Inasahan na ni Shane na susunduin s'ya ni Richmond ngunit hindi n'ya inasahang dadalhin s'ya noon sa isang mamahaling restaurant. Pagkapasok na pagkapasok pa lang nila malambing na musika na ang sumalubong sa kanila. Walang ibang tao doon maliban sa kanila. Napakaganda ng table arrangement at maging ang mga bulaklak na nakalagay doon. Napansin n'yang nasa gitna pala ang table nila ng makarating s'ya doon. Isang boquet ng bulaklak ang iniabot nito sa kanya na tinaggap n'ya naman. Lingid sa kaalaman nilang may kanina pang nagmamasid sa kanila.
"Para saan 'to?" takang tanong n'ya kahit pa alam na n'ya ang ibig sabihin noon. "Grabeng dinner 'to huh, Richmond. Matutuwa si Thiel kung kasama natin 'yon at-"
"This is a dinner date." Putol nito sa pagsasalita n'ya. "Sinubukan kong hanggang sa pagkakaibigan lang ang status natin pero mahirap palang pigilan 'yong totoong nararamdaman." Dugtong nito nang mapansin ang pagkailang sa mukha n'ya. "I like you, Shane. I really like you." Pag-amin nito.
Natigilan s'ya ngunit mabilis din namang nakabawi, "Richmond, Hindi naman-"
"Alam kong hindi ganun kadaling magustuhan ako but at least give me a chance. Give me a chance to love you and be love by you." Muling putol nito sa pagsasalita n'ya.
Nakakainsultong tawa at palakpak mula sa may pintuan ng restaurant ang pumutol sa pag-uusap nila. Nagulat pa nga si Richmond nang makilala kung kanino galing 'yon.
"How can you tell her that you like her and asked her to give you a chance to love her when you just proposed to me, huh, Richmond?" ani Elaiza nang makalapit sa kinaroroonan nila.
"Elaiza? Anong ginagawa mo dito?" takang tanong ni Richmond.
"No Richmond. The question is anong ginagawa mo? You're telling her that you like her kahit alam naman natin na ako naman talaga ang gusto mo."
Dahan-dahang ibinaba ni Shane ang bulaklak sa mesa at nagpasya ng umalis ngunit pinigilan s'ya ng hawak ni Richmond. Pero mas pinili n'yang alisin ang pagkakahawak noon sa braso n'ya.
"Kailangan n'yong mag-usap." Aniya.
"Yes Richmond! We really need to talk." Sang-ayon naman ni Elaiza at hinawakan ang kamay nito.
Gusto pa sanang habulin ni Richmond si Shane pero hindi naman s'ya binitiwan ni Elaiza.
"Ano na naman ba 'to, huh, Elaiza? Public figure ka diba? Paano na lang kung may mga paparazzi na nakasunod sa'yo?" aniya sa babae.
"Kaya nga siniguro kong walang nakasunod eh. Tsaka may amnesya ka ba? Diba nga sabi ko that I want you back dahil mahal na nga kita. Kaya nga andito ako at parang asong nakasunod sa'yo." Seryosong sagot naman ni Elaiza.
"Elaiza for the sake of friendship tigilan mo na 'to! We can be good friends and that's what I can assure you."
"I hate those words. Noon pwede pa 'yon eh pero ngayong narealize ko na mahal na kita ayaw ko ng good friends. Not now!"
Hindi na muling nagsalita pa si Richmond dahil kilala na n'ya si Elaiza. Kung gaano ka-persistent 'yon kapag may nagustuhan gagawin lahat. Kaya kesa humaba pa ang usapan mas pinili na lang n'yang manahimik at ihatid ito sa condo nito. Traffic kaya nakatulog na 'yon sa byahe. Doon n'ya na lang ito muling napagmasdan pero sa halip na maamong mukha ang makita n'ya ay hindi kundi mukha ni Shane ang nakikita n'ya habang nakatitig dito.
- - -
Simula din ng gabing 'yon mas pinili na rin ni Shane na iwasan si Richmond. Babae din s'ya at alam n'ya nang tingnan n'ya si Elaiza sa mga mata eh talagang gusto nito si Richmond. Nakita n'ya na nasaktan 'yon nang makita sila. Kaya mas pinili n'yang hindi na rin sagutin ang mga tawag at text noon at mga imbitasyon noong lunch or dinner. Magkaiba na sila ng shift sa trabaho ni Merthiel at naging malaking factor 'yon para matigil 'yon sa kalalakad kay Richmond para sa kanya.
To be continued...
BINABASA MO ANG
THE MISSING PIECE
RomanceAno ang handa mong gawin para mapunan ang kakulangang nararamdaman ng iyong puso't isipan?? HIGHEST RANK: #5 out of 1.2k stories under #MISSINGSOMEONE -MhireJed/ItinakdangAsul- CJL