Chapter 37

3 0 0
                                    

Tinupad ni Daniel ang sinabi niya noong isang gabi kay Lianne nang imbitahan ang dalaga na kumain sa restaurant ng hotel. Inorder niya ang pinakamasarap at pinakamahal na menu. Very romantic ang ambiance sa loob ng restaurant with candle lights and romantic background music.

Kinikilig si Lianne sa mga nararanasan. Masayang-masaya ang kanyang puso habang nakatitig sa mga mata ng binata.

"Do you like it?" matamis ang pagkakangiting tanong ni Daniel.

"Yeah!" nagniningning ang mga matang sagot ni Lianne. Pa-demure pa siyang sumubo ng pagkain.

"Lianne?!"

Napatingin siya sa binata. "Yes," matamis ang ngiting sabi niya.

"Do you know that…" Hinawakan nito ang kanyang kamay na nakapatong sa mesa. Pinisil iyon. Naramdaman niya ang tila boltahe ng kuryente na dumaloy sa palad nito.

Napatingin siya sa kamay niya na hawak pa rin nito. Pagkaraan ay muli niyang ibinalik ang tingin sa mga mata nito. Napakabilis nang pintig ng kanyang puso. Parang naririnig pa niya ang pagkabog nito.

"…you look beautiful tonight!" matamis ang pagkakangiti nitong sabi.

Dahil diner date iyon ay nagsuot siya ng bestida. Nagsuot lamang siya ng blazer upang takpan ang medyo malaki niyang braso. Nagpahid rin siya ng manipis na make-up sa tulong ni Ms. Dimaapi.

Pinamulahan siya ng pisngi. Nahihiyang iniwas niya ang tingin sa binata.

"Salamat!" nahihiya ngunit kinikilig niyang sabi.

"Excuse me, ma'am, sir!" abala sa kanila ng isang waiter. May dala itong tray na may takip. "Ma'am, special order for you!" Ibinaba nito ang tray sa harap niya.

Nagtataka siyang napatingin sa binata. "For you!" sabi nito habang matamis na nakangiti.

Tinanggal ng waiter ang takip ng tray. Tumambad sa kanyang tingin ang isang maliit na kahon na maayos na napapalibutan ng mga petals ng rosas. Napasinghap siya at napanganga sa nakita. Hindi pa man nabubuksan ang kahon ay alam niyang singsing ang laman niyon. Napangiti siya.
Ngunit nawala ang ngiti niya sa labi ng mapansin ang nagtataka at tila natatawang tingin ng waiter sa kanya at sa binata. Napayuko siya at napahiya.

Napansin iyon ni Daniel. "You can go now!" sabi niya sa waiter.

Napahiyang nagpaalam ang waiter.
Nakangiting kinuha ni Daniel ang kahon at binuksan. Kinuha nito ang singsing na laman nito. Isa iyong diamond ring. Maliit lamang ang bato nito ngunit napakagandang tingnan.

Tumayo ang binata at lumapit sa kanya. Nagulat siya nang lumuhod ang binata sa kanyang . Napatingin siya sa paligid. May iba na nandodoon na napapatingin sa kanilang dalawa.

"Ano ba ang ginagawa mo diyan? Tumayo ka nga, nakakahiya!" sabi niya sa binata.

"Huwag mo silang intindihin. Ako lang ang tingnan mo." Nakangiti nitong kinuha ang kanyang kamay at isinuot ang singsing sa kanyang daliri. Nagkasya naman iyon sa kanyang daliri. Sukat na sukat. Nangilid ang luha sa kanyang mga mata. Tila walang pagsidlan ang kaligayahang umaapaw sa kanyang dibdib.

"Bakit? Bakit mo ito ginagawa?" sumisinghot niyang sabi.

Tumingin ito sa kanyang mga mata. "Kailangan pa bang laging may dahilan ang lahat ng bagay na gagawin natin?" tanong din nitong sabi.

"Oo, naman," sagot niya dito pinipigil pa rin ang luha.

Napabuntong-hininga ang binata. Tumayo ito sa pagkakaluhod at umupo sa silya sa tabi niya. Hindi nito binibitawan ang kanyang kamay.

"Lianne, naalala mo ba ang sinabi mo noon na kaya ka nawala sa kakahuyan dahil gusto mong makilala ang prinsipe?" tanong nito sa kanya.

"Oo," sagot niya.

"Bakit ba hanap ka pa ng hanap ng prinsipe? Nandito naman ako. I could be your prince, which you can live with happily everafter!" tila madamdamin nitong sabi.

Tuluyan nang tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Hindi siya makapaniwala sa mga naririnig. Hindi rin siya makapaniwala na magugustuhan din siya ng lalaking nagpatibok ng kanyang puso.

Pinahid ni Daniel ang luhang tumulo sa kanyang pisngi sa pamamagitan ng sariling palad. "So, can you be my girl, now?" matamis ang ngiting sabi ng binata.

Ngumiti siya habang lumuluha pa rin.

"Oo." Maligayang-maligaya ang kanyang puso ng mga oras na iyon.
Pagkatapos nilang mag-diner ay inihatid siya ng binata. Inihinto nito ang kotse sa harap ng gate ng kanilang bahay.

"Nandito na tayo." Lumingon ang binata sa kanya. "Masaya ka ba?"

"Sobra!" Matamis ang pagkakangiting hinawakan ni Lianne ang braso ng binata at niyakap iyon. Sumandig pa siya sa balikat nito at ipinikit ang mga mata. Parang ayaw na niyang humiwalay sa binata. Baka kasi panaginip lamang iyon at magising na siya. "Isa ba itong panaginip? Kung nananaginip lang ako, sana hindi na ako magising. Sana hindi ka na mawala sa tabi ko," sabi niya habang nakapikit pa rin.

Napatingin si Daniel sa dalaga. Parang narinig na niya ang sinabi nito. Ganoon din ang sinabi ng dalaga noong nagdedeliryo ito. Si James naman ang sinasabihan nito.

Idinilat ni Lianne ang mga mata. Inangat ang ulo at tumingin sa mga mata ng binata.

"Daniel, mahal na mahal kita! Salamat sa pagmamahal mo," madamdamin sabi ni Lianne.

Natigilan si Daniel sa narinig. Nawala ang ngiti niya sa labi. Ngunit pagkaraan ay pilit niyang ibinalik ang ngiti sa labi. Natanaw niya ang mapupula nitong labi. Nararamdaman niya ang mabilis na pintig ng kanyang puso. May puwersang nag-uutos sa kanya na halikan ang dalaga. Tila ba nahihipnotismo siya sa mga mata ng dalaga habang nakatitig dito. Unti-unting ibinaba niya ang ulo at inilapat ang sariling labi sa labi ng dalaga. Hinalikan niya ito at tinugon naman nito ang kanyang halik nang puno ng pagmamahal. Kapwa sila naghahabol ng hininga ng maghiwalay ang kanilang mga labi. Nakita niya ang labis na kasiyahan sa mga mata nito.

Sa Puso Ko(Wattpad Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon