Philippines...Nabitiwan ni Shane Xheiyh ang hawak na basong may lamang juice. Pakiramdam n'ya ay huminto ang oras dahil sa narinig mula sa kaharap. Hindi n'ya alam kung bakit hindi s'ya makaluha nong mga oras na 'yon at nakatitig na lang s'ya sa kaharap. Hindi na n'ya namalayang nalinis na ng service crew ang floor na nadumihan ng nabasag na baso.
"Shane!" untag sa kanya ng kaharap na lalaki.
Dahil doon natauhan s'ya at saka lamang tumingin sa paligid. Good thing reserved nga pala ang restaurant na 'yon kaya walang taong titingin at makikiusyoso sa kanila.
"Shane, you listen to me-" putol na sambit ng kaharap n'ya.
"Jojo, everything's ready. M-may damit na tayo pareho. 'Y-yong invitation ready na, as in everything. Hihintayin na lang natin 'yong brother mo. Hihintayin na lang natin 'yong exact date ng pag-uwi n'ya. Alam mo namang maiintindihan ko kung-k-kung hind agad makakauwi ang brother mo eh. I could still wait. I mean I'm willing to wait." nanginginig ang tinig n'ya.
"I'm sorry." buntong hininga ng lalaking kaharap n'ya. "But it's not about him." pagpapatuloy nito saka tinitigan s'ya. "Please Shane...Hindi ko na kakayaning matuloy ang kasal dahil masasaktan lang kita at mas nasasaktan na rin ako...nahihirapan na rin ako sa sitwasyon. Ayoko ng lokohin pa ang sarili ko."
Naguluhan s'yang bigla. "Jo, bakit? May nagawa ba 'ko na 'di maganda? Tell me magsosorry ako or I'll change it." aniya.
Bumuntong hininga muli si Jojo saka tinitigan s'ya.
"Shane-" paunang sambit n'ya. "-I don't...I d-don't love you anymore." dugtong nito.
Ngumiti lang s'ya ng pilit kahit ang totoo nabigla at nasaktan s'ya sa sinabi ng kaharap. Kasunod noon ay sunod-sunod ang ginawa n'yang pagsubo ng pagkain hanggang sa mabulunan s'ya at tubig na lang ang naging pantulak n'ya.
"Shane." Muling sambit ni Jojo.
Tinitigan n'ya ito sa mata at umiling-iling.
"You're lying. I know you're lying. Mahal mo pa ako. Five years tayong mag-on and you promised to love me forever. I-" hindi na n'ya naituloy ang mga sasabihin pa ng may marinig silang tinig. Napalingon s'ya.
"Hi! Surprised?" tanong ng babaeng kararating lang at nakatuon ang mga mata nito kay Jojo. Nang makalapit ay dinampian ng halik sa pisngi si Jojo saka tuluyan ng bumaling sa kanya.
"Who is she?" takang tanong nito na sinulyapan pa s'ya.
"She's-"
"I'm Shane-Shane Xheiyh Sta. Ana. Jojo's fiancée." pagpapakilala n'ya.
Nakakaloko ang ngiting itinapon nito sa kanya.
"Oh! I see." Paunang sambit nito at sinulyapan ng tingin si Jojo.
"So it's you. By the way I'm Jessica Delprado-Jojo's REAL FIANCEE." May diin ang bigkas nito sa huling dalawang salita.
"You're what?" nagulo na naman ang utak n'ya.
"I'm his REAL FIANCEE." Pag-uulit nito.
"Pero-" putol na sambit n'ya.
"We've known each other since grade school and there we promised each other a happy ever after. I never expected na nagpropose pala s'ya sa'yo. He told me everything's been fixed. Akala ko alam mo na." ani Jessica.
"B-but you t-told me a-ako lang." nangangatal ang boses n'ya habang nakatuon ang mata kay Jojo.
"Y-you told me a-ako lang ang gusto mong makasama b-because you s-saved me, because y-you love me. And we're engage for two years." Aniya na nakatuon pa rin ang atensyon sa lalaki.
BINABASA MO ANG
THE MISSING PIECE
Storie d'amoreAno ang handa mong gawin para mapunan ang kakulangang nararamdaman ng iyong puso't isipan?? HIGHEST RANK: #5 out of 1.2k stories under #MISSINGSOMEONE -MhireJed/ItinakdangAsul- CJL