Ginawa nga ni Christoper ang plano. Ipinakita n'ya kung gaano s'ya kaapektado sa break up nila ni Shane. Palagi s'yang nadadatnan ni Mrs. Alicia na lasing at walang ibang ginawa kundi ang ibunton ang sisi dito.
Tatlong linggo na s'yang ganun. Ganun na rin katagal ang hindi nila pagkikita ni Shane. Ganun na rin katagal ang hindi pagdalaw ni Shane sa orphanage sa halip ay nagkukulong lang ito sa inuupahang bahay. Nagigiging effective nga ang plano nila. Dumadalaw din si Richmond kay Shane bagay na kinaiinggitan ni Christoper. Pero kailangan n'ya 'yong tiisin para sa babae.
Nalaman din ng donya ang muling pagkakalapit nina Shane at Richmond at ang pag-i-stay nito sa RAC Domicile Hotel. Nag-i-enjoy ito sa mga nangyayari habang sila nahihirapan.
"Richmond?" ani Mrs. Alicia ng makasalubong si Richmond sa lobby ng Hotel. Tiningnan n'ya lang 'yon. Iiwasan n'ya pa sana pero muli itong nagsalita. "I want to talk to you." anito na pinaunlakan n'ya. Sa restaurant ng hotel sila tumuloy.
"I heard you're meeting with Shane again. Are you by chance-" anito na hindi na n'ya hinayaang maituloy pa ang sasabihin.
"She's just my friend. Wala kayong dapat na isipin pang iba maliban dun." aniya na seryosong nakatingin dito.
"Friend?" tatango-tango pang saad nito. "I would like to make a suggestion. Why not court her again kasi balita ko break na sila ng anak ko. Siguro oras na para dalhin sa mas mataas na status ang friendship n'yong dalawa." malumanay na saad nito.
"Suggestion n'yo 'yan?" aniya at ngumisi na animo'y iniinsulto ang kaharap.
"Sabi sa'kin ni Elaiza dati na nong una nilapitan n'ya lang ako kasi nga ni-request mo. Kasi gusto mong hindi matuon ang atensyon ko kay Shane. Tapos ngayon sinasabi mo namang i-level up namin ang friendship na namamagitan sa'min." aniya na halatang pansamantalang nakapagpatahimik dito.
"Kung wala naman hu kayong magandang sasabihin then I'll excuse my self." aniya at iniwan na lang 'yon.
"Ikaw kung magpapakamartir ka." pahabol na saad nito habang lumalayo s'ya. Tiim bagang na lang s'yang nagpatuloy sa paglakad.
Nasa loob na s'ya ng suite nang makatanggap ng tawag kay Jessica.
"Hello?" aniya.
"Ngayon na. Papupuntahin ko si Shane sa Hotel. Kailangan ng gawin ang iskandalo." ani Jessica.
"Okay." pagsang-ayon n'ya.
Kabado na ang lahat sa gagawin nila pero handa naman sila. 'Yon nga lang hindi maiwasang kabahan at mag-alala. Samantalang gamit ang ibang number tumawag naman si Jessica ng isang reporter na magko-cover ng mangyayari sa hotel na 'yon. Magmamasid lang s'ya pero hindi magpapakita. Sisiguraduhin n'ya lang magiging smooth ang gagawin nila Christoper.
Nakarating naman na si Shane sa hotel kung saan sinalubong pa s'ya ni Richmond. Tumuloy sila sa may lobby kung saan malapit ang restaurant ng hotel. Hindi nila mapigilang huminga ng malalim habang hinihintay ang tamang oras.
Palabas na naman ang kotseng sinasakyan ni Mrs. Alicia ng makasalubong ang kotse ni Christoper. Hindi nito 'yon napansin dahil nakatungo ito at may kinukuha sa bag.
"Kinakabahan ako." mahinang sambit ni Shane.
"Wag kang kabahan pagkatapos nito magiging okay din ang lahat. Isipin mo lang ang papa mo." pagpapakalma naman ni Richmond sa kanya.
"Bakit ang tagal ni Christoper? Pakiramdam ko lalong bumabagal ang oras eh." aniya.
"Padating na 'yon. Basta kapag nandito na s'ya lumayo ka para hindi ka makunan ng camera. Ayokong madamay ka. Kung ma-he-headline man ang magiging clamour ngayon gusto ko kaming dalawa na lang 'yon." mahinang sambit nito sa kanya na tinanguan na lang n'ya ng simple. Hanggang ngayon iniisip pa rin nito ang makakabuti para sa kanya.
BINABASA MO ANG
THE MISSING PIECE
RomanceAno ang handa mong gawin para mapunan ang kakulangang nararamdaman ng iyong puso't isipan?? HIGHEST RANK: #5 out of 1.2k stories under #MISSINGSOMEONE -MhireJed/ItinakdangAsul- CJL