Sa harap ng piano sa loob ng Music Hall ng University na pinapasukan ni Jennifer nakatuon ang atensyon n'ya. Hindi n'ya tuloy napansing may luha ng pumapatak sa mga mata n'ya habang nagpi-play s'ya ng piano. Naging malapit na kasi s'ya kay Angelique na halos younger sister na ang turing sa kanya.
Naging malapit na rin s'ya kina Marco at ito na rin mismo ang nagsabi sa kanya na matagal ng in love si Derrick kay Angelique. Crush n'ya lang naman talaga si Derrick pero hindi n'ya mapigilang masaktan sa hindi n'ya malamang dahilan. Then narealize na lang n'ya ang ibig sabihin ng pain na nararamdaman n'ya ng minsang makita n'ya 'yong nakatitig na lang kay Angelique. Hindi n'ya sinadyang mahalin 'yon pero ano bang magagawa n'ya eh doon tumibok ang puso n'ya. Naputol ang pag-play n'ya ng piano ng abutan s'ya ng panyo ni Angelique na hindi n'ya namalayan kung kelan pa naroroon.
"Umiiyak ka? Bakit?" nag-aalalang usisa nito sa kanya. Saka n'ya lang napagtantong may luha na s'ya sa pisngi.
"Kanina pa kita pinapanood but when I notice na umiiyak ka na eh nilapitan na kita." anito habang tinitingnan s'yang magpahid ng luha.
"You're playing a very sad song. 'Yon ba ang dahilan kung bakit ka umiiyak or broken hearted ka lang?" usisa pa nito.
Todo deny naman s'ya dito saka itinuloy ang pagplay ng piano na sinaliwan n'ya ng kanta.
"Di ko kayang mag-isa kung wala ka. Kay hirap isiping ika'y hindi na sa'kin, kasalanan ko ba kung ika'y mahal pa kahit sarili'y pilitin 'di ka pa kayang limutin, mahal.." palakpak ang nakapagpatigil sa kanya sa pagkanta.
"Sabi ko sa'yo Drev eh, magaling talagang kumanta 'yang si Jen. Diba Angel, diba, diba?" makulit na saad ni Earl matapos pumalakpak.
Nakangiti na lang naman si Derrick habang nakatuon ang mata kay Angelique. Nakaramdam na naman tuloy s'ya ng sakit ng makita 'yon.
"Sabi ko hintayin na lang ako sa cafeteria eh." reklamo naman ni Angelique.
"Kulit nitong si Derrick eh. Sabi kasi-" putol na sambit ni Marco ng sikuhin ito ni Derrick. "Halika na kayo sa cafeteria." sa halip ay napilitang dugtong nito sa mga sasabihin.
"Umiyak ka ba?" puna ni Dandrev sa kanya nang mapansin ang mga mata n'ya. Todo tanggi na naman s'ya.
Mula ng maging kaibigan n'ya ang mga 'yon aminado naman s'yang naging masaya s'ya sa University dahil sa mga 'yon. Pero kalakip naman noon nasasaktan s'ya dahil lihim nga s'yang in love sa lalaking in love naman sa iba. Ouch!
-------------------------------------
Ordinaryong araw para kay Shane pero natigilan s'ya nang makita si Mrs. Alicia na nakatingin sa kanya. Nasa hotel na pinagtatrabahuhan n'ya ito at halatang masama ang tinging ipinukol nito sa kanya. Inalis lang nito ang tingin nang makita n'ya. Hindi n'ya maipaliwanag pero may naramdaman s'yang mali sa tingin nito sa kanya. Kasunod noo'y dumating naman ang isang sikat na aktres na si Elaiza kasama ang ilang mga press. Napansin n'yang sinulyapan s'ya noon at nginitian na hindi n'ya inasahan.
"OMG. Totoo nga pala 'yong chismax na darating 'yang si Ms. Elaiza to endorse this hotel. Akala ko talaga drawing lang eh." wika ng isa n'yang katrabaho. "Ang ganda-ganda n'ya talaga. Nakita mo ba 'yon girl? Nginitian n'ya pa tayo." dagdag pa nito.
Saka n'ya lang nalamang endorser na pala ng hotel na pinagtatrabahuhan n'ya si Elaiza. Kaya pala naroroon ang mama ni Jojo dahil ito mismo ang nagsuggest kay Mr. Agustin na gawing endorser si Elaiza. 'Yon din lang kasi ang muli nilang pagkikita na hindi man lang s'ya nginitian ng mama ng ex-fiancee n'ya. Hindi n'ya na rin namalayang umalis 'yon samantalang si Elaiza naman ay kinausap s'ya bago tuluyang umalis.
BINABASA MO ANG
THE MISSING PIECE
RomanceAno ang handa mong gawin para mapunan ang kakulangang nararamdaman ng iyong puso't isipan?? HIGHEST RANK: #5 out of 1.2k stories under #MISSINGSOMEONE -MhireJed/ItinakdangAsul- CJL