Chapter 54

9 0 0
                                    

Napabalikwas ng bangon si Daniel sa higaan. Habol na naman niya ang sariling hininga dahil muli niyang napanaginipan ang dalawang matanda. Kinuha niya ang wristwatch na nakapatong sa side table. Nakita niyang maghahating-gabi na nang tingnan niya ang oras. Tumayo siya at nagpunta sa maliit na veranda sa kanyang kuwarto. Nasa ikatlong palapag ang kuwarto niya sa pitong palapag na hotel ng isla. Mula doon ay tanaw niya ang mga nasa ibaba ng hotel. Nakita niya na may mangilan-ngilan pang guest ang naglalakad doon. Maganda ang isla, bukod sa hotel ay may mga cottages din ito sa di kalayuan at mga facilities na makikita sa mga hotel/resort na tulad noon.

Nagpalit siya ng damit dahil napag-isipan niyang maglakad-lakad muna sa isla. Tutal naman ay hindi na naman siya makakatulog pagkatapos ng panaginip na iyon.

Naglakad-lakad siya sa dalampasigan. Halos ang mga nakakasalubong niyang guest ay mga couple. Nakarating siya sa dulong bahagi ng isla. Medyo madilim na sa lugar na iyon. Tanging liwanag mula sa buwan ang tumatanglaw sa paligid. Umupo siya sa buhanginan at tumanaw sa payapang dagat. Medyo maalinsangan, ngunit banayad na umiihip ang sariwang hangin sa kanyang balat na nakakapagpa-presko sa pakiramdam.

Matagal na siya sa kinauupuan nang makita niyang may papalapit na babae sa gawing iyon ng isla. Hindi niya makita ang mukha nito dahil huminto ang babae may kalayuan sa kinauupuan niya. Sa tingin niya ay hindi siya nito napansin. Nakatayo ito sa gilid ng dagat habang nakatanaw sa karimlan. Naengganyo siyang pagmasdan ang babae. Tinatangay ng banayad na hangin ang mahaba at medyo kulot nitong buhok, pati ang suot nitong summer dress.

Hindi nagtagal ay hinubad ng babae ang suot na bestida. Tumambad sa kanyang paningin ang maganda nitong katawan sa natirang suot na dalawang piraso ng damit na pampaligo. Ibinagsak ng babae ang bestida sa buhangin at naglakad patungo sa dagat. Pinagsawa niya ang mga mata sa panonood sa babaeng naliligo sa dagat.

Ilang minuto ang lumipas nang bigla siyang nakaramdam ng kaba sa dibdib. Nakita niya ang paglubog at paglitaw nito sa dagat na tila nalulunod. Naging mabilis ang kanyang kilos. Hinubad niya ang suot na t-shirt at tumakbo patungo sa babae. Lumangoy siya at tinulungan ito. Napakapit sa kanya ang babae ng makalapit siya. Mahigpit itong nakayakap sa kanyang leeg habang karga niya ang babae paahon. Panay ang iyak nito sa kanyang balikat. Dama niya ang panginginig ng katawan nito sa sobrang takot. Ibinaba niya ito paupo sa buhangin.

"Aaahh!" napangiwi ang babae ng mahawakan niya ang paa nito. Sa tingin niya ay pinulikat ang babae kaya muntikan na itong malunod. Napagmasdan niya ang mukha ng babaeng sinagip. Bigla siyang napalunok dahil sa kagandahang nasa harapan. Napakaganda at napakaamo ng mukha nito na tila sa isang anghel. Natural ang mapupula nitong labi na tila kay sarap halikan. Ipinilig niya ang ulo. Naisip niyang nasa isla siya para kay Lianne.

"Hindi ka dapat, naliligong mag-isa sa dagat. Paano kung wala ako dito, 'di nalunod ka na!" nasabi niya dito. Hinawakan niya ang binti nito at minasahe ang paa nitong pinulikat. Naramdaman niya ang tila kuryente na dumaloy ng mahawakan niya ito ngunit hindi niya iyon pinansin.

Napatingin si Lianne sa mukha ng lalaking nagligtas sa kanya ng magsalita ito. Hindi niya nakakalimutan ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Nahigit niya ang hininga ng malaman na tama ang hinala. Sa tingin niya ay lalong gumuwapo ang binata. Naakit siyang pagmasdan ang hubad nitong katawan. Biglang niyang naramdaman ang pag-iinit ng sariling katawan. Napakalakas ng kabog ng kanyang dibdib. Sinupil niya ang nararamdaman. ‘Lianne, galit ka sa kanya, hindi ba? Hindi mo dapat iyan nararamdaman,' kausap niya sa sarili.

Nakangiti itong tumingin sa kanya. "Hindi na ba masakit?" tanong ni Daniel sa kanya. Habang ginagalaw-galaw nito ang kanyang paa.

"Salamat," matabang niyang sabi. Binawi niya ang paa sa kamay nito. Umakto siyang tatayo.

"Tulungan na kita!" hinawakan nito ang kanyang braso habang tumatayo.

"Bitiwan mo ako." Nagpumiglas siya sa pagkakahawak nito habang papatayo rin siya.

Nawalan ng balanse si Daniel sa kanyang ginawa  kaya  bumagsak ito padapa sa kanya. Napahiga siya sa buhangin at nadaganan siya nito. Nang idilat niya ang kanyang mga mata ay nakita niyang magkalapat ang kanilang mga labi. Inilayo ng binata ang mukha sa kanya. Tila nahihipnotismong pinagmasdan nito ang kanyang mukha. Tumitig rin siya sa mga mata nito. Naririnig niya ang malakas na pagkabog ng kanyang puso. Biglang bumalik sa kanyang alaala ang katulad na pangyayari noon. Pakiramdam niya ay tinutunaw ng alaalang iyon ang lahat ng hinanakit niya sa dibdib. Dahil iyon ang pangyayari na alam niyang hindi sinadya ng binata.

Dahan-dahang binaba ng binata ang mukha palapit sa kanyang mukha. Napapikit siya ng maglapat ang kanilang mga labi. Kusang umangat ang kanyang kamay at yumakap sa leeg nito. Sabik niyang tinugon ang mga halik ng binata sa kanya. Pareho silang nakalimot ng binata. Naglakbay ang isang kamay nito sa kanyang katawan. Naramdaman niya ang init ng palad nito sa kanyang balat na nagbibigay sa kanya ng kakaibang sensasyon. Napasinghap siya ng kubkubin nito ang isa niyang dibdib. Ngunit tila hindi ito nakuntento, ipinasok pa nito ang kamay sa kapirasong tela na tumatakip doon.

Napadilat siya nang rumehistro sa kanyang isipan ang mukha ng nobyong si Julian. Malakas niyang naitulak ang katawan ng binata palayo sa kanya. Binigyan niya iyon ng isang malakas na sampal. Pinutol na niya ang kanyang kahibangan baka hindi na niya mapigil ang sarili kapag hinayaan niyang ipagpatuloy nito ang ginagawa.

Sinamantala niya habang natitigilan ang binata, mabilis siyang tumayo. Kinuha niya ang bestida sa buhanginan at mabilis na tumakbo palayo sa lugar na iyon.

Itinayo ni Daniel ang katawan. Sinundan na lamang ng tingin ang palayong dalaga habang nakaupo sa buhangin. Napabuntong-hininga siya. Tila nawala siya sa sarili kaya nagawa niya iyon sa babaeng iniligtas. Nagkasala na naman siya. Hindi lamang sa babaeng iyon kundi pati kay Lianne. Ngunit ang hindi niya maunawaan ay habang yakap niya at hinahalikan ang babae ay si Lianne ang nasa kanyang isipan.

Nakabihis na si Lianne ng marating niya ang hotel.  Dumiretso siya sa kanyang kuwarto sa ikapitong palapag. Paglabas niya ng elevator ay nabigla siya ng makita ang nobyo na nakatayo sa labas ng kanyang  kuwarto.

Pilit siyang ngumiti kay Julian. Hindi siya makatingin ng diretso sa nobyo dahil pakiramdam niya ay nagkasala siya dito.

"Saan ka nagpunta?" tanong nito sa kanya.

"D-diyan lang sa tabing-dagat, nagpahangin. Masyado kasing maalinsangan," paliwanag niya sa nobyo.

Ngumiti ang binata ngunit mababakas ang lungkot sa mga mata nito. "Ganoon ba?... Sana sinabi mo sa akin para nasamahan kita. Masarap maglakad sa tabing-dagat kapag may kasama. Kapag may… kayakap!" 

Napatingin siya sa nobyo, tila may laman ang sinabi nito. Malalim itong bumuntong-hininga. Pagkaraan ay ngumiti.

"Magpahinga ka na. Masyado kang napagod ngayong maghapon," sabi nito habang hinihimas ang kanyang pisngi.

Naguguluhan siya sa kinikilos ng nobyo. May problema ba itong dinaramdam? Bakit may nababanaag siyang lungkot sa mga mata nito?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 09, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sa Puso Ko(Wattpad Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon