TMP 44 #LadyZAndDandrev

604 13 0
                                    

Samantalang...

Hindi pa rin mapakali si Derrick sa loob ng kotse. Kaya nga mas pinili n'yang magpahatid sa driver dahil nga baka maaksidente pa s'ya kung s'ya pa ang magda-drive gayong punong-puno ng isipin ang utak n'ya. Hindi n'ya pa kasi malimutan ang pinag-usapan nila ni Angelique isang linggo na ang nakakaraan.

@@@

"Mabuti pa nong magbestfriend pa lang tayo kasi kahit hindi kita sinasabihan palagi mo akong tinitext at tinatawagan. Pero nong naging girlfriend mo na ako kulang nalang ipaalala ko sa'yo kung anong meron tayo." ni Angelique sa gitna ng pananahimik n'ya habang nasa park silang dalawa. "Mahal mo ba talaga ako bilang girl friend mo o bilang best friend mo?"

Halos may kung anong bumara sa lalamunan n'ya sa tanong na 'yon ni Angelique sa kanya. "Ano bang klaseng tanong 'yan? Sorry kung hindi kita palaging naiitext o natatawagan. Diba nga sabi ko sa'yo bigla na lang nag-disappear 'yong phone ko."

"Sabi mo sa'kin noon, picture lang ni Tita Anessa at ng espesyal na babae sa buhay mo ang gusto mong i-save sa phone mo, diba?" tumango s'ya. "Picture lang ba ni Tita Anessa at sa'kin ang naka-save doon?" tanong nito sa kanyang muli.

"Bakit mo na naman naitanong 'yan? Diba nga sabi ko sa'yo bukod sa picture ni mama ang picture lang ng babaeng espesyal at mahalaga sa'kin ang pwede kong isave sa phone ko." aniya na animo talagang nanunuyo na ang lalamunan ng maalalang may isa pang picture ng babae ang nakasave sa phone n'ya.

"Bukod kay Tita Anessa, ako lang ba ang tinatawagan at itinitext mo, huh, Derrick?" tanong nitong muli sa kanya. Nahihiwagaan na s'ya sa mga tanong nito pero mas pinili na lang n'ya ang manahimik. "Ibang-iba ang mahal sa mahalaga lang. Sino ba ako dun? 'Yong mahal mo dahil nga mahal mo o 'yon mahalaga lang dahil kaibigan mo?" muling pagpapatuloy nito. He got even so astonish on Angelique's question.

"Angel ano bang—" hindi na n'ya naituloy ang sasabihin pa nang iabot ni nito sa kanya ang cellphone na halos tatlong araw ng nawawala.

"Puros stolen shots n'ya ang nakasave sa phone mo, Derrick!" bulalas nito sa kanya. "You started texting her. Masakit malaman na nagtitext din s'ya sa'yo pero mas masakit kasi 'yong laman ng sent items kesa sa inbox." anitong muli at lalo lang lumalam ang reaksyon.

"Angel, let me explain." tanging sambit n'ya. Kailangan n'ya talagang magpaliwanag dahil nga hindi n'ya inexpect na mararamdaman n'ya 'yong nararamdaman n'ya ngayon.

"Ano bang role ko sa'yo? Best friend, girl friend o volcasil?" tahasang tanong nito sa kanya. "When Dandrev told me that you really liked me more than just a best friend hindi ako naniwala. Then you confessed and told me that you really like me. I thought of rejecting you when you asked me to be your girl. Pero naisip ko kasi noon wala naman sigurong masama kung lalagpasan natin 'yong level of friendship kaya mas pinili ko na rin ang sagutin ka." anitong muli saka n'ya napansin na may pinahid itong tubig sa mukha. Narealize n'yang umiiyak na ito. Sinubukan n'yang magsalita pero hindi s'ya binigyan noon ng pagkakataon. "Sana nakinig ako kay Marco nong sinabi n'ya sa'kin na marami at malaki na ang nagbago sa'yo hindi sana tayo umabot sa ganito." anitong muli.

"Angelique makinig ka muna sa'kin ma—" bitin na naman ang mga sasabihin n'ya dahil dito.

"Akala ko noon hindi ako maiinlove pero minahal kita eh more than just a bestfriend. Kaya nga Derrick, nakapagdecide na ako na hanggang dito na lang tayo. She's a good friend of mine at halos itinuring ko na s'yang nakababatang kapatid pero ayoko ng magamit pa. Masakit kasi 'yon eh. So let's end it today."

THE MISSING PIECETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon