TMP 62 #TheOneWhoCompletesMe

139 9 1
                                    

This is it.

In front of Someone Above anyone else they will say their vows. Huminga s'ya ng malalim at nilingon ang mga taong naging bahagi ng journey n'ya bago makarating sa puntong ito. Puno ng pasasalamat ang ngiti at tingin n'ya.

Then the most awaited ceremony started until they were totally bonded by God's love.

"Ikaw ang pinakamagandang biyaya na ipinagkaloob sa akin ng Maykapal. Ang nag-iisang babaeng gusto kong makita bago ako matulog at pagkagising ko sa umaga. I prayed for you and I longed for this day to come. And here I am in front of you. Ito ang katuparan ng mga pangarap ko. Ikaw ang katuparan ng mga pangarap ko dahil para kang isang panaginip. Isang panaginip na ngayon ay binubuhay ng katotohanang ikaw ay inilaan sa akin ng Maykapal. Ang pagkakaiba mo sa panaginip, ikaw ang aking katotohanan. Katotohanang kailanma'y hinding-hindi ko na bibitiwan dahil ikaw, ikaw ang nag-iisang nilalang na nagpuno sa puwang na aking nararamdaman. Mamahalin kita, ngayon, bukas at sa habang buhay. Ikaw ang aking kakulangan kaya't ipinapangako ko na kailanma'y hinding-hindi na ako sa'yo mawawalay. Ikaw at ako. Tayo. We are the proof that love do exist in this so challenging world. Our love is beautiful and it will always be beautiful, for a lifetime. At pangako ko Yhen ko, we will survive anything. I love you and this love will last for a lifetime."

Hindi mawala ang ngiti sa labi ni Christoper habang sambitin n'ya ang mga katagang 'yon habang si Shane halos pigilan na ang luhang pumatak sa kanyang pisngi.

"Christoper Villamor Aquino, when you came into my life, I know you came to stay. Our love is the kind of love that is worth fighting for. 'Yong bang kahit paulit-ulit na mangyari in the future, paulit-ulit ko ring ilalaban. Dahil simula nong dumating ka sa buhay ko, hindi ko na halos makita ang sarili kong nabubuhay ng wala ka sa piling ko. Kaya naman sa harap ng mga taong malalapit sa atin at pinakamamahal natin at naririto ngayon, I want to say na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita. 'Yong pagmamahal na walang katapusan. Dahil ikaw ang nag-iisang kakulangang pinakahihintay ko, idinadalangin at inaaasam noon pa man. Yhen ko. Super excited na ako to be your wife. I love you for a lifetime." Sa wakas ay sambit naman ni Shane.

And then...

"You may now kiss your bride."

Finally they are already married.
Christopher kissed her lips with so much love then they smiled after that.


"That's what we called happy ever after." mahinang sambit ni Merthiel.

"Tayo na ang kasunod n'yan." bulong naman ni Martin na nasa may likuran n'ya lang. Napangiti na lang ito.

"Wow. Ang sweet naman. Sana someday makahanap rin ako ng katulad ni Kuya Chris na hanggang sa kahuli-hulihan ipaglalaban ako." ani Angelique.


"Sooner or later darating din 'yon." saad naman ni Jennifer na nginitian lang ni Angelique. Tiningnan nito ang kinaroroonan ni Derrick na nahuli naman nitong nakatingin din sa kinaroroonan n'ya. Ngumiti s'ya.

"I love you." nakita ni Jennifer ang buka ng bibig na 'yon ni Derrick muli s'yang ngumiti pero humarang naman si Earl.

"Lalanggamin kayo imbes na 'yong bagong kasal." ani Earl kay Derrick saka dumila kay Jennifer.

"Totally heartbreaking." maikling sambit ni Luke at ibinaling ang mga mata kina Shane.

"Huh?" takang saad naman nina Marco.

"Kung hindi sila nagkatuluyan. Look they are a perfect match." sagot nito.

"Ah. I caught you staring at them. Akala ko naman heartbreaking 'yong sa inyo dati ni Jen." mahinang sambit ni Dandrev.

"Yeah. 'Yon nga ang tinutukoy ko. Pero ano bang magagawa ko alangan namang umepal pa ako eh mahal na ni Jen ang kumag na kaibigan n'yo." piping usal ng isipan ni Luke saka napangiti.

"May sinasabi ka?" tanong naman ni Derrick kay Luke. Napangiti na lang itong tuluyan.



"Ooppss...Late ako eh invited pa naman ako." saad ng kararating lang na babae na tumabi sa kinaroroonan ni Richmond.

"Elaiza?" halos hindi pa nakapaniwala si Richmond nang makilala 'yon. "I heard you're still single." sagot naman nito doon. "Don't worry I'm still single too." dagdag pa nito that makes Richmond smile. "Wag mo kong pakatitigan baka matunaw ako n'yan." anitong muli na nagpalapad pa ng ngiti ni Richmond.

"I miss you." mahinang sambit ni Richmond saka itinuon ang mata kina Shane. Napangiti na lang naman si Elaiza sa tinuran nito.


Para sa iba ito na ang tinatawag na happy ending pero para kina Shane at Christopher simula pa lang ito ng happy ever after. Salamat na lang sa mga taong ito na saksi sa pag-iisang dibdib nila dahil malaki ang naging bahagi nitong mga ito sa istorya nila.

Ngumiti si Shane kay Mrs. Anessa at sa ex-husband nito. Saka n'ya inilibot ang mata sa mga naroroong naging saksi nila. Natuon ang mata n'ya sa kinaroroonan ni Elaiza na ginawaran sila ng isang matamis na ngiti.


"Oh. Jess is here." mahinang sambit ni Christopher nang makita si Jessica sa may dulong upuan na mag-isa ngunit nakangiti sa kanilang dalawa. Sumaludo pa ito sa kanila. Malaki rin ang pasasalamat n'ya sa taong ito na s'yang naging dahilan para tuluyan na n'yang muling makasama ang papa n'ya.


Tiningnan n'yang muli si Richmond. Panatag na s'ya nang makita itong sinusulyapan si Elaiza. Sigurado s'yang ang pahayag na 'love is sweeter the second time around' ay magwowork sa dalawang 'yon.

Sinulyapan n'ya sina Derrick at ang barkada nito at maging sina Jennifer at Merthiel. Just like how happy she is ganun din ang mga 'yon. Trully this is really one of the most special day.

"I love you Yhen." bulong ni Christopher.

"I love you even more my missing piece." Mahinang tugon n'ya.

"Yhen, I will never let go of your hand no matter what. I promise." Mahinang sambit muli ni Christoper.


Ngumiti s'ya at muling tiningnan ang kabiyak. Hinawakan n'ya ng puno ng pagmamahal at pagkalinga ang mukha ni Christoper bago tuluyang nagsalita.



"I promise not to doubt you and to be forever by your side. Yhen ko."




~THE END~

THE MISSING PIECETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon