siya at lalong hinapit ang katawan ng dalaga palapit sa kanya.

"You like it?" malambing na bulong niya sa kay Lianne.

Napangiti si Lianne habang nakapikit ang mga mata. "Hmm," dinadama niya ang mga tagpong iyon. Parang ayaw na niyang matapos ang gabing iyon dahil ayaw niya nang humiwalay sa mga yakap ng bisig nito.

"Captain, positive! Ang subject ay si Pogi," narinig ni Daniel sa suot na earpiece, sabi ni Janice.

Hindi pinansin ni Daniel ang kanyang agent, patuloy lang siya sa ginagawa. Narinig niya sa earpiece ang pagkakagulo sa kabilang linya. Narinig niya rin na nagkapalitan na ng putok ng baril. May mga tilian ng ilang kababaihan. Naririnig niya rin ang mga command ni Janice sa mga kasama.

Matagal nang nandoon si Julian sa bulwagan at nakita niya rin ang sweetness nila Lianne at Daniel. Nakakunot ang mga noo niya habang nakatingin sa dalawa. Tila pinipiga ang puso niya sa tanawing iyon. Biglang tumunog ang kanyang cellphone kaya sinagot niya iyon. Ini-report sa kanya ng kasama ang kaguluhan sa top floor. Nagulat siya nang sabihin nitong tinamaan ng bala ng baril ang kapatid na si James. Kaya mabilis siyang umalis sa bulwagan upang bumalik sa top floor.

Sa Puso Ko(Wattpad Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon