Sina Merthiel at Shane naman ay tahimik lang na naghihintay sa pagdating ni Mrs. Alicia sa isang sikat na restaurant na walang masyadong customer.
"I'm glad you came." ani Mrs. Alicia nang makarating sa table na kinaroroonan nila.
"Kanta ba 'yon?" pabirong bulong ni Merthiel sa kanya.
Yon na rin ang umorder na para sa kanila. Kahit masarap pakiramdam n'ya wala s'yang gana.
"You don't like the food? Masarap 'yan. I knew this restaurant's chef." anito nang mapansing tinititigan lang nila ang pagkain.
"Shane, CR lang ako huh." bulong ni Merthiel sa kanya.
"Bakit n'yo po ako gustong makausap?" direktang tanong n'ya nang makaalis ang kaibigan.
"Shane, hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. I want you to break up with Christoper. This is your last chance." direktang sagot din sa kanya nito.
"I'm sorry po pero hindi ko po magagawa 'yon. Hindi ko gagawin 'yon." sagot n'ya na ikinadismaya ng kausap.
"Wala ka ba namang respeto o delikadesa man lang sa sarili? Si Jojo-"
"Patawarin n'yo ako kung wala ako sa tabi n'ya nong mga panahong kailangan n'ya ako. Patawarin n'yo ako dahil nasaktan ko s'ya. Patawarin n'yo hu ako dahil pakiramdam n'yo ako ang dahilan ng pagkamatay n'ya." tahasang putol n'ya sa sasabihin pa nito na hindi man lang kumukurap ang mga mata.
"Patawarin n'yo ako pero nakapagdisisyon na ako. Hinding-hindi ko iiwan si Christoper. Hindi ko s'ya iiwanan dahil s'ya at hindi si Jojo ang talagang minahal ko, minamahal ko at mamahalin ko pa po." Isang sampal mula dito ang natamo n'ya.
"How dare you!" ani Mrs. Alicia.
"How dare you ka din, PO!" galit namang sagot ni Merthiel na nagmadali talagang makabalik sa table nila.
"Nag-CR lang ako tapos minamaltrato mo na ang kaibigan ko. How dare you!" sigaw pa nito na naging dahilan para magtinginan sa kanila ang ilang customer na naroroon.
"Lower down your voice you uneducated poor ugly whatever." sansala nito sa kaibigan n'ya.
"Eh, T***na! 'Wag mo PO akong mautos-utusan. Tao kaming humarap sa'yo at sana itrato mo kami bilang tao." ani Merthiel na pinigilan naman na n'ya.
"That pays it all. Niloko ako ng anak n'yo. Doon pa lang dapat na-realize na ninyo na bayad na bayad na ako. Wala na akong dapat pang ihingi ng tawad sa inyo, may interes na kayo sa pagsampal n'yo sa'kin. Thank you for taking me to the orphanage and for giving my parents a good burial." aniya at nagpasya ng umalis kasama ang kaibigan.
"You will regret this!" huling sambit ni Alicia.
"Regret your face." ani Merthiel at tuluyan na ring padabog na sumama sa kaibigan. Hindi na sila lumingon pa.
Samantalang...
"Jess, Wow! Mas gumanda ka ngayon." nakangiting sambit ni Christopher nang salubungin n'ya ito sa airport. Ngumiti lang naman ito sa kanya at yumakap ng sandali.
"Miss Jojo?" pagkuway tanong n'ya dito nang umalis ito sa pagkakayakap sa kanya.
"We have to talk. You really have to know something about your stepmom and his first love." seryoso ngunit makahulugang sambit naman nito sa kanya.
"Is that really a serious matter? I mean you know that Madam and I are not that close. So why should I need to know about her first love?" aniya nang tumunog ang cellphone n'ya.
"Excuse." aniya dito at sinagot ang phone.
"Hello, budz." aniya then pause. "Ano? Bakit biglaan naman? Ihahatid na kita." then he paused again. "Sigurado ka ba?" pause again. "Okay, ingat ka. Tawagan mo ako kapag nakarating ka na dun." huling saad n'ya at ibinaba na ang phone.
"Si Elaiza ba 'yon?" ani Jessica. He nodded as a respond.
"Let's go to Jojo's grave." Hindi naman na s'ya nagtanong kung bakit.
"You have to know about your stepmom and Shane's father." ani Jessica nang makarating sila sa puntod ni Jojo.
"Anong ibig mong sabihin?" hindi n'ya maintindihan ang kaibigan. "Anong tungkol kay Madam at sa papa ni Shane?"
"Si Tita Alicia-nasa kanya ang papa ni Shane. First love ni Tita ang papa ni Shane." pagbubunyag nito sa kanya.
"Anong-"
"Buhay ang papa ni Shane. Hawak s'ya ni Tita Alicia." muling pagbubunyag sa kanya nito.
"Imposible." 'yon ang una n'yang reaksyon. Hindi n'ya inexpect na sasabihin 'yon ni Jessica. "Hindi ko maintinihan ang sinasabi mo Jess. Matagal ng patay ang papa ni Shane. Kaya paano mo nasabing buhay pa 'yon at hawak ni Madam?" hindi makapaniwalang bulalas n'ya.
Iniabot naman sa kanya nito ang cellphone. Nanlaki ang mata n'ya. Picture nga 'yon ng papa Shane.
"Paanong-"
"Buhay pa s'ya. Si Jojo ang unang nakaalam na buhay ang papa ni Shane. That was three months before he died. Tita Alicia on the other side discovered na nalaman na ni Jojo ang tungkol doon. She explained everything to Jojo. She told him that her first plan is to marry Shane's father pero nagpa-ubaya s'ya para kay Jojo." ani Jessica at nanahimik saka tiningnan ang puntod ni Jojo.
"Bakit ngayon lang? Bakit ngayon mo lang sinabi?" gusto na n'yang maniwala. Nagsisimula na s'yang maniwala. Walang dahilan para magsinungaling ang kaibigan n'ya sa kanya.
"I heard from Elaiza that you're having a problem with Tita Alicia. I'm sure she'll do everything para magkahiwalay kayo." anito at bumuntong hininga.
"But my point is that there's a great possibility that she'll continue with her first plan." hindi pa rin n'ya maintindihan.
"Yong townhouse n'yo sa Tagaytay nandun si Mr. Sta. Ana." muling pagbubunyag nito. Naalala n'yang iniregalo 'yon ng papa n'ya sa stepmom n'ya.
"Alam mo kung gaano ka-espesyal sa'kin si Jojo. Kaya when he told me to take care of her mom tinanggap ko 'yon ng buong-buo. But I am your friend before I met Jojo and as a friend I want nothing but the best for you." muling pahayag nito. Ngayon na lang n'ya muling nakita ang care nito sa kanya. May iniabot ito sa kanyang memory card.
"Ano 'to?"
"Watch it and you'll see what's inside it. Make sure kasama mo si Shane." ani Jessica.
"But please do tell her to forgive tita Alicia. Gusto ko s'yang protektahan pero sigurado akong magugustuhan din ni Jojo ang ginawa kong 'to." bumuntong-hininga s'ya. "Jojo gave that to me and told me to use it only if needed. Ayoko sanang ilabas pa 'yan dahil alam kong masasaktan ko si Tita pero kailangan mo 'yan at ni Shane higit kanino man."
Wala ng ibang sinabi pa si Jessica at nagpasyang magpaiwan na sa puntod ni Jojo. Mag-isa na tuloy s'yang umalis doon. Using his iphone sinimulan n'yang panoorin ang laman ng memory na 'yon. Na-shock s'ya but he decided to do the right thing.
To be continued...
BINABASA MO ANG
THE MISSING PIECE
RomanceAno ang handa mong gawin para mapunan ang kakulangang nararamdaman ng iyong puso't isipan?? HIGHEST RANK: #5 out of 1.2k stories under #MISSINGSOMEONE -MhireJed/ItinakdangAsul- CJL