Chapter 10

10 0 0
                                    

Nang matapos ang klase ni Daniel ay mabilis na naglabasan ang mga estudyante dahil iyon ang huling klase nila sa araw na iyon. Naunang lumabas sina Lianne at Edward bago ang grupo ni James. Nang nasa hallway na sila ay lumapit ang isang babae na halos kasing edad lang ni Edward. Naka-spaghetti strap at mini-skirt lang ito na halos lumitaw ang suot nitong panty kapag yumuko ang babae. May pagka-fashionista ito. Curly ang mahaba nitong buhok. Halos napapatingin ang mga lalaking nakakasalubong nito.

"Excuse me, pwede bang magtanong?" tanong nito sa kanila.
Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. Napataas ang isa niyang kilay sa ginawa nito. Nang mapatingin naman ito sa kanyang kaibigan ay malandi itong ngumiti sa binata.

"Hi, handsome!" malandi nitong sabi. Lumapit ito sa binata. Sa pagitan nila ito pumuwesto kaya halos sumubsob siya sa pagkakahawi nito.

Lalapitan sana siya ni Edward ngunit kumunyapit pa ang babae sa braso ng binata na halos idikit ang malalaki nitong dibdib. Naramdaman ng binata ang malalambot nitong dibdib sa kanyang braso. Napatingin siya sa babae. Ngumiti ito ng pagkatamis-tamis.

"By the way, I'm Ella. And yours?" mapang-akit nitong tanong.

"Edward," simpleng sagot nito sa dalaga. Mataman lang itong nakatingin sa dalaga. Ganoon din naman ang dalaga. Tila nag-uusap ang mga mata nang dalawa.

Nang mapatingin si Edward kay Lianne ay lihim na nangiti dahil sa nakikitang reaksyon ng kaibigan. Napapangiwi ang mga labi nito habang umiikot ang mga mata sa kaiirap dahil sa nakikitang kaartehan ng babae.

Marahang pinalis ni Edward ang kamay ng dalaga sa braso niya at lumayo dito."Ano ba ang gusto mong itanong, Ella?" tanong niya dito.

" Nandiyan ba si James?" malambing nitong sabi.

Lalapit sana itong muli sa binata ngunit humarang na si Lianne sa pagitan ng dalawa. Natawa ng mahina ang binata habang naiiling sa kanyang inakto. Pinandilatan ni Lianne ang kaibigan.

"Bakit mo siya hinahanap? Ano ang kailangan mo sa kanya?" nakakunot ang noong tanong ni Lianne sa babae.

"Bakit ikaw ang sumagot? Ikaw ba ang tinatanong ko?" naka-ismid at mataray nitong sabi sa kanya. Tumingin ito kay Edward.

"Girlfriend mo ba ang tabachoy na babaeng ito?" ngumingising tila nang-iinsultong tanong nito sa binata habang tinuturo siya.

Naningkit ang kanyang mga mata sa narinig na sinabi ng babae. "Aba! Best, pigilan mo ako. Baka mapatulan ko ang babaeng ito," pinipigil ang sarili na bulong niya sa kaibigan.

"Ang pangit pala nang taste mo?! Hmmp," umismid pa ito.

Akmang susugurin na niya ang babae ngunit nahawakan lang siya ng kaibigan. Nanggigigil na kasi siya sa babaeng kaharap.

"Huwag mo nang patulan!" hawak-hawak pa rin ng binata ang kanyang braso upang pigilan siya.

Nakita ni Ella si James. "Heto na pala si James. Bye, handsome!" pagpapa-cute nitong paalam kay Edward. Pagkaraan ay inirapan nito si Lianne bago tumalikod. Kumekendeng pa ang balakang nito habang naglalakad palapit kay James. Ngunit bago makalapit si Ella kay James ay lumingon muna ito sa kanila. May lungkot ang mga mata nitong tumingin sa kanyang kaibigan. Nang tumingin naman ito sa kanya ay napansin niyang tila may talim ang mga tingin nito. Nilingon niya ang kaibigan, tila hindi naman nito napansin ang klase ng tingin ng babae sa kanila dahil nakatuon naman ang mga mata nito kay James. Ipinilig niya ang ulo. Iwinaksi sa isip ang napansin. Baka guni-guni lang niya iyon.

Napahinto si James nang makita ang babae na palapit.

"Hi, Pogi!" malakas nitong bati kay James.

Papalabas na ng classroom si Daniel nang marinig niya na may tinawag ang isang babae na Pogi. Tiningnan niya kung sino ang tinawag nang babae at nakita nga niyang si James.

"Bakit ka nandito? Anong ginagawa mo dito?" sunud-sunod na tanong ni James nang makalapit ito sa kanila.

"Ganito ba ang paraan mo ng pag-eestima sa isang bisita?" tumawa ang babae. "My father works here kaya nakapasok ako dito. And I want to see you. That's why I'm here!" kibit-balikat nito. Yumakap ito sa binata. "Saka miss na miss na kasi kita,eh!" paglalambing nito.

Marahang tinanggal ni James ang pagkakayakap ng dalaga.

"Bakit ka naman ganyan sa akin, Pogi? Gusto lang naman kitang makita, eh. Ilang araw ka na kasing hindi nagpupunta sa bar," tila malungkot nitong sabi.
Napabuntong-hininga ang binata.

"O, ano, Pogi? Hindi ka na kumibo diyan?" tanong nito sa binata. Pinulupot nito ang mga kamay sa braso ng binata. Matamis na ngumiti.
Lumingon sa paligid si James. Napansin niyang marami na ang nakatingin sa kanila.

"Pwede ba, tigilan mo ang pagtawag sa akin ng pogi!" may diin na sabi niya sa babae.

"Bakit masama ba? Eh, talaga naman Hindi na nito natuloy ang sasabihin dahil hinatak na ito ng binata palayo sa lugar na iyon.

Narinig lahat ni Daniel ang usapan ng dalawa. Mataman niyang tinitingnan ang grupo ni James kasama ang babae na papalayo.

Si Lianne ay halos nagpupuyos ang damdamin sa inis dahil ayaw niya ang babae para sa kapatid. Masama ang pakiramdam niya sa babaeng iyon. Parang may hindi maganda itong gagawin sa kanyang kapatid.

Sa Puso Ko(Wattpad Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon