Maalala ba ng puso ang mga bagay na nalimutan ng isipan? Nagkakilala sila ng hindi sinasadya sa lugar kung saan nagsimula ang lahat.
Sa pagkawala ng mga mahal ni Shane sa buhay ay dumating naman ang bagong taong dahan-dahang nagparamdam sa kanyang hindi s'ya nag-iisa. Ang taong naging dahilan ng muli n'yang pagngiti sa kabila ng malulungkot na alaala. Ang taong sumagip ng buhay n'ya nang hindi n'ya inasahan ay ang iisang taong pinag-alayan n'ya ng puso. Ngunit paano nga ba makikilala ng puso n'ya ang taong 'yon na nalimutan ng kanyang isipan?
Malaki ang ipinagbago ni Christoper mula ng kuhanin sa kanya ang kanyang pinakamamahal na ina. Mas lalo lang s'yang nagbago ng ipakilala sa kanya ng ama ang bago n'yang ina at kapatid. Hindi n'ya natanggap ang mga 'yon hanggang sa paglaki n'ya ngunit nagbago ang lahat. Mas pinili n'yang bumalik at maghiganti para sa kapatid. Paano nga ba n'ya gagawin ang plano kung sa tuwing titingnan n'ya ang taong 'yon animo tinutunaw ang puso n'ya? Hanggang saan s'ya dadalhin ng intensyon n'ya?
Magmamahal ka pa ba kung nalaman mong sa una pa man nagsinungaling na s'ya? Magtitiwala ka pa ba kung sa tuwing susubukan mo may natutuklasan kang mas malala? At magpapatawad ka pa kung pakiramdam mo inagaw sa'yo ang lahat at nabuhay ka sa malaking kasinungalingan? Sa huli matatagpuan mo ba ang kakulangang nararamdaman ng iyong puso?
Paano mo tatanggapin ang katotohanang nabuhay ka sa isang malaking kasinungalingan.
Magpapatawad ka ba?
Magmamahal ka pa ba?
Susugal ka pa ba?
Ipaglalaban mo pa ba?
BINABASA MO ANG
THE MISSING PIECE
RomanceAno ang handa mong gawin para mapunan ang kakulangang nararamdaman ng iyong puso't isipan?? HIGHEST RANK: #5 out of 1.2k stories under #MISSINGSOMEONE -MhireJed/ItinakdangAsul- CJL