Kinabukasan nagulat na lang s'ya nang makitang bihis na bihis na rin si Christoper. Hindi n'ya ito matingnan ng straight sa mata nang maalala 'yong nangyari kagabi. Napansin n'ya ring maging 'yon eh hindi rin makatingin ng direcho sa kanya.
"Iho, naghanda ako ng breakfast. Kumain muna kayo bago umalis." paalala sa kanila ng titahin noon.
"Aalis din po s'ya?" nagtatakang tanong n'ya at sinulyapan 'yon.
"Oo. Ihahatid ka n'ya. Kaya sabay-sabay na tayong kumain." huling sambit ni Mrs. Anessa na tahimik nilang sinunod.
Tahimik lang sila pareho habang nasa byahe na animo nagkakailangan pa.
"Yhen, 'yong kagabi-"
"Okay na 'yon. Nangyari na 'yon." mabilis n'yang dugtong sa mga sasabihin pa sana Christoper. Pakiramdam n'ya tuloy namula ang mukha n'ya ng maalala 'yon.
"RD ko nga pala bukas. Gusto ko sanang ipasyal mo ako dito sa Cebu, kung okay lang sa'yo. Ibibili ko na kasi ng pasalubong si Thiel para hindi ko na gawin sa huling araw ko dito." pagkuway bago n'ya sa usapan.
"Oo ba! Kahit saan mo pa gusto." mabilis namang sagot nito sa kanya.
"Kung pwede din 'wag mo na sana akong sunduin mamaya at doon mo na lang ako ibaba sa-"
"Ihahatid kita sa hotel mismo at susunduin din kita. 'Wag mo ng isipin ang mga iisipin sa'yo ng mga tao doon. Girlfriend kita at dito sa Cebu hindi kita itatago sa kahit na kanino." putol nito sa mga sasabihin n'ya pa kaya naman nanahimik na lang s'ya at nagpaubaya na lang ulit.
Manila...
Sa panig naman ni Jennifer humugot muna s'ya ng malalim na buntong hininga bago tuluyang pumasok sa bagong University na nilipatan n'ya. Mass Communication ang kurso n'ya at dahil first year pa nga lang at bagong lipat sa University pakiramdam n'ya mag-i-start na naman s'ya from scratch. Sa library na lang n'ya piniling mag-stay at doon n'ya nakilala ang second year Political Science na si ANGELIQUE MONTECLARO. Nagulat pa nga s'ya ng lapitan s'ya noon habang binabasa n'ya ang "Fallen" book. Maganda, mabait, mukhang sosyal at vocal 'yon kaya naman nakasundo n'ya kaagad. 'Yon pa nga mismo ang unang yumaya sa kanya na sabay na silang magtungo sa cafeteria nong breaktime na. Hindi s'ya tumanggi dahil nga first day n'ya she needed a new friend at mukha namang makakasundo n'ya si Angelique.
"No'ng nakita kita sa library kanina na binabasa 'yong Fallen alam kong makakasundo talaga agad kita." ani Angelique habang kumakain na sila. "Sabi mo bagong lipat ka pa lang dito, diba? I can tour you around and would tell you everything about this University, if you want me to." muling pahayag nito na nginitian n'ya at sinagot ng "sure". "Hmmn, excuse me I just have to answer this call." muling sambit nito bilang pagpapaalam na tinanguan n'ya lang.
"Oh best." paunang sambit ni Angelique na sinulyapan n'ya lang at nginitian naman s'ya nito. "Talaga? Andito ako sa cafeteria ngayon. Pumunta na lang kayo dito. I want you to meet a new friend of mine." anito at kinindatan pa s'ya. "Okay sige, bye." paalam nito sa kausap sa phone at muling itinuon ang atensyon sa kanya. "Lagot talaga sa'kin 'tong best friend ko." anito na ngumiti muli sa kanya.
"Thanks for considering me as your new friend." aniya na nginitian naman ni Angelique.
"Wala 'yon. Basta kung may tanong ka lang 'wag kang mahihiyang lumapit sa'kin. And I hope you'll treat me as your new friend as well. Later ipapakilala ko sa'yo ang mga makukulit ko ring kaibigan at ang pasaway kong best friend."
Ngumiti na lang muli s'ya habang nakikinig sa mga kwento ng bagong kaibigan. Di kalauna'y dumating na ang sinasabi nitong friends. Halos mapatda s'ya sa pagkakaupo ng makita n'ya ang isang pamilyar na mukha. Hindi s'ya makapaniwalang nakatitig 'yon sa kanya ng ganun kalapit. Pakiramdam n'ya nasa ulap s'ya nong mga oras na 'yon. Nawala lang ang pakiramdam n'ya nang pingutin ni Angelique ang lalaking 'yon.
"Aray best." react ni Derrick na binitiwan naman kaagad ni Angelique.
"Okay five thousand, five thousand." sambit ng isa sa mga kasama noon. Napilitan namang magbigay ng tig-five thousand ang dalawa pang kasama noon.
"May kasama ka." ani Derrick na sinulyapan na naman s'ya.
"Yup. This is Jennifer my new found friend and soon to be your friend too." sagot naman ni Angelique. "Mamaya kita sasabunin." bulong nito sa lalaki.
Nginitian naman s'ya nang mga 'yon na tinapunan n'ya rin ng ngiti bilang tugon.
"Jen, this is my best friend, Derrick "Pasaway" Aquino. That guy beside him is Dandrev "Pilyo" Carbonel, that one beside him is Marco "Khulit" Andrada and that one is Earl "Bolero" Escudero." pagpapakilala ni Angelique sa mga 'yon na sari-sari naman ang ginawang pagkaway sa kanya.
"Hi! Can I have your number?" pa-cute na saad kaagad ni Earl na nakatanggap ng hampas mula kay Angelique.
"Aray. Amazona talaga 'tong si Angelique." react nito at ibinaling ang tingin kay Derrick. "Derrick oh. Sinasaktan ako nitong bestfriend mo." sumbong nito doon.
"Naku Jennifer 'wag mo na lang pansinin 'tong si Earl. Playboy at bolero lang talaga 'to pero mabait naman." ani Angelique na pasimpleng ngumiti.
Lalo lang s'yang nailang nang maki-share sa table nila ang mga 'yon. Kaharap n'ya kasi si Derrick who happened to be her ultimate crush. Hindi tuloy s'ya makakilos ng maayos lalo na nang mahuli s'ya noong nakatingin na lang doon.
"A-Angelique may aasikasuhin pa pala ako. I have to go." paalam n'ya dito at nagmamadali ng tumayo nang pumayag ito.
"Oh, Marco, wala na nga habol ka pa ng tingin." puna ni Dandrev sa kaibigan nang mapansing nakatuon ang mga mata nito sa palayong si Jennifer.
"Masama bang tumingin?" anito at pilyong ngumiti kay Angelique.
"Pamilyar ang mukha ng new found friend mo. Parang nakita ko na s'ya somewhere. Hindi ko nga lang matandaan kung saan." basag ni Derrick sa pananahimik. "Or maybe kahawig n'ya lang." dugtong nito nang tapunan ni Earl ng makahulugang tingin.
"Isang linggo kang hindi pumasok. Kahit tawag or text wala din. Anong ginawa mo sa buhay mo ng mga panahong 'yon, huh Derrick?" bago ni Angelique sa usapan na ikinatikhim na lang nina Dandrev. Nanahimik na rin ang mga 'yon at dahil nga best friend ni Derrick si Angelique naikwento nito ang ginawa n'ya nong mga panahong 'yon.
To be continued...
BINABASA MO ANG
THE MISSING PIECE
Storie d'amoreAno ang handa mong gawin para mapunan ang kakulangang nararamdaman ng iyong puso't isipan?? HIGHEST RANK: #5 out of 1.2k stories under #MISSINGSOMEONE -MhireJed/ItinakdangAsul- CJL