Chapter 38

1 0 0
                                    

"Oh, my God! Talaga, kayo na?" tila kinikilig at hindi makapaniwalang sabi ni Ms. Dimaapi. Naikuwento niya sa propesora ang nangyari nang nagdaang gabi. Nasa kanilang karinderia sila ng binibini. Sabado nang araw na iyon at walang pasok.

"Yes, ma'am!" maluwang ang pagkakangiting sabi ni Lianne. Kilig na kilig habang binabalikan ang mga pangyayari.

Naghawak-kamay sila ng binibini habang pigil na pigil na nagtitili sa sobrang saya at kilig. Napapatingin tuloy sa kanila ang ibang kumakain sa karinderia.

"Pero, sabi niya huwag ko munang ipagsabi kahit kanino ang relasyon namin kasi daw… alam n'yo na, propesor ko siya at estudyante niya ako. Bawal daw sa school ang student-teacher love affair," tila malungkot niyang sabi. Malungkot siya dahil nobyo niya na nga ang lalaking pinapangarap ngunit hindi niya pa rin maipagsigawan sa lahat at maipagmalaki na nobyo na niya ang binata.

"Hey, Lianne, cheer up! Huwag mong sabihin na ngayon ka pa magsesenti nang ganyan, ngayong nobyo mo na si Daniel. Alam mo, tama lang naman ang sinabi niya. Kapag kasi nalaman iyan ng school council parehong magiging komplikado ang sitwasyon ninyong dalawa. If you really love each other, makapaghihintay kayo sa tamang panahon para masabi sa lahat ang inyong pagmamahalan. Ang mahalaga naman ngayon ay nalaman mo na mahal ka rin niya, hindi ba?" mahabang pahayag ng binibini. Ngumiti pa ito sa kanya.

Napangiti siya sa sinabi ng binibini. Kahit paano ay gumaan ang kanyang pakiramdam.

"Teka! Tara, sumama ka sa akin," sabi nito sa kanya.

"Saan ho tayo pupunta, ma'am?" nagtataka niyang tanong.

"Basta, sumama ka na lang sa akin. Huwag ka ng magtanong pa!" sabi pa nito.

Sumama nga siya sa binibini. Hindi niya akalain na isasama siya nito sa isang spa/salon. Nagpa-makeover sila nang binibini. Sagot nito lahat. Tumanggi siya ngunit hindi ito pumayag. Sabay silang napa-facial, body scrub, pedicure, manicure, hair treatment. Inayos ang buhok niya at nilagyan siya ng make-up nang beautician sa parlor.

"Lianne, suutin mo ito, oh!" iniaabot ni Ms. Dimaapi ang isang cocktail gown.

Halter dress na may kumbinasyon ng puti at itim na kulay. Ang tabas nito ay maluwang mula ilalim ng dibdib pababa at lagpas hanggang tuhod ang haba nito.

"Ma'am, bakit ko susuutin ito?" nagtataka niyang tanong. Hawak na niya ang gown.

"May pupuntahan tayong party. Kaya nga nagpapaganda tayo, di ba?" sabi nito.

"Kasama ako?" tinuro niya ang sarili.

"Oo. Hindi ba sabi ko sa'yo tutulungan kita kay Daniel. Heto na ‘yun. Ang tagal kong pinaghandaan ang araw na ito, ‘noh?" dagdag pa nito.

Tumango-tango na lamang siya. Isinuot niya ang gown. Lahat ng nasa parlor ay napatingin sa kanya dahil sa paghanga. Nagmukha siyang elegante sa suot na gown. Nakadagdag ang suot niyang kuwintas ni Lola Maria sa ganda ng kaniyang damit. Pumayat siyang tingnan dahil sa itim at puting motiff ng kanyang gown. Nagsuot siya ng shawl para matakpan ang medyo malaking braso.

"Wow, ang ganda-ganda mo, Lianne!" napabulalas ni Ms. Dimaapi. Nakasuot na rin ito ng gown.

"Talaga, ma'am?" nangingiti niyang tanong.

"Oo, naman!" maluwang ang pagkakangiting kumpirma nito.

Sa Puso Ko(Wattpad Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon