TMP 39 #ForgottenMemories

620 16 0
                                    

@@@

"Bago ka lang dito noh?" boses ng isang batang lalaki ang nakapagpalingon sa nakayukong si Shane. "Oh? Aalis ka na? Ayaw mo ba ng kausap?" muling sambit nito sa kanya nang makitang paalis na s'ya. "Sabi ni Sister Cora ayaw mo raw magsalita at ayaw mo ring makipag-usap kahit kanino. Bakit? Pipi ka ba?" muling sambit nito nang huminto s'ya sa paglalakad. "Pipi ka nga?" pagkokompirma nito na naging dahilan para mapilitan s'yang umiling dito. "Eh 'yon naman pala eh. Dapat magsalita ka para hindi ka napagkakamalang pipi. Okay?" anitong muli at kumindat pa sa kanya. "Oh? Ayaw mo pa ring magsalita? Hmmn. Ako nga pala si Christopher Aquino. Isa kami sa donor ng orphanage na 'to. Malimit akong pumasyal dito at ngayon lang kita nakita kaya malamang bago ka talaga dito. Ikaw anong pangalan mo?"

Nag-alangan pa s'yang sumagot pero nang makita n'yang naghihintay 'yon ng sagot n'ya ay napilitan na rin s'ya. "S-Shane Xhieyh Sta. Ana." maigsing sambit n'ya na bakas ang pagkailang.

"Okay Shane Xheiyh. Simula ngayon magkaibigan na tayo. Kung ayaw mong kausapin ang ibang tao dapat ako kausapin mo dahil magkaibigan na tayo." anito sa kanya na hindi na naman n'ya sinagot.

"Haisht! Sige hindi kita pipiliting magsalita ngayon pero sa susunod na magkita tayo at sa susunod na bisita ko dito dapat mo na akong kausapin. Okay?" muling sambit nito na sa halip na sagutin ay pinili na lang n'yang tinanguan.

Tumupad nga ito sa usapan. Parati na s'yang dinalaw nito sa orphanage na may dala-dalang deformated cookies na shape ng smiley. Sa pagdaan ng panahon lumalim ang pagkakaibigan nila. Mas naging komportable s'yang kasama ang batang ito. Sa edad n'yang pito ramdam n'ya na espesyal ito sa buhay n'ya. Naikwento n'ya dito ang aksidenteng kinasangkutan ng mga magulang n'ya kaya s'ya napunta sa bahay ampunan. Hindi na nga lang n'ya alam kung sino ang nagdala sa kanya dito sa orphanage. Dahil nga naging magkaibigan na sila naging vocal na rin sa kanya si Christopher. Nalaman n'yang kamamatay lang ng mama nito noong nakaraang taon. Naikwento rin nito sa kanya na hindi nito kasundo ang stepmom at stepbrother nito. Halos lahat naiikwento na n'ya dito at ganun din ito sa kanya.

"Nakasimangot ka d'yan. Akala mo hindi ako darating noh?" ani Christopher habang nakabusangot s'yang nakaupo sa plantbox sa likod ng simbahan ng orphanage.

"Hindi ah. Alam ko naman kasing dadalaw ka talaga." tanggi n'ya. "Stepbrother mo ba 'yong batang kasama mo?" pagkuway tanong n'ya dito na sinagot naman nito ng tango. "Para kasing nakita ko na s'ya. Pamilyar kasi 'yong mukha n'ya." aniya at pinipilit alalahanin kung saan n'ya 'yon nakita pero bigo s'ya.

"Ah kasama ko rin 'yon last week hindi nga lang lumabas ng kotse. Baka dun mo s'ya nakita." sagot naman nito sa kanya na tinangu-tanguan n'ya na lang pero nanatiling nakabusangot. "Oh, eh bakit malungkot ka pa d'yan? May problema ka na naman ba?" usisa nito sa pananahimik n'ya.

"Gusto ko ng tumakas dito. Itakas mo na 'ko dito. Ayoko na dito." sagot n'ya naman na halatang ikinabigla ni Christopher. "Ipapaampon na nila ako. Ayokong magpa-ampon. Ayoko sa ibang pamilya Chris. Ayoko sa iba. Natatakot ako." muling wika n'ya.

"May aamapon na sa'yo? Paano mo nalaman?" takang tanong naman ni Christopher.

"Narinig ko sila Sister Cora, kausap nila kahapon 'yong gustong umampon sa'kin. Ayokong magpaampon Chris. May mama't papa ako at ayokong magkaroon ng iba. Hindi ko pa nga alam kung saan sila nakalibing tapos ipapamimigay na ako ng ampunang ito sa ibang tao. Ayoko non. Tulungan mo akong makatakas dito." aniya na ikinaisip ni Christopher ng malalim

THE MISSING PIECETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon