Tahimik lang sa loob ng elevator si Shane kasama ang manager ng hotel. Kanina lang kinausap s'ya nito at sinabi ngang magri-reliever s'ya sa Cebu na hindi n'ya naman natanggihan. Gastos ng company lahat sa pagri-reliever n'ya doon kaya hindi na s'ya na-mroblema pa. Kinakabahan s'ya habang nasa loob ng elevator dahil nga sabi ng manager n'ya eh kakausapin s'ya ng presidenteng si Mr. Aquino. Nakausap na n'ya 'yon dati dahil kay Jojo. Hindi n'ya alam kung paano s'ya rirespond doon lalo na't pakiramdam n'ya eh hindi s'ya magiging komportable doon dahil ulit kay Jojo. Ngunit naglaho ang lahat ng mga haka-haka n'ya nang makausap na 'yon dahil kung gaano 'yon ka-bait nong makausap n'ya dati eh ganun pa rin 'yon hanggang ngayon. 'Yon na rin mismo ang nagpaliwanag kung bakit s'ya ang piniling reliever at lahat ng information na kailangan n'ya. Pasalamat naman s'ya dahil hindi man lang noon nabanggit sa usapan ang pangalan ni Jojo.
"That's it. I believe in you Ms. Sta. Ana." Huling sambit ni Mr. Agustin na nginitian n'ya.
"Oo nga pala Mr. Cruz I have to give you some important documents. Sumunod ka sa'kin sa office." Baling nito kay Mr. Cruz na katabi n'ya.
"Iha, maiwan ka muna namin dito. Mr. Cruz will be back in a moment. May pag-uusapan lang kami." Tumango lang s'ya bilang tugon doon.
Naiwan nga s'yang mag-isa sa loob ng conference room. Sa pag-iisa n'ya doon eh naalala n'ya si Christopher. Hindi n'ya nakitang lumabas 'yon kaya sigurado s'yang naririto pa rin 'yon sa building. Nasa ganoong pagmumunimuni s'ya ng bumukas ang pinto ng conference room. Bumilis ang tibok ng puso n'ya ng hindi n'ya maintindihan.
May mga pumasok kasing mga delivery boys at girls doon. Nang mailagay ng mga 'yon ang pagkain sa mesa eh may pumasok na isa pang delivery boy na may dala namang isang pirasong rosas. Hindi 'yon nagsalita sa halip ay lumabas 'yon ng maibigay sa kanya ang bulaklak. Sa muling pagbukas ng pinto nakita n'yang pumasok naman doon si Christopher na nakangiti sa kanya.
Shemz. Halos matunaw ang puso n'ya sa Brit nito.
"Sabi ni Manager Cruz lunch break mo na raw kaya ayan umorder na ako para sa'tin. Nagugutom na rin kasi ako." Ani Christopher habang lumalapit sa kanya. Iniabot naman nito ang dalawa pang pirasong bulaklak sa kanya na tinanggap n'ya naman.
"Kilala ko 'yang tingin na 'yan. 'Wag kang mag-alala nagpaalam ako kay Manager Cruz at kay tito at pumayag naman sila." Paliwanag agad nito nang mapansin ang mapaghinalang tingin na ipinukol n'ya dito. "Ang sabi pa nga ni tito boto s'ya sa'yo eh." dugtong pa nito.
"Sinabi mo na sa kanya?" halos gulat na tanong n'ya na tinanguan lang naman ni Christopher. "Eh kahit pa alam na n'ya ang tungkol sa'tin hindi pa rin magandang nagla-lunch tayo tapos dito pa mismo sa conference room. Ang samang tingnan." aniya.
"Oh sige saan pala? Doon sa labas kung saan kita ng kaibigan mo? Shane naman ang tagal na nating hindi nagsasabay kumain. Ang tagal na rin nating hindi nagkikita. Miss na miss kita. Pero parang hindi naman ganun 'yong nararamdaman mo." animo'y nagtatampong sambit naman ni Christopher sa tinuran n'ya.
"Hindi naman sa ganun Yhen ko. S'yempre company pa rin ito ng tito mo at empleyado pa rin ako. Ayoko lang isipin n'ya na sinasamantala ko 'yong pagkakataon." paliwanag n'ya.
"Hindi s'ya ganung mag-isip. Kumain na nga lang tayo." Halata pa rin ang tampo sa mukha ni Christoper. "Kumain ka na at late na ang lunch mo." dugtong pa nito at inayos ang kakainin n'ya.
"Paano ako makakakain n'yan kung alam kong nagtatampo ka d'yan. Tsaka matanong ko nga. Bakit ba parang ang laki ng tampo mo d'yan?" aniya at tiningnan ang lalaki na iniiwas naman ang tingin sa kanya. "Hindi ka man lang sumasagot nong sinubukan kong tawagan ka nong inihatid ako ni Richmond. Hoy! Sumagot ka nga d'yan. Nakakapraning ka kaya. Alam mo 'yon?" dugtong n'ya ng hindi s'ya sagutin ng kausap.
"Mas nakakapraning kaya 'yong girlfriend mo kasama 'yong lalaking may gusto sa kanya sa araw pa mismo ng monthsary n'yo." Hindi na napigilang pahayag nito sa kanya. "Second monthsary natin 'yon pero s'ya 'yong kasama mo. Diba nakakapraning 'yon." Dugtong pa nito.
Napangiti naman s'ya, "Yon ba? Eh di nagsiselos ka na ng lagay na 'yan? Huh?" pang-aasar nito sa lalaki.
"Oo! Nagsiselos ako. Nagtatampo rin ako. Alam kong may gusto sa'yo 'yong lalaking 'yon. Eh pa'no kung-"
"Wala kang dapat ipag-alala. Kahit anong mangyari eh sa'yong-sa'yo na ako at sa'yong-sa'yo lang ako. Hindi ko nalimutang monthsary natin noon tinawagan pa nga kita kaso hindi mo nga lang sinagot.."
Hinawakan naman ni Christoper ang kamay n'ya. "Natatakot lang akong mawala ka pa sa'kin." Seryosong pahayag nito sa kanya.
"Hinding-hindi ako mawawala sa'yo. Hanggat nand'yan ka andito lang ako palagi." Seryosong sagot n'ya na nakatitig sa lalaki habang hawak nito ang kamay n'ya.
Dala na rin siguro ng pagkakataon dahan-dahang inilapit ni Christoper ang mukha sa kanya. Bumilis talaga ang tibok ng puso n'ya dahil alam n'ya kung ano ang gagawin nito. Ngunit sa halip na tumutol ay hinayaan n'ya lang.
Malapit na sa mukha n'ya ang mukha nito nang bumukas ang pinto ng conference room. Mabilis s'yang umalpas sa pagkakahawak at itinuon ang mata sa mesa. Habang mabilis namang napatayo si Christoper at tiningnan ang nagbukas ng pinto.
"Oh tito." Gulat na sambit ni Christoper habang kakamot-kamot sa ulo.
"Nakalimutan mo sa office ko 'to." Ani Mr. Agustin at iniabot sa kanya ang cell phone. "Tumatawag si Madam." Dugtong pa nito at pilyong ngingiti-ngiti sa pamangkin.
"Lunch po sir." Nahihiyang alok ni Shane nang sulyapan s'ya noon pero ngiti lang ang itinugon noon sa kanya.
Sabay lang na napabuntong-hininga sila nang makaalis na 'yon sa conference room. Natawa pa sila nang magkatinginan. Tahimik na lang nilang tinapos ang lunch nila.
"Over break na 'to." Maigsing saad ni Shane matapos kumain at sulyapan ang relo.
"Hintayin kita maya." Ani Christoper na nginitian n'ya lang bago tuluyang lumabas ng conference at nagpaiwan na ito doon. Hawak din nito ang rose na ibinigay sa kanya.
To be continued...
BINABASA MO ANG
THE MISSING PIECE
RomanceAno ang handa mong gawin para mapunan ang kakulangang nararamdaman ng iyong puso't isipan?? HIGHEST RANK: #5 out of 1.2k stories under #MISSINGSOMEONE -MhireJed/ItinakdangAsul- CJL