TMP 17 #Closeness&Complications

1.9K 26 2
                                    


Walang mga araw na lumipas na hindi nagkakausap sina Shane at Christoper. Nasanay na sila sa prisensya ng bawat isa bagay na hindi na nila maitago sa kaibigang si Merthiel. Aminado si Shane na may espesyal s'yang nararamdaman sa binata ngunit pinipigilan n'ya dahil pakiramdam n'ya mali 'yon.

Rest day ni Shane sa trabo at walang paalam na sumama s'yang mamasyal kay Christoper. First time nilang lalabas na hindi kasama si Merthiel. Sa isang sikat na restaurant s'ya dinala noon at doon nila halos inubos ang oras nila. Simpleng usapang naging dahilan upang mas mapatunayan nila sa sarili nila na malapit na malapit na nga talaga sila sa isa't isa. Pakiramdam tuloy ni Shane wala na s'yang mahihiling pa habang kasama 'yon.

"Thank you for everything." Mahinahong sambit nit Shane habang palabas na sila ng resto. Ngumiti lang naman si Christoper. "Kapag nalaman ni Thiel na lumabas tayong hindi s'ya kasama siguradong magtatampo 'yon." Pabirong dagdag n'ya na nginitian lang ni Christoper.

"Sa susunod isama na ulit natin s'ya kapag nagtampo nga s'ya." sagot naman nito na sumakay sa biro n'ya. "Teka lang huh. May dumi ka sa noo." Ani Christoper at saka sinubukang kumuha ng panyo sa bulsa ng pants. Pero kasabay ng pagkakadukot ng panyo n'ya ay ang paglaglag ng isang bagay mula din sa bulsa.

Halata ang pagkagulat sa anyo ni Christoper nang marealize kung ano 'yon. Ganun na rin ang taka ni Shane ng makita kung ano 'yon.

"Bakit nasa'yo 'to?" takang tanong ni Shane nang makita ang pamilyar na bagay. "Bakit nasa'yo ang relo na tanging si Jojo lang ang dapat na humahawak?" dugtong na tanong nito. "Nasa transparent box na 'to ni Jo, bakit nasa'yo? He told me sa kanya ko lang ibinigay 'yan. Bakit meron ka n'yan?"

Natigilan na lang si Christoper sa tinuran ni Shane.


Naputol ang panonood ni Merthiel nang tumunog ang cell phone nito. Nang makitang si Richmond ang tinatawag ay dali-dali s'yang lumabas ng kwarto.

"Hello, Mond. Kasama mo si Shane? Naiwan n'ya cell phone 'di ko tuloy mai-text." Aniya na hindi na hinayaang makapagsimulang magsalita 'yon. "Huh? Hindi mo s'ya kasama?" kinutuban s'ya nang marinig ang sagot ni Richmond. "Ah, akala ko lang kasi. Bakit ka nga pala napatawag?" bago n'ya sa usapan.

Natigilan na lang s'ya nang marinig ang mga sagot ni Richmond sa tanong n'ya. Nanuyo ang lalamunan n'ya at pakiramdam n'ya nanlamig ang pakiramdam n'ya.

"O-oo! andito pa ako. S-sigurado ka ba? N-nakita mo rin?" halos hindi makapaniwalang tanong n'ya upang makasigurong narinig n'ya ng tama ang sinabi noon. Bagsak ang balikat n'ya nang maibaba ang cp. Hindi s'ya makapaniwala sa natuklasan.



"Ano? Bakit nasa'yo 'to Christopher?" untag muli ni Shane sa pananahimik noon. Ang mga tikom na labi nito ay napalitan ng ngiti at sinundan ng mahina at di kalauna'y malakas na pagtawa. Tumigil lang ito nang makitang seryoso ang mukha n'ya.

"Mayroon si Jojo nito? I mean I didn't expect na gumagamit pa s'ya nito." Tugon n'ya.

"No! Hindi s'ya gumagamit n'yan. That was mine. He told me binigay ko sa kanya 'yan. He even showed me that thing. Kaya paanong napunta sa'yo 'yan kung sa kanya ko lang binigay?" seryoso n'ya pa ring tanong.

"I didn't steal it if that's what you're thinking right now. Since seryoso ka talaga at mukhang gusto mo talagang malaman then sasabihin ko sa'yo." Ani Christoper at napawi ang ngiti sa labi.

Napansin n'ya 'yon pero hindi nagbago ang reaksyon n'ya dahil nong mga oras na 'yon kailangan n'ya talaga ng sagot.

"18 years ago ganitong relo ang uso. This was given to me by someone so close to me." Bumuntong hininga muna si Christoper bago nagpatuloy.

THE MISSING PIECETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon