"Saan ka ba nagpupupunta?" ani Merthiel ng makarating s'ya sa reception area.
Oo. Tama nakabalik na s'ya sa trabaho at kusang loob pa rin naman s'yang tinanggap sa pakiusap ng kaibigan sa management.
"Remember 'yong guy na sinasabi ko sa'yo kahapon? Tinatanong ka na naman n'ya sa'kin. Seems like he knew you at kaapilyedo pa s'ya ng walanghiyang Jojo na 'yon." muling sambit nito sa mahinang boses.
Halong pagtataka naman ang rumehistro sa mukha n'ya ngunit muli naman s'yang nagfocus sa trabaho n'ya.
Samantalang...
"Yeah I'm back. And I'm really, really back for good. I wont be staying in Madam's house for a while, buddz." ani Christoper habang nasa labas ng hotel na pag-aari ng tito n'ya. "I want to spend my days seeing this person who killed my step brother, I mean my brother."
"Pero buddz, we haven't seen each other yet tapos inuna mo pa talaga 'yan. Nagtatampo ako." Ani Elaiza.
"She's pretty in person. Kung ako sa'yo kapag nag-propose ulit sa'yo ang mokong na 'yon tanggapin mo na. Dahil kung hindi this girl might as well steal him from you." Iiling-iling na sambit ni Chris sa kausap sa phone. "Buddz, I need to hang up. Bye." Dagdag pa nito ng mapansing tapos na ang shift ng babaeng kanina n'ya pa tinitingnan sa reception area ng hotel na pag-aari ng tito n'ya.
Halos mapaatras si Shane nang may biglang humarang sa kanya pagkalabas n'ya ng hotel. May katangkaran ang lalaki na ginawa n'ya pang tingalain para lang kilalanin. Nagulat pa nga s'ya ng makitang nakangiti 'yon sa kanya. Nilingon n'ya ang kaibigang sumitsit sa kanya at nakita n'ya ang senyas nito sa kanya na ang kaharap n'ya ngayon ay ang lalaking malimit na naghahanap sa kanya.
Muli n'yang ibinaling ang tingin sa lalaki. Ang mga matang 'yon, pamilyar sa kanya ang mga 'yon. Pakiramdam n'ya nakita na n'ya 'yon hindi n'ya lang maalala kung saan at kung kelan.
"Christoper Aquino." usal ng lalaki at inilahad ang palad na sinulyapan n'ya lang.
"I'm Jojo's brother." dagdadag pa nito. "Step brother, I mean." paglilinaw nito.
Saka lang nalinawan ang isip n'ya. Tama ang mga matang 'yon ay sa picture na ipinakita sa kanya ni Jojo. Doon n'ya 'yon nakita.
Kaya naman sa halip na kausapin pa n'ya ay nilagpasan n'ya lang at ang kaibigan n'ya eh dali-dali namang sumunod sa kanya. Bakas sa mukha ni Christopher ang pagkadismaya dahil sa ginawa n'ya. Sinubukan pa nga s'ya nitong habulin pero nakasakay naman na kaagad sila ng taxi.
...
Muli s'yang sinubukang kausapin ni Christopher ng mga sumunod pang mga araw pero hindi n'ya 'yon pinaunlakan man lang. Para sa kanya kasi eh wala na s'yang pakialam sa lahat ng may kaugnayan pa kay Jojo.
Mas nakakagulat nga sa lahat eh pinadadalhan din s'ya ng flowers nito pero lahat ng 'yon ay sa basurahan tumutuloy at ang mga chocolates naman eh pinamimigay n'ya sa mga katrabaho. Ipinaramdam n'yang hindi nag-i-exist ang lalaking 'yon dahil sa ginagawa n'ya at kahit paano nakaramdam s'ya ng tagumpay dahil nakita n'ya sa mukha noon ang pinaghalong pagka-irita at pagkadismaya.
Nakapagbihis na s'ya at ready na sanang umuwi dahil tapos na ang shift n'ya ng ipatawag s'ya ng manager. Laking gulat n'ya ng sabihin noong sesesantihin na s'ya dahil nga umalis s'ya sa trabaho dati ng walang paalam at ngayon naman may nagreklamong customer dahil sa hindi n'ya daw iginalang. Halos manlumo s'ya pero binigyan naman s'ya ng chance ng manager at iniabot ang business card ng customer na nagreklamo sa kanya. Pigil ang galit at inis na naramdaman n'ya ng mabasa ang pangalang nakalagay doon.
Tinulungan s'ya ng kaibigang magpaliwanag sa management pero sa mga pagkakataong 'yon bigo sila. Habang palayo sa opisina ng manager n'ya ay binalak na talaga n'yang sugurin ang lalaking 'yon sa unit noon pero si Merthiel na mismo ang nagsabi sa kanyang nagcheck-out na nga si Christoper.
...
Tatlong araw na rin halos ang nakalilipas mula ng tanggalin s'ya sa trabaho. Pinag-isipan n'yang mabuti kung tatawagan n'ya ang lalaking 'yon. Pero napag-alaman n'yang kaibigan noon ang manager kaya nagdisisyon na s'yang hindi na kailanman kontakin pa ang lalaking 'yon. Isa pa pamangkin nga pala 'yon ng may ari ng hotel. Sinabi pa nga ng manager na kung magsosorry lang s'ya doon eh ibabalik na lang ulit s'ya sa trabaho. Hindi n'ya matanggap na umiral ang koneksyon at hindi man lang pinakinggan ang paliwanag n'ya. Bigla s'yang bumalik sa katinuan ng hiklatin ng kaibigan ang hawak n'yang calling card.
Samantalang...
Naiirita na si Christopher dahil halos mamuti na ang mata n'ya kakahintay ng tawag pero hanggang ngayon wala pa rin. Kinuha n'ya ang cellphone number ng babaeng 'yon na ibinigay naman sa kanya ng kaibigan n'yang manager ng hotel. Wala na s'yang pakialam basta ang kailangan n'ya eh matawagan 'yon. Hindi n'ya mauumpisahan ang plano n'ya kung hindi s'ya mapapalapit sa babaeng 'yon at kung hindi n'ya makukuha ang loob noon.
Ida-dial pa lang sana n'ya ang number noon ng biglang may unknown number na nag-appear sa screen ng cp n'ya. Dali-dali n'ya 'yong sinagot sa pagbabakasakaling si Shane ang tumatawag. Matagal bago may tuluyang magsalita sa kabilang linya. At ikinagulat n'ya pa ng marinig ang tinig noon.
"Gusto kitang makausap. Sabihin mo kung saan. 'Yon lang." malamig ang tinig ni Shane. Lihim namang nagdiwang ang loob n'ya at sinabi n'ya kung saan, kung kelan at inunahan n'ya ng babaan 'yon.
Sandali s'yang natigilan nang may maalala.
"He's gone. Actually, bumubuti na 'yong pakiramdam n'ya pero nong accidentally n'yang mapanood 'yong news about Shane's rumor engagement bigla na lang bumagsak ng tuluyang 'yong katawan n'ya. Sobrang nadepress s'ya and on his last hour-" buntong hininga, "-he's calling your name and hers." Malungkot ang boses na 'yon ni Jessica, ang bestfriend ng step brother n'ya na kaibigan n'ya rin.
"I told you to come back. I requested you but you didn't even granted his last request. I promise you Christopher, you will never be happy. I will never forgive you." Tinig ng naghihinagpis na step mother n'ya 'yon. "I'll change my mind. Umuwi ka lang magiging okay na ako noon. Umuwi ka lang." tinig muli ng step mother n'ya na nangungulila. "I'm all alone now. Your brother's gone and all I ever have is you kaya umuwi ka na, Christopher, iho." Tinig muli ng nangungulilang ina.
Lahat ng 'yon ay sa voice messages na lang n'ya nalaman dahil hindi n'ya naman sinasagot ang tawag ng mga 'yon. Pero ramdam n'ya ang labis na emosyon sa boses ng mga 'yon.
Nong mga panahong 'yon pakiramdam n'ya ang laki-laki ng kasalanan n'ya. Noon n'ya rin lang nalamang kaya bumalik ng Pinas si Jessica eh dahil gusto nong hikayatin na magpagamot si Jojo dahil sa brain tumor na malala na.
Sa totoo lang nanliit s'ya nong mga panahong 'yon dahil doon n'ya na-realize how his brother has reached out for him na palagi n'ya namang nire-reject. He's been too unfair at noon n'ya lang narealize 'yon nong wala na ang step brother n'ya. Lalo lang s'yang nanliit ng hindi man lang s'ya nakasilip sa lihim na burol at libing noon. According to her step mom nagback-out si Shane sa nalalapit na kasal dahil may iba na 'yong gusto. Nabalita pa ngang engage 'yon sa iba.
His step mom only pointed out how Shane lied and break his step brother's heart. From there, he felt how his step mom wept and he decided one thing and that is to go back. Kaya nga nandito na s'ya sa Pinas for good with vengeance. 'Yon nga lang noong mga nagdaang araw pakiramdam n'ya matagal na silang magkakilala ng babaeng nanloko sa stepbrother n'ya.
Ooppss..panganay pala iyon ng ilang buwan sa kanya kaya it's proper na kuya ang itawag n'ya though it's too late. Right it's quite weird na sa wakas natawag na rin n'yang kuya 'yon after so many years.
To be continued...
BINABASA MO ANG
THE MISSING PIECE
RomanceAno ang handa mong gawin para mapunan ang kakulangang nararamdaman ng iyong puso't isipan?? HIGHEST RANK: #5 out of 1.2k stories under #MISSINGSOMEONE -MhireJed/ItinakdangAsul- CJL