Nagulat na lang si Merthiel nang maabutan sa loob ng inuupahang bahay sina Christoper at Shane. Sabi na nga ba't pamilyar sa kanya ang kotseng nakaparada sa labas. Magwawalang bahala na lang sana s'ya sa nakita pero masama ang kutob n'ya lalo na ng hawakan ni Shane ang kamay ni Christopher.
"Anong ibig sabihin nito Shane?" hindi n'ya napigilang usisa nito sa kanya. "Anong ginagawa mo dito?" baling nito sa lalaki.
"Thiel, may dapat kang malaman tungkol sa'min." lakas loob na sagot ni Shane.
"Ano? Tungkol saan? Tungkol sa inyo? Bakit ano bang hindi ko alam bukod sa inabutan ko kayo ditong dalawa at hawak mo ang kamay n'ya?" sarcastic ang tono ng boses ni Merthiel ng sagutin s'ya.
"Ayoko ng itago o ilihim pa ito sa'yo ng matagal kaya nagpasya na akong sabihin sa'yo ang relasyon namin ni Christoper. Thiel, alam kong mali na pinaglihiman kita pero alam kong tutol ka sa kanya kaya pinili ko 'yon. Pero ayoko ng maglihim pa kaya sinasabi ko 'to sayo ngayon." bunyag n'ya.
"So kayo na pala? Kelan pa? Gaano mo na 'ko katagal na niloloko, Shane?" disappointed na tanong sa kanya ng kaibigan.
Tiningnan muna naman ni Shane si Christopher bago tuluyang sagutin ang kaibigan.
"Simula nong gabing niyaya akong lumabas ni Richmond, that same night Chris and I has been secretly seeing each other. Later on sinagot ko s'ya without telling you. Ayoko kasing madisappoint ka dahil hindi ko sinunod ang payo mo. Pero believe me hindi ko naman talaga-"
"So ganun na katagal, Shane? Ganun na rin katagal na mukha akong tanga. 'Yon ba 'yon Shane?"
"Hindi sa ganun Thiel. I was just-"
"No! Ganun 'yon Shane. Tinanong kita, remember? Tinanong kita kong nagkikita kayo pero nag-deny ka. Ayon 'yong masakit na part doon eh-'yong nagsinungaling ka." halos halata ang galit sa mukha ni Merthiel sa nalaman.
"Ano pa nga bang magagawa ko kung talagang kayo na. Looks like hindi mo naman na kailangan pa ng side ko tungkol d'yan. Sige magpapahinga na ako. Lalo akong napagod eh." anito at tuluyan ng pumasok ng kwarto at iniwan sila sa sala.
Kilala ni Shane ang kaibigan at alam n'ya na hindi nito nagustuhan ang nalaman. Nasasaktan s'ya syempre dahil alam n'yang ganun din ang nararamdaman ng kaibigan n'yang mula pa nong naka-comma s'ya ay kasama na n'ya.
"Sinunod ko ang gusto mong manahimik ako pero sa susunod ako naman ang magpapaliwanag sa kanya." ani Christoper at pinisil ang kamay n'ya. Pero mas pinili n'yang paalisin na muna 'yon sa inuupahang bahay at ipaubaya na sa kanya ang mga gagawin. Tutol man 'yon sa plano n'ya ay napasunod n'ya rin di kalaunan.
Hindi naging maganda ang environment sa pagitan nilang magkaibagan nang mga sumunod pang araw. Ramdam n'ya kasing malaki ang tampo sa kanya ng kaibigan kahit pa umiimik 'yon sa kanya. Maging ang mga katrabaho nila napansin ang malamig na pakikitungo nito sa kanya.
"Merthiel!" sambit n'ya sa nakahigang kaibigan pero bumangon 'yon at nagtangkang iwanan s'ya sa kwarto nila. "Wag ka namang ganyan oh. Kung galit ka sa'kin ipakita mo. Hindi 'yong ganito na iniiwasan mo ako."
"Kapag galit ang tao eh hindi mo talaga 'yon makakusap ng matino." sagot naman ni Merthiel sa tinuran n'ya at iniwan na s'ya sa kwarto.
"Ang hiling ko lang naman sa'yo eh kilalanin mo muna 'yong tao bago mo s'ya tutulan ng sobra. Kung susubukan mo lang na-"
"Ayon na nga eh. Dapat kinilala mo rin muna s'ya. Tiningnan lahat ng possibilities na pwede ka rin n'yang saktan at lokohin. Shane hindi sila blood related ni Jojo pero magkapatid pa rin sila kahit paano. Iniwanan ka ni Jojo hindi mo ba naisip na pwede n'ya ring gawin 'yon sa'yo." napataas ang boses ni Merthiel.
"Merthiel." gulat na tanging sambit n'ya.
"Paano ka nakakasigurong mahal ka nga n'ya? Na hindi ka n'ya niloloko at hindi ka rin iiwanan? Kilala mo na ba s'yang talaga bukod sa fact na stepbro s'ya ni Jojo?"
"Merthiel, hindi ko nalilimutan 'yong pagiging magkapatid nila. Pero magkaiba sila. Hindi na kita pipilitin pa kung ayaw mo talaga sa kanya. Ang sa akin lang ipinagtapat ko na sa'yo lahat. Sorry kung hindi kita sinunod. Nagmahal ako at nagkataon nga lang na stepbrother 'yon nang ex-fiancee ko." aniya at hinayaan na 'yon na tingnan lang s'ya.
"Sana nga lang iwasan mo ng magtanim ng sama ng loob at galit dahil hindi lang ako sanay na nakikita kang tahimik, seryoso at malungkot." huling pahayag na n'ya.
Mas pinili na lang naman ni Merthiel ang umalis dahil ayaw na n'yang may masabi pa kay Shane na makakasakit lang. Nahihirapan s'yang tinitiis ang kaibigan pero takot na lang s'yang makitang masaktan ulit 'yon. Sigurado s'ya na kahit ano pang pilit iiwas ni Christoper sa sakit ang kaibigan eh masasakta't masasaktan pa rin 'yon. Ngunit sa pagkakataong 'yon ano pa nga bang magagawa n'ya eh kitang-kita n'ya sa mata ng kaibigan kung gaano nito kamahal ang lalaki. Nakapagdisisyon na s'ya sa isang bagay.
Coffee Shop...
Dinatnan si Merthiel ni Christoper na naghihintay sa coffee shop malapit lang sa building na pag-aari ng mga Aquino. Nasa pinakadulong table s'ya ngunit madali naman s'yang nakita nito.
"Kanina ka pa?" tanong ni Christoper sa kanya.
"Wag kang umastang close tayo. Pumunta ako dito para humiling sa'yo sa huling pagkakataon. Iwasan mo ang kaibigan ko dahil habang kasama mo s'ya masasakta't masasaktan lang s'ya." direchahang saad n'ya nang makaupo 'yon.
"Hindi ko magagawa 'yan Merthiel. Kung masasaktan ko s'ya ako rin lang ang makapag-alis noon. Kung kinakailangan patunayan ko sa'yo na mahal na mahal ko ang kaibigan mo gagawin ko 'yon. Bigyan mo nga lang ako ng chance na gawin 'yon."
"Christopher Aquino, 'yong chance na hinihingi mo hindi ko maibibigay sa'yo. Ngayon kung ayaw mo talagang lumayo sa kanya ako na ang gagawa ng paraan para s'ya ang lumayo sa'yo. Sasabihin ko na sa kanya ang naging plano mo at ang tungkol kay Jojo." banta n'ya dito.
"Naiintindihan ko kung gaano mo gustong protektahan ang kaibigan mo pero kung gagawin mo 'yong plano mo diba mas masasaktan s'yang malaman na matagal mo na rin alam at naglihim ka rin sa kanya."
Natigilan s'yang pansamantala pero nakabawi rin naman kaagad. "Wala akong balak na saktan ang kaibigan mo basta't hintayin mo lang na ako ang magsabi sa kanya ng lahat. Mas nasasaktan s'ya dahil sa sobra mong pagprotekta sa kanya"
"Bakit sa palagay mo ba kapag ikaw ang nagsabi sa kanya hindi mo s'ya masasaktan?" sarkastikang tanong n'ya doon.
"Patay na si Jojo pero paulit-ulit kang nagsisinungaling sa kanya sa kinaroroonan nito. Diba mas masakit 'yon? Mas masakit din 'yong lumapit ka lang naman talaga sa kanya dahil gusto mo lang maghiganti sa kasalanang ibinintang sa kanya na pinaniwalaan mo naman."
"Malaki 'yong kasalan ko pero maiintindihan mo ang lahat kung kikilalanin mo lang ako. Kung sino nga ba talaga ako sa buhay ng kaibigan mo." makahulugang pahayag n'ya. "Merthiel paano mo malalamang maganda at totoo ang intensyon ko sa kanya kung hindi mo ako pagbibigyan ng pagkakataong patunayan 'yon?"
"Chance is only given to those who deserve it at pagkatapos ng mga nalaman ko I'm sure you don't deserve to be given one." ani Merthiel. "You've made your decision and I already made mine." dugtong n'ya at nagpasya ng iwanan si Christopher doon.
"You just have to give me a chance." tanging sambit ni Christopher na malinaw n'yang narinig pero ipinagsawalang bahala n'ya na lang.
To be continued...
BINABASA MO ANG
THE MISSING PIECE
RomanceAno ang handa mong gawin para mapunan ang kakulangang nararamdaman ng iyong puso't isipan?? HIGHEST RANK: #5 out of 1.2k stories under #MISSINGSOMEONE -MhireJed/ItinakdangAsul- CJL