TMP 51 #Elaiza'sDecision

548 14 0
                                    

***Elaiza

"Sigurado ka bang magpapahinga ka muna sa showbiz? Hindi naman kasi lahat ng endorsement mo eh nagback-out. May mga offers pa rin mula sa malalaking kompanya. May naka-line up ka pa ring movie." saad ng manager ni Elaiza habang pinagmamasdan s'yang inaayos ang bagahe.

"The endorsement, the movie and everything-pinangarap ko lang 'yon dati and nakamit ko na 'yon. Unfortunately, 'yong pinakamahalagang pangarap pala ang natake for granted ko. This time, I'm sure I'll be fine away from the showbiz for some time." sagot n'ya.

"If ever na pagbalik ko may mga offers pa din then that'll be good." dugtong n'ya.

"Elaiza." tanging sambit ng manager n'ya na nginitian na lang n'ya.

"Mamzy, I'll be fine. Okay?" aniya. "I may not be over him yet but at least ngayon narealize ko na dapat ko ng tanggapin na hindi naman talaga s'ya para sa'kin. Kaya ibigay mo na sa'kin 'to. I need time for myself, alone." aniya at may iniabot dito.

"I might not be needing this anymore. Maybe you could help me give this back to him." aniya at iniabot dito ang bracelet na may combination ng pangalan nila ni Richmond (Iczich). Saka naman may kumatod sa pinto.

"I guess ikaw na ang magbabalik n'yan sa kanya." wika ng manager n'ya saka binuksan ang pinto at nakita n'ya si Richmond doon. "Maiwan ko muna kayo." anito at iniwan na sila.

"You're just in time. Take it back." aniya at iniabot dito ang bracelet.

"So aalis ka nga, mag-isa?" anito.

"I need to. Medyo madami-dami rin kasi akong dapat na isipin at gawin mag-isa. 'Yong malayo sa camera and so on." sagot n'ya na pinilit tapunan ito ng ngiti.

"Oh! Take it.' aniya at lalong inilapit ang bracelet dito.

Sa halip na kunin ni Richmond ang bracelet ay hinila s'ya nito palapit at saka niyakap. That was it. She never expected na gagawin nito 'yon. Gumanti na lang s'ya ng yakap dito. Maybe that was the last hug she'll ever do.

"Elaiza, I'm sorry. You know how much I loved you, before. But I never expected na magmamahal ako ng ganito kasobra sa iba. Sinubukan kong ibalik 'yong dati but you see I failed. I'm sorry for hurting you. I'm sorry for breaking your heart. I'm sorry." ani Richmond habang nakayakap sa kanya.

Pinahid n'ya ang luhang pumatak sa pisngi n'ya at umalis sa pagkakayakap nito.

"Ano ka ba? Okay na nga ako, yumakap ka pa d'yan. Syempre hindi magiging madali ang limutin ka at 'yong nararamdaman ko para sa'yo but I need to. Sooner, away from you I'll be over it." lakas loob n'yang salita.

"Oh s'ya hindi na kita maaasikaso. Marami pa akong gagawin. Maya na ang flight ko." aniya at kinuha ang palad nito.

"Goodbye Richmond." aniya at inilagay doon ang bracelet.

Nakuha naman ni Richmond ang ibig n'yang ipahiwatig. Umalis na rin ito na hindi man lang lumingon pa.

"Ganyan nga, don't try to look back. Godbye." mahinang sambit ng isipan n'ya at tuluyan ng pumatak ang luha sa pag-alis ni Richmond sa condo n'ya.

@@@
Flashback

"I want you to marry me. I want you to be my wife." ani Richmond nang dalawin s'ya noon sa condo at tinanggihan n'ya 'yon.

'Yon ang kauna-unahang proposal na ginawa sa kanya nito. Richmond became her secret boyfriend for three years. Hindi n'ya naman inexpect na siseryosohin s'ya nito. For her kasi that time ang relationship nila is for her to have connection in the showbiz industry. Akala n'ya rin kasi it was Christoper who she really love until it was too late for her to realize na noon pa man si Richmond na ang nagmamay-ari ng puso n'ya.

"You're the most beautiful girl I have ever seen and love. I love you, Elaiza." ani Richmond nong first anniversary nilang dalawa. Ngumiti lang naman s'ya.

"I can wait. Kahit gaano pa katagal. Pero bigyan mo lang ako ng chance para doon. Para kasing hindi mo ako boyfriend sa tuwing ikakaila mo ako eh. Mahal mo ba talaga ako?" ani Richmond. That was their first arguement. Nasundan pa 'yon nong hindi man lang n'ya 'yon binisita nong birthday nito.

"Will you be Mrs. Richmond Alonzo?" Nagulat na naman s'ya nang muling magpropose 'yon sa kanya.

That place-the roofdeck of the building was filled with flowers and candle lights. That was really so romantic but she rejected him. That's the last time she ever saw him. The next thing na nangyari may nakilala na 'yong iba sa katauhan ni Shane.

End of Flashback
@@@

"I regret rejecting you but I never regret loving you." huling sambit n'ya nang marinig ang pagpapatakbo ni Richmond ng sasakyan.

To be continued...

THE MISSING PIECETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon