Chapter 11

4 0 0
                                    

NAGLALAKAD si Lianne sa loob ng campus nang marinig na may tumatawag sa kanya. Nang lingunin ay nakita niya si Billy na nakakubli sa isang malaking puno habang siya ay tinatawag.

"Lianne," muling tawag nito sa kanya.

Ngumiti siya sa binata at lumakad palapit dito. Inaasahan na niyang isa sa mga araw na iyon ay lalapitan siya ng binata. Nabanggit na ni Julian sa kanya ang tungkol sa pagtawag nito ng nakaraang araw sa shop. Naipaalam na rin sa kanya ng binata ang tungkol sa pagiging secret agent nito sa NBI. Kaya ganoon na lang ang tuwa niya nang makita niya noong linggo sa cafeteria si Marion at ang lalaking hanggang ngayon ay pilit pa rin inaalala kung saan niya nakita. Dahil doon ay nagkaroon sila ng lead tungkol sa iniimbestigahan nilang pen na naglalaman ng ipinagbabawal na gamot.

"Bakit? May kailangan ka ba?" tanong niya dito kahit alam na niya ang pakay nito.

"Sabi kasi ng kuya ni James sa'yo ko i-abot ang sulat ko," sagot nito.

"Ganoon ba?" sabi niya.

"Oo. Heto. Siguraduhin mo na makararating iyan sa kanya. Nakasulat diyan kung saan at kailan kami magkikita." Inabot sa kanya ng binata ang isang nakatuping papel.

"Siguradong makararating ito sa kanya!" matipid ang ngiting sagot niya. Isinilid niya ang papel sa bulsa ng kanyang uniporme.

Mataman itong nakatingin sa kanya. "Bakit kayo magkakilala ng kuya ni James? Alam ba ito ni James?" nagtatakang tanong nito sa kanya.

Hindi niya sinagot ang tanong nito. "Kumusta na si James? Malaki ba ang problema niya?" nag-aalala niyang balik-tanong dito.

Marahas itong bumuntung-hininga. "Tinatanong kita, pero tanong din ang isinagot mo sa akin. Kung sabihin ko sa'yong, oo, malaki ang problema. May magagawa ka ba? Wala Alam mo ba na ikaw ang dahilan kung bakit kami nagkagalit na magkaibigan?!" may-inis nitong sabi.

Nagulat siya sa narinig. Hindi niya alam ang tunay na dahilan kung bakit hindi na niya nakikita si Billy sa grupo ng kapatid. Hindi niya alam na siya pala ang dahilan.

"I'm sorry!" hingi niya ng paumanhin dito.

"Wala nang magagawa ang sorry mo dahil nangyari na ang lahat ng gulo," may diin nitong sabi na tila nang-uusig.

Lalo siyang naguluhan sa sinabi ng binata. Anong gulo ang sinasabi nito? Nadagdagan tuloy ang pag-aalala niya para sa kapatid.

"Sige, mauuna na ako sa'yo. Baka may makakita pa sa atin na nag-uusap tayo." Pagkasabi ay tumalikod na ito at mabilis na lumakad palayo sa kanya.

"Teka, sandali. May itatanong pa ako sa'yo!" habol niya dito ngunit hindi na ito lumingon. Mabilis ang mga hakbang nito palayo. Anong gulo ang sinasabi mo?' sabi na lamang niya sa sarili.

Mula sa malayo ay natatanaw ni Daniel ang dalawa. Nanggaling siya sa parking area at naglalakad patungo sa kanilang building nang makita niya si Billy na nakakubli sa likod ng isang puno at kinakausap si Lianne. Hindi kaila sa kanya na kabarkada ni James ang binata at binu-bully ng grupo nito ang dalaga. Nagtaka siya kung bakit nag-uusap ang dalawa na tila may pinagtataguan. Lalong nangunot ang kanyang noo nang makita niya na may inabot na papel si Billy kay Lianne. Nanghihinayang nga lang siya dahil hindi niya marinig ang pinag-uusapan ng mga ito.

Nagpatuloy sa paglalakad si Lianne. Hindi mawala ang pag-aalala para sa kapatid. Nang matanaw niya ang grupo ni Marion na makakasalubong niya. Nakita niyang may ballpen na nakaipit sa uniporme nitong suot.

Lumapit siya sa mga ito. "Hi, good morning!" masayang bati niya sa mga ito. Kabatian naman niya ang barkada nito kaya hindi na siya naalangan na lapitan ang grupo.

"Good morning!" nakangiting tugon din ni Marion. "Mukhang maganda ang umaga mo ngayon, ha, Lianne!" puna nito sa kanya.

"Medyo! Saan kayo pupunta?" tanong niya sa grupo. Dahil napansin niyang palabas ang mga ito ng campus.

"Diyan lang, kakain muna kami," sagot ni Marion.

"Ah, ganoon ba?" tumatango niyang sabi. Kunwa'y natuwa siya nang makita niya ang ballpen nito.

"Uyyy!" mabilis niyang kinuha ang ballpen na nakaipit sa uniporme nito.

Nabigla ang binata sa kanyang ginawa. Tinangka nitong agawin ang ballpen ngunit mabilis niyang naiiwas ang kamay.

"Saan mo nabili ito? Alam mo bang matagal na akong naghahanap ng ganitong ballpen. Nagkaroon na kasi ako ng ganito. Napulot ko. Maganda i-pangsulat kaya balak kong bumili. Kaso wala naman akong makitang tulad nito sa mga book stores at school supplies," sabi niya kay Marion. Habang palihim na tinitingnang mabuti ang ballpen. Nabasa niya ang tatak nito na Prince Pen. "Saan ba ako pwedeng bumili nito?"

"Wala kang mabibili na tulad niyan sa labas, basta-basta. By orders lang iyan dahil mamahalin iyan," sabi nito habang pilit na inaagaw sa kanya ang ballpen. Ngunit hindi pa rin nito makuha sa kanya.

"Ayyy, ganoon ba? Bakit, limited edition lang ba ito? Kung ganoon mahal nga. Hindi ko pala afford ang ballpen na ito," kunwa'y nanghihinayang niyang sabi. Ngumiti siya sa binata. "Baka naman pwedeng maarbor ko na lang ito!" nakangiti niyang sabi sa binata habang iwinawagayway ang ballpen.

"Ayoko nga. Akin na nga iyan!" tila nawawalan na ito ng pasensiya.

"Hmmp! Ang sungit mo naman. Heto na nga," kunwa'y nagtatampo niyang sabi dito. Inabot niya sa binata ang ballpen. Mabilis naman nitong kinuha at ipinasok na kaagad sa bulsa ng pants.

"May problema ba?" tanong ni Daniel. Hindi namalayan ng mga ito ang kanyang paglapit dahil abala ang mga ito.
Napatingin silang lahat sa nagsalita.

"No, sir! Walang problema. Nagbibiruan lang kami dito," mabilis na sagot ni Marion. "Hindi ba, Lianne?"

Nakangiti lamang siya habang tumatango. Hindi na naman siya mapakali sa presensiya ng kanilang propesor. Nararamdaman na naman niya ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso lalo't napaka-guwapo ng propesor sa suot na polo. Napahawak siya sa sariling dibdib sa tapat ng puso. Tumigil ka diyan. Huwag kang magulo,' nasaisip niya. Pinagagalitan niya ang sariling puso dahil hindi niya mapigilan ang pagkabog nito kapag nakikita ang binata.

Sa Puso Ko(Wattpad Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon