Cebu...
Si Shane ang naging tampulan ng tukso dahil sa paghahatid ni Christopher sa kanya. Sa kabila noon nanatili lang tikom ang bibig n'ya kapag tinatanong s'ya ng mga kapuwa n'ya empleyado.
Lalo lang naging makulay ang mga sumunod na araw ni Shane sa Cebu. Isang dahilan na noon ay si Christopher. Malaya kasi silang nakakapamasyal ng hindi balisa sa kung sino ang pwedeng makakita sa kanila. Sa kabila ng saya hindi maiwasang bagabagin s'ya ng malalabong panaginip na nagiging malimit na n'yang mapanaginipan. Gustuhin n'ya mang banggitin sa usapan nila ni Christopher ang tungkol kay Jojo at sa mga panaginip n'ya ay nag-aalangan s'ya. Kaya sa halip na ikwento doon ay mas pinili n'yang isantabi ang mga panaginip na 'yon kapag kasama n'ya ang lalaki.
Malaki ang Cebu at ilan sa magagandang spot noon lang ang napuntahan nila. Maigsi lang kasi ang panahon kaya hindi nila napasyalan lahat pero sapat na 'yong mga napasyalan nilang 'yon. Kaya naman nong humiling 'yong mag-extend muna sila doon kahit dalawang araw lang ay pumayag s'ya. Lahat naman ng pinuntahan nila ay may remembrance na photo sa camera at phone ni Christoper. Ang kahuli-hulihan nilang ginawa ay ipagbake ng cake si Mrs. Anessa.
Sa terrace tahimik na nakatanaw si Shane at sa ganong ayos s'ya naabutan ni Christoper. Malamig nong gabing 'yon at wala s'yang suot na jacket kaya't nagkasya na lang s'ya sa paghalukipkip. Naramdaman na lang n'yang mula sa likuran ay may nagsuot sa kanya ng jacket at yumakap sa kanya.
"Diba sabi ko naman sa'yo magja-jacket ka kung tatambay ka dito." ani Christoper habang yakap s'ya. "Natuwa si tita sa cake na bake natin para sa kanya. Parang ayaw na nga n'yang umalis tayo dito."
"Kahit ako din naman ayoko na sanang umalis dito. Pero hindi naman pwede. Kailangan nating bumalik sa totoong buhay sa Manila." aniya. "Ayokong mag-isip ka ng iba sa mga sasabihin ko sa'yo dahil kahit anong mangyari sa'yong-sayo lang ako. Gusto kong ipanatag mo ang isip at puso." muling pahayag n'ya.
"Ano ba 'yan? Pinakakaba mo ako." anito saka umalis sa pagkakayakap at tumabi sa kanya.
"Simula nong makilala kita hanggang sa maging tayo wala kang nababanggit tungkol kay Jojo. Kung nagkita na ba kayo o nagkausap man lang at kung nalaman mo na ba 'yong malaking kasalanang nagawa n'ya sa'yo at kung napatawad mo na ba s'ya." aniya na ikinatahimik naman ng lalaki pero pansamantala lang 'yon. Alam na kasi n'ya kung ano 'yong npakalaking kasalanan na tinutukoy ni Jojo.
"Namimiss mo s'ya?" ito na lang ang tanging naisipang itanong ni Christopher dahil hindi naman nito alam kung paano magri-react sa mga sinabi n'ya.
"Hindi sa ganun. Gusto ko lang malaman kung okay na ba kayo? Kasi nakapagdisisyon na akong aminin kay Thiel lahat ng tungkol sa'tin. Kapag ginawa ko 'yon gusto kong ipaalam na rin natin kay Jojo ang tungkol sa'tin. Hindi lang sa kanya pati na rin sa step-I mean sa mommy n'ya." aniya na lalo lang ikinatahimik nito. "Gusto ko na rin kasing makausap si Jojo. Naghiwalay kaming may galit ako sa kanya at hindi kami nagkausap ng maayos. Gusto ko s'yang makausap hindi dahil namimiss ko s'ya kundi dahil gusto ko ring malaman 'yong mga bagay-bagay na pwede n'ya pang maalala nong kabataan ko."
Nanatiling tahimik lang si Christopher sa sinabi n'yang 'yon. "Naiintidihan mo naman ako diba? Gusto ko s'yang makita dahil alam kong kahit paano may nalalaman pa rin s'ya tungkol sa pagkabata ko. 'Yong mga nakalimutan ko. Gusto ko kasing maalala lahat eh at s'ya lang ang pwedeng makatulong sa'kin."
"Kung anumang nakalimutan ng isipan mo sigurado akong matatandaan 'yan ng puso mo. Hindi nakakalimot ang puso. Kaya 'wag mo na s'yang hintayin. Ako. Tutulungan kitang maalala 'yon. Ako na lang ang tutulong sa'yo." sa wakas ay sambit ni Christopher.
"Nagsiselos ka pa rin sa kanya. Sabi ko naman sa'yo na sa'yo lang ako. Sa'yong-sayo lang ako." ani Shane at saka nagpasya. "Kalimutan mo na nga lang 'yong mga sinabi ko. Ayokong makita kang nalulungkot at nagsiselos. Pumapangit ka." birong sambit n'ya. "Ngumiti ka na d'yan." dagdag n'ya.
Sa halip na ngiti ay yakap ang iginawad ni Christopher sa kanya. Hindi n'ya inasahan 'yon pero hinayaan n'ya lang 'yon. Pakiwari n'ya kasi nasaktan at napagselos n'ya ng hindi sinasadya ang lalaki nang banggitin n'ya si Jojo sa usapan.
"Shane Xheiyh. Yhen ko." sambit ni Christopher habang nakayakap sa kanya.
"Gusto ko namang maalala mo na lahat kung may maaalala ka pa pero ayokong si Jojo ang tumulong sa'yo. Ako na lang ang pagkatiwalaan mo. Hayaan mong ako ang gumawa noon para sa'yo." anito na tinanguan n'ya lang tanda ng pagsang-ayon.
"Hindi ko alam kung paano mo gagawin 'yon pero sige ikaw na lang ang aasahan ko. I love you." aniya at umalis na sa pagkakayakap nito.
"I love you even more." sagot naman nito sa kanya at dinampian s'ya ng halik sa ulo.
"Ako lang ang makapagpapaalala sa'yo noon dahil ako ang bahagi ng nakaraang nakalimutan mo." piping usal ng isipan ni Christoper.
To be continued...
BINABASA MO ANG
THE MISSING PIECE
RomantikAno ang handa mong gawin para mapunan ang kakulangang nararamdaman ng iyong puso't isipan?? HIGHEST RANK: #5 out of 1.2k stories under #MISSINGSOMEONE -MhireJed/ItinakdangAsul- CJL