Chapter 15

5 0 0
                                    

EVERY afternoon, four times a week pagkatapos nang klase ay magkasama lagi sina Lianne at Ms. Dimaapi na nagpupunta sa gym.

"Kung makikita mo lang siya Lianne, napakaguwapo niya at napaka-sweet niya sa akin," kinikilig na pahayag ni Ms. Dimaapi.

Pareho silang gumagamit nang thread mill nang mga oras na iyon.

Kinukuwento nito ang isang businessman na foreigner na ipinakilala ng isa nitong kaibigan.

"Alam mo ba ang sinabi niya sa akin?... sabi niya, Lenny you're so beautiful! To tell you honestly, I really, really like you!...hindi ba nakakakilig," mahina pa itong napatili sa sobrang kilig.

"Talaga ma'am?!" Pati siya ay kilig na kilig sa mga ikinukuwento nito.

In-off niya ang makinang gamit. Tumingin siya sa binibini habang pinupunasan ang pawis sa sariling mukha. Lumapit siya sa bicycle na malapit dito at iyon naman ang kanyang ginamit.

"Oo, Lianne. Alam mo ba sa tingin ko siya na si Mr. Right. Siya na ang lalaking makakasama ko for the rest of my life!" kuntodo ang ngiti nito na tila nangangarap.

Natutuwa siya para sa propesora dahil nakatagpo na ito ng lalaking magmamahal dito.

"Hi, girls, can I join you?" tanong ng isang baritonong boses.
Hindi pa man lumilingon si Lianne sa nagsalita ay parang kilala na niya kung sino iyon. Malakas na namang kumabog ang kanyang dibdib.

"Hi, Daniel!" bati ng binibini kay Daniel.

"Hello," sagot nito sa binibini. Tumingin ito sa kanya. "Hi, Lianne!" matamis ang ngiting bati nito sa kanya.

Natulala siya habang nakatitig sa binata. Kitang-kita sa suot nitong sando ang malalaki at tila matitigas nitong muscles sa dibdib. Para bang napakasarap makulong sa mga bisig nito. Nakita niyang muli ang manipis na balahibo sa dibdib nito. Pakiramdam niya ay makikiliti siya kapag nadikit ang kanyang balat sa manipis na balahibong iyon. Hindi niya napansin na napapanganga na pala siya sa sobrang paghanga sa binata.

"Lianne...Lianne," tawag ni Ms. Dimaapi sa kanya. Hindi niya napansin na nakalapit na pala sa tabi niya ang binibini. "Isarado mo ang bibig mo, baka pasukan ng langaw iyan," halos pabulong nitong sabi sa kanya.

Natauhan siya sa sinabi ni Ms. Dimaapi. Mabilis niyang sinara ang bibig. Naramdaman niya ang pag-iinit ng kanyang pisngi. Hiyang-hiya siyang napatingin sa binata. Binigyan siya nito ng isang matamis na ngiti.

"Hi, daw sabi ni Mr. Kim sa'yo," may pilyang ngiti na sabi sa kanya ng binibini.

"Hello, Sir!" alanganing sabi niya sa binata.

"Dito pala kayo nagwo-workout ni Ms. Lenny?" simple nitong tanong. Ginamit nito ang threadmill na ginamit niya kanina.

"Yes, Sir." Pinagpatuloy niya ang ginagawa.

"Ikaw, Daniel matagal ka na bang nagwo-workout dito?" tanong ni Ms. Dimaapi.

"Yup! Almost a year na."

"Talaga?! Buti pala dito ako nag-enroll," pahayag ng binibini. Tumingin ito sa kanya ng makahulugan.

Ilang minuto pa silang nag-workout bago nagdesisyon na mag-shower. Sa shower room ng mga babae ay kinausap siya ng binibini.

"Alam mo ba Lianne na crush ko iyang si Mr. Kim? Pero, dahil may Kenneth Preston na ako, ipauubaya ko na siya sa'yo," sabi nito sa kanya.

"Ma'am, ano ba iyang sinasabi n'yo?"

"Naku, kunwari ka pa d'yan. Kitang-kita naman na may gusto ka kay Daniel. Halos napapanganga ka nga d'yan sa sobrang paghanga mo doon sa tao, eh!" pahayag nito.

"Ma'am naman." Pinamulahan na naman siya ng mukha nang maalala ang nangyari. Obvious na obvious na nga siya sa damdamin niya para sa binata.

"Ano naman ang problema doon? Dalaga ka, binata siya-"

"Teacher ko siya, pwede ba iyon? Hindi ba bawal ang magkaroon ng relasyon ang isang teacher sa student niya," komento niya.

"School rules lang iyon. Bakit habang buhay ka bang mag-aaral? In a few years ga-graduate ka na, so wala akong makitang problema," tumabi ito sa kanyang kinauupuan.

"Meron."

"Ano?" nakakunot ang noong tanong nito.

"Nililigawan niya ba ako? May gusto rin ba siya sa akin?" malungkot niyang sabi. "Imposibleng magkagusto siya sa isang tulad ko. Magugustuhan ba niya ang isang babaeng mataba?" umiling-iling siya.

"Alam mo Lianne, hindi lahat ng lalaki tumitingin sa pisikal na anyo. Tingnan mo si Kenneth. He likes me kahit na mataba ako, wala siyang pakialam sa sasabihin ng iba." Tinapik-tapik nito ang kanyang balikat.

"Kaya nga tayo nagwo-workout, hindi ba, para sa lalaki na magmamahal sa atin." Pilit nito siyang pinasasaya.
Ngumiti siya sa binibini.

"Huwag kang mag-alala, tutulungan kita. Mapapansin ka rin niya." May pilyang ngiti sa labi nito. Tila may pinaplano ito sa isip.

Tila natatakot siya sa iniisip nito. Ngunit may bahagi sa puso niya na umaasa na magkatotoo ang sinabi nito.

Sa Puso Ko(Wattpad Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon