Chapter 47

7 0 0
                                    

Nakarating sa area si Julian kasama ang kanyang team. Hindi pa bumaba sa sasakyan ang mga ito. Nagmamatyag muna sila sa paligid. Bumaba si Julian sa kanyang kotse at naglakad-lakad malapit sa warehouse. May humintong kotse sa harap niya at bumaba mula roon si Janice. Tinutukan siya ng baril.

Nabigla siya sa biglang pagsulpot ng dalaga. Nakilala niya kaagad ito, ang babaeng mataray na natapunan ng wine sa party. Nataas niya ang kanyang mga kamay.

"Teka, miss! Baka makalabit mo iyan. Hindi dapat naglalaro ng ganyang klase ng laruan ang isang magandang babaeng tulad mo," bulalas niya. Pinag-aaralan niya ang kilos nito.

"Huwag kang kikilos kundi ipuputok ko sa'yo ito! You are under arrest, Mr. Julian Sandoval," madiing sabi ni Janice. Matiim itong nakatingin sa binata habang nakatutok pa rin ang baril. Inilabas nito at ipinakita ang badge sa kanya.

Nabasa niya ang pangalan nito at kung saang ahensiya nagseserbisyo.

"You're barking at the wrong tree, Detective Perez!" nakangising sabi niya sa dalaga.

Napakunot ang noo ng dalaga. Naa-antipatikuhan siya sa binata.

Nang makatiyempo si Julian ay mabilis niyang hinawakan ang kamay nito at pinulsuhan kaya nabitiwan nito ang baril na hawak.  Marahan niyang pinilipit ang braso nito at inilagay sa likod nito. Isinandig niya ang katawan nito paharap sa kotse ng dalaga.

"Ah, bitiwan mo ako. Hindi ka makakatakas sa batas, Mr. Sandoval!" halos hinihingal na sabi ni Janice, inis na inis sa binata.

Lumabas sa sasakyan ang kanyang team at lumapit sa kanila.

"Lieutenant Sandoval, may problema ba?" sabi ng isang officer na may kalakihan ang katawan.

"Wala naman. Mukhang may naligaw lang ditong isang bulaklak!" nakangising tila nang-iinis na sabi ni Julian. Binitawan niya ang kamay nito kaya nakalaya ang dalaga. Pagkaraan ay pinulot niya ang baril nitong nalaglag.

Nakatiim ang mga labing tumingin si Janice sa binata. Pagkatapos ay sa mga tauhan nito.

Ibinalik niya ang baril sa dalaga. Inis nitong kinuha iyon sa kanyang kamay.

Nakangising inilabas ni Julian ang sariling badge at ipinakita sa dalaga.
"Lieutenant Julian Sandoval of National Bureau of Imbestigation!" pasarkastikong pakilala niya sa sarili, nakangiti pa siya sa dalaga na tila nang-iinis.

Natameme si Janice dahil mas mataas ang ranggo ng binata sa kanya.

Dumating ang team ni Philip. Bumaba ito ng sasakyan at lumapit sa kanila.
Ipinakita nito ang badge kay Julian. "I'm ex-Detective Philip Samson of PDEA," pagpapakilala nito kay Julian. Nakipagkamay pa ito sa binata. "Binigyan ako sa itaas ng authorization to takeover on this operation. Pagpasensiyahan n'yo na ang isa kong agent dahil hindi pa siya nabibigyan ng briefing about this operation. Captain Kim was inside the warehouse and his calling for backup, kaya kami nandito." Nang tumawag si Daniel sa kaibigan ay nagtungo na si Philip sa ahensiya at nagbuo ng team. Ngunit hindi na niya sinama si Jojo. Idineteyn na kaagad ito sa ahensiya at tinanggalan ng kahit na anong gamit para hindi na makakontak pa kina Edward. Nasa field si Janice kaya tinawagan na lamang ito upang sumunod sa area kaya wala itong alam sa totoong layunin ng operasyon.

Sa Puso Ko(Wattpad Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon