Memorial Park..."Hey. 'Yon na ba 'yon? She doesn't even care about you. She even said tanungin kita what exactly happened. I'm sorry bro. I should have been here nong sinabi mong kailangan mo 'ko. Sorry dahil I live my life thinking na kaagaw kita at wala kang kwentang tao pero I realized na ako ang walang kwentang tao. You tried to reached out for me pero binalewala ko lang 'yon. Sorry." Aniya na nakatingin sa puntod ni Jojo. (Yeah Jojo died three months ago. Napaaga ang pagbagsak ng katawan noon dahil sabi nila eh sa labis na depresyon.)
"But don't you worry dahil babawi ako sa'yo. I'll make sure she'll regret dumping you and I'll make her pay for it. Hintay ka lang huh. I'll do everything for you this time. Pangako." Matalim ang titig na iginawad n'ya ng masabi 'yon.
Hindi n'ya kadugo si Jojo at aminado s'yang nong mga bata pa sila ay hindi na n'ya gusto 'yon pero after hearing what his step brothers had gone through nakaramdam s'ya ng guilt. Pakiramdam n'ya sobrang selfish n'ya na hindi man lang s'ya nakapagpasalamat sa lahat ng kabutihang ginawa ng step brother n'ya. Kung wala 'yon siguro matagal na ring wala ang kompyang pinaghirapan ng kanyang ama dahil si Jojo ang umako ng mga responsibilidad nong pinili n'yang lumayo. Ito din ang nag-alaga sa papa n'ya hanggang sa huling hininga noon. Kaya ngayon kahit alam n'yang huli na eh babawi s'ya sa mga pagkukulang n'ya sa kapatid.
Samantalang...
Makahulugan ang ipinukol na tingin ni Merthiel sa kanya ng makita s'yang inihatid ng tingin ang palayong kotse ni Richmond.
"Hindi talaga nanliligaw 'yong lagay na 'yon?" pangungulit sa kanya ng kaibigan.
"Napapano ka na naman d'yan? Inihatid lang ulit ako Thiel, nanliligaw na agad? Halika na nga sa loob. Gabi na." aniya.
"Halata namang may gusto sa'yo 'yong tao. Mag-aaksaya ba 'yon ng panahon kung wala. Tsaka malay mo kayo pala for each other. Go na Shane Xheiyh, sagutin mo na." muling pangungulit ng kaibigan n'ya.
"Kaibigan ko lang si Richmond. Hanggang doon na lang 'yon. S'ya ang naghatid sa'kin sa restaurant kaya pumayag na rin akong magpasundo sa kanya dahil wala namang pinatutunguhan ang pinag-usapan namin nong magulo at mayabang na taong 'yon." aniya. "Ibang-iba talaga kay Jojo, no wonder kaya hindi sila nagkasundo." Nanahimik naman ang kaibigan n'ya dahil sa sinabi n'yang 'yon. "Don't worry tinulungan naman ako ni Richmond na maghanap ng trabaho, I'll be fine." Muling pahayag n'ya.
"Hindi kaya ginagamit ni Jojo ang step brother n'ya para makipagbalikan sa'yo? Kz tingnan mong mabuti-" hindi naituloy pa ni Merthiel ang mga sasabihin ng titigan n'ya.
"Ilang buwan na ba ang nakakalipas? If he really wants me back then he should have been here by now."
Ayun, doon na natapos ang usapan nila dahil alam naman nila kung saan tutungo 'yon kung di pa sila titigil.
Kinabukasan, nagising na lang s'ya sa yugyog ng kaibigan. Halos ingudngod na noon ang cp sa mukha n'ya. Kahit kukurap-kurap pa ang mga mata eh nakita n'ya sa screen na tumatawag ang manager nila.
"Sagutin mo dali." pinanlakihan pa s'ya ng mata ng kaibigan. Kaya naman wala sa loob na sinagot n'ya 'yon.
"I'm sorry Miss Sta. Ana but there's actually a misunderstanding. The customer took you for someone else. Everything has been settled. I really am so sorry for my mistake. Please, come back and work for the company again and I assure you things like this will never happen again."
Nagulat s'ya ng magsorry 'yon at sabihing pwede na ulit s'yang bumalik sa trabaho. Hindi na s'ya nakaimik dahil inagaw na kaagad ng kaibigan n'ya ang phone at 'yon na ang nakipag-usap sa manager.
Ano 'to isang laro? Nasa play ground sila kung ganun? Ganun ganun na lang yon? Gusto n'ya sanang tanggihan pero hindi na n'ya nagawa dahil sa kaibigan.
Back to work na ulit s'ya bukas kaya mas pinili n'yang ituloy ang napurnadang tulog.
***
Parang wala namang nangyari dahil walang nagbago sa pakikitungo sa kanya ng mga katrabaho. Nagtaka pa nga s'ya ng malimit n'yang nakitang nakangiti sa kanya ang masungit na manager nila. Ayos na sana ang balik trabaho n'ya kung hindi n'ya lang nakita ang pagmumukha ni Christopher. Para 'yong kabuteng bigla na lang sumusulpot kung asan s'ya. Katulad na lang ngayon na kalalabas n'ya lang ng hotel.
"Totoo nga ang balita, back to work ka na ulet. So wala ng DOLE?" hinarangan s'ya ni Christoper pero sa halip na sumagot ay inirapa't nilagpasan n'ya lang 'yon.
"Ganyan ka bang magpsalamat?" muling pahayag nito sa kanya pero animo wala s'yang narinig.
"Kahit simpleng thank you Chris, wala talaga?" saad nito at patakbong humarang muli sa dinaraanan n'ya. Nilagpasan n'ya naman muli 'yon.
"Sige, smile na lang." muling saad nito at humarang ulet sa dinaraanan n'ya kasunod ng paghawak sa kamay n'ya.
Pahiklas n'ya namang binawi ang kamay doon.
"Wag kang umastang feeling close tayo, 'coz we're not. Kung nakabalik ako sa trabaho eh hindi dahil sa'yo 'yon kundi dahil wala akong ginawang masama sa'yo. Kaya hindi ko obligasyong magpasalamat sa'yo." Mataray n'yang pahayag na ikinatahimik ng kausap.
"Ano? Ipapatanggal mo ulit ako? Do it then. I don't care." Muling sambit n'ya na alam n'yang narinig ng kaibigang humihingal pa.
"Thiel, halika na. Ang lakas ng hangin dito baka madala ka." Aniya at tuluyan ng hinila ang kaibigan palayo sa lalaking 'yon. Hindi naman na sila sinundan pa noon.
"Don't you think you've been too harsh on him? Ayan napapa-english na naman ulit ako. Kawawa naman 'yong tao eh." Ani Merthiel ng makasakay sila ng taxi.
"He deserved that. Hindi porket kailangan n'ya ng atensyon eh ipapatanggal na lang n'ya ako sa trabaho ng ganun ganun na lang."
"Baka naman naaalala mo lang si Jo sa kanya kaya ka nagkakaganyan." Napatakip naman sa bibig si Merthiel ng marealize kung ano ang sinabi. "Sorry, di ko sinadyang sabihin 'yon." Pahabol nito. Hindi naman na umimik pa si Shane kaya nanahimik na rin ito.
To be continued...
BINABASA MO ANG
THE MISSING PIECE
RomanceAno ang handa mong gawin para mapunan ang kakulangang nararamdaman ng iyong puso't isipan?? HIGHEST RANK: #5 out of 1.2k stories under #MISSINGSOMEONE -MhireJed/ItinakdangAsul- CJL