Chapter 13

3 0 0
                                    

KINABUKASAN, habang nagtuturo sa klase si Daniel ay napansin niyang tila malayo ang iniisip ni Lianne habang nakapangalumbaba at nakatingin sa upuan ni James. Bakante ang upuan nito at ng barkada nito dahil hindi pumasok ang mga ito.

"Ms. Angeles, can you answer the problem on the board!" tawag niya sa dalaga.

Hindi kumibo si Lianne, tila hindi narinig ang kanyang tawag. Nakapangalumbaba pa rin ang dalaga at wala pa rin sa sarili. Nakatingin na lahat sa kanya ang mga kaklase.

"Ms. Angeles?!" malakas nang tawag ni Daniel sa dalaga.

Siniko na si Lianne ng katabi niyang si Janice. Wala si Edward kaya ang dalaga ang katabi niya.

"Lianne," tawag nito sa kanya.
Tila nagising si Lianne sa mahimbing na pagkakatulog sa pagsiko ng kaibigan.

"Ha?" napatingin siya sa katabi.

"Tinatawag ka ni Sir, kanina pa," sabi nito sa kanya.

"Ms. Angeles are you with us?" nakakunot ang noong tanong ni Daniel sa dalaga.

Napatingin siya sa propesor. Pinamulahan siya ng pisngi dahil napahiya siya sa lahat. Lalo na sa propesor.

"I'm sorry, Sir!" hingi niya nang paumanhin sa binata.

"Can you answer the problem on the board?" walang kangiti-ngiti nitong sabi. Inangat pa nito ang chalk na hawak para ibigay sa kanya.

Napatingin siya sa hawak nito at dahan-dahan siyang tumayo. Lumapit siya sa binata. Napansin niyang seryoso ang binata ngayon. Mataman lamang itong nakatingin sa kanya. Kinuha niya ang chalk na hawak nito at lumapit sa board.

"Answer that problem correctly, para mapalagpas ko ang pagiging un-attentive mo sa klase ko ngayon. If not, theres a punishment ahead of you," may diin nitong sabi. Hinarap nito ang buong klase. "I want to say this to all of you, guys! Mabait ako, you know that. I talk to you guys, as if, we are in the same age. Nakikipagbiruan ako sa inyo. I could be your best buddy outside of this classroom but when you are here in this class you must remember that I am your teacher. And as my student, you must do your job, too. You must listen during my lecture when I am here in front of you. It's not easy to talk here in a period of time, and then, suddenly you will learned that no once listening at you. Isn't irritating! Just remember all of this. Next time, I don't want to caught someone doing some other things and being un-attentive during my class. Is that clear?" may diin at seryoso niyang sabi sa mga estudyante.

"Yes, Sir," mahinang tugon ng mga ito.

"I can't hear you!"
"Yes, Sir!" may diin at malakas na tugon muli ng mga estudyante.

Tumingin si Daniel sa dalaga. "Okay, proceed!" sabi nito sa kanya.

Napahiya siya nang husto sa sinabi ng propesor. Minsan lang siyang magkaganoon, natiyempuhan pa siya nito. Nakaramdam siya ng lungkot dahil siguradong naturn-off sa kanya ang binata.
Pinagtuunan niya nang pansin ang problem na nakasulat sa board. Simple accounting problem lang iyon kaya nagawa niya itong sagutan. Nag-a-advance study naman siya kaya hindi siya nahirapan.

Nawala kahit konti ang inis ni Daniel nang makita na mahusay nitong nasagutan ang accounting problem na binigay niya. Lalo pa siyang humanga sa talino ng dalaga dahil nagawa pa nitong ipaliwanag sa buong klase ang sagot nang maayos at maliwanag.

NASA harap ng counter si Lianne at namimili ng kakainin. Pinag-iisipan kung kukunin ang tetra pack ng isang chocolate milk o bottled ice tea. Kinuha niya ang tetra pack ng chocolate milk at nilagay sa sariling tray. Kapagdaka'y binalik niya rin ito sa kinalalagyan ng makapag-isip-isip na nagda-diet nga pala siya.

Sa Puso Ko(Wattpad Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon