Chapter 3

28 0 0
                                    

"OKAY CLASS, I will discuss the remaining topic next time. Now, I will give the rest of the time of my class to someone who wants to share something with us. As we all know last time, there is one in this class who didn't participate in our activity. And it's really disappointed me. But in the end of the class, she apologize and promise to speak up herself next time. And now, I'll give her this opportunity to share about herself," mahabang pahayag ni Ms. Lenny Dimaapi, professor nila sa psychology. "Ms. Lianne Angeles," pagtawag nito sa kanya.

Napatingin ang lahat kay Lianne na nasa gawing likuran ng klase.

"Lianne?!"nagtatakang tanong ni Edward sa kanya.

Binigyan niya nang alanganing ngiti ang katabing kaibigan.

"Ms. Angeles, pwede ka namang umatras kung hindi mo pa rin kaya. Hindi naman kita pinipilit na magsalita. Alam kong hindi gan'on kadaling mag-open up ng isang sarili sa harap nang ibang tao," nauunawaang pahayag ni Ms. Dimaapi.

"No, ma'am." Tumingin siya ng diretso sa mga mata nito.

"Gagawin ko po!" matatag niyang sabi. Nagbuga muna siya ng hangin mula sa dibdib bago tumayo at nagtungo sa harap nang klase.

Last time, nagbigay nang activity si Ms. Dimaapi. Their topics is all about relationship. She asked everyone to share about their relationship with their boyfriend or girlfriend. Ngunit hindi nag-participate si Lianne, kahit na anong pilit ng buong klase ay hindi nila napilit ang dalaga na magsalita.

Nahihiya si Lianne na malaman ng lahat ang katotohanan na kahit kailan ay hindi pa siya nagkaka-boyfriend. Ngunit naramdaman niyang na-offend niya ang propesora. Hindi niya gusto na may sumasama ang loob ng dahil sa kanya. Kung kaya pagkatapos ng klase ay sinundan niya ang propesora sa faculty at humingi ng tawad. Kahit hindi pa handa ay nangako siya dito na magsasalita sa harap ng klase.

Matagal niyang pinag-isipan kung tutuparin niya ang pangako sa guro. Nagdadalawang isip siya. Kapag hindi niya ginawa iyon, iisipin ng lahat na sinungaling siya at walang isang salita. Kapag ginawa naman niya iyon ay baka lalo naman siyang pagtawanan at paglaruan ng iba. Ngunit nang nagdaang gabi ay nakabuo siya ng isang desisyon, gagawin niyang magsalita at ipahayag ang sarili sa harap. Alam niyang hindi maganda ang kalalabasan ng gagawin niyang rebelasyon ngunit kakayanin na lamang niya ang mga consequences na kapalit nito. Sanay na naman siyang pinagtatawanan at kinukutya.

Nararamdaman ni Lianne ang pag-iinit nang kanyang mukha. Nagpapawis rin siya ng malapot. Napatingin siya sa kinauupuan ni James. Masama ang mga tingin nito sa kanya. Muli nagpakawala siya ng hangin sa dibdib. Tumingin siya sa lahat. Naghihintay na ang mga ito na siya'y magsalita.

"I'm sorry!" pagsisimula niya. "Sorry, sa nangyari n'ung nakaraang araw. Siguro ang iba sa inyo iniisip na nag-iinarte lang ako at nagpapa-importante. Pasensiya na kayo, hindi ko lang talaga alam kung paano ko sasagutin ang tanong na iyon." Sa umpisa ay alanganin pa siya na magsalita ngunit nang maumpisahan na niya ay nagtuloy-tuloy na ito.

"Bakit naman kasi iyon pa ang tinanong ni Ma'am?" may pait ang ngiting sabi niya. "Ang dami namang pwedeng itanong, bakit tungkol pa sa boyfriend? At sa kamalas-malasan ako pa ang unang tinawagnakakatawa!" Huminto siya sandali.

"Sa totoo lang, I'm one of those who call them NBSB, no boyfriend since birth." Napabuntunhininga siya. "Biruin n'yo, nakarating ako sa edad kong ito nang hindi man lang nakaranas na magka-boyfriend. Nakakahiya!" Mapaklang tawa ang kanyang pinakawalan habang umiiling. Matagal bago siya muling nakapagsalita.

"Every woman's dream, ay maikasal sila sa lalaking mahal nila someday. Ipokrita ako kung sasabihin kong hindi ko rin pinangarap iyon. Nangarap akong may lalaking magmamahal sa akin sa kabila nang lahat. Nangarap rin ako na makabuo ng isang masayang pamilya. Pero, siguro hanggang pangarap na lamang iyon."

Sa Puso Ko(Wattpad Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon