TMP 41 #Luke?

1.3K 23 0
                                    

Pakiramdam ni Shane kinukurot ang puso n'ya habang pinagmamasdan ang walang malay na si Christoper. May benda ang ulo nito, ganun din ang mga katawan at bakas ang labis na disgrasyang natamo mula sa pagligtas sa kanya. Kasabay ng lihim at tahimik na pagpatak ng luha n'ya ang mga alaalang kumukurot ng dahan-dahan sa puso n'ya.

"Paano kung hindi naman talaga s'ya 'yong nagligtas sa'yo? Paano kung ibang tao pala yon?"

"Naku ako lang ang gumagawa ng deformated na cookies. Pagpasensyahan n'yo na 'yan. Hindi ko lang talaga maperfect ang shape n'yan pro masarap 'yan believe me."

"Sige hanggat hindi pa kami nagkikita ako na muna ang tutulong sa'yo."

"Pasensya ka na huh. Ako lang talaga ang gumagawa ng deformated cookies. Hindi ko talaga maperfect ang shape ng cookies na 'yan. Pero maniwala ka, masarap 'yan."

"18 years ago ganitong relo ang pinakang sikat gamitin ng mga batang masasabing may kaya sa buhay. This was given to me by someone so close to me." Bumuntong hininga muna si Christopher bago nagpatuloy. "Look at the color of this watch, it fades along with time. Nabasag ang screen nito because of some reasons pero naipaayos ko rin naman. The time stops at the moment we got separated at hindi ko na pinalitan pa ng baterya. Bakit? Dahil gusto kong maalala that she's all that I have 18 years ago. Kaso kalakip ng relo na 'to 'yong painful memories of our separation."

"You don't need to say sorry. Ang mahalaga nasa'kin pa rin 'to."

"Isa lang kasi ang ibig sabihin noon. kapag nagkita kami nong batang 'yon maaalala n'ya ako at 'yong mga bagay na mayroon sa relong ito."

"Yhen ko. Yhen ko. I love you, Yhen ko. Mahal na mahal kita."

"Yhen, diba nga nangako tayo. Kung nagi-guilty ka dahil iniisip mong naging unfair ka, isipin mo na lang ako, please oh. 'Wag mo namang gawin 'to sa'kin oh. Please."

"Hindi pwede! Hindi maaari. 'Wag namang ganito oh. 'Wag mo namang gawin 'to Yhen ko. Marami ka pang dapat malaman."

Paulit-ulit na lang n'yang naririnig sa isip ang mga binitiwang kataga na 'yon ni Christoper. Pinipilit n'yang hindi umiyak habang hawak ang kamay ng lalaki pero hindi n'ya mapigilan ang sarili.

"Sorry dahil nandyan ka ngayon ng dahil sa'kin. Sorry dahil hindi agad kita nakilala't naalala. Sorry dahil ipinagtabuyan kita, tinalikuran at iniwan. Sorry dahil nasaktan na naman kita." aniya na hinayaan ng pumatak ang mga luha.

"Nakikinig ka ba d'yan? Hindi na ako lalayo. Hindi na rin kita iiwan at ipagtatabuyan gumising ka lang. Mahal na mahal kita. Sobra." muling sambit n'ya at hinalikan ang pisngi nito.

"Yhen ko, gumising ka na please. Pakiramdam ko tinotorture ako habang nakikita kang ganyan eh. Please. Wake up." bulong n'ya sa tenga nito at saka tahimik na lang na pinagmasdan ito.

Nagpasya na s'yang iwan muna 'yon nang dumating na si Derrick. Plano n'ya kasing magpa-discharge na bukas para mas makapaglaan ng oras kay Christopher.

"Oh ayan kuya, siguro naman gigising ka na n'yan. Dinalaw ka na ng-" putol na sambit ni Derrick nang mapansing gumalaw ang kanang palasingsingang daliri ni Christopher.

"Ganyan mo ba talaga s'ya kamahal? 'Yong kahit parang natutulog ka lang 'yong prisensya n'ya lang okay na okay na sa'yo. 'Yan ba ang true love kuya?" anito at napapangiting pinagmasdan lang ang pinsan.

"Nga pala. Simula bukas si mama na ang magbabantay sa'yo dito. Tinake-over muna ni Madam ang pamamahala sa naiwan mong obligasyon. Pero mabuti na rin 'yon kung si mama ang magbabantay sa'yo kasi ibig sabihin noon malimit ka ng mabibisita dito ni Ate Shane. Kaya gumising ka na." huling sambit nito.

THE MISSING PIECETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon