TMP 48 #Fate

687 17 0
                                    


Hindi n'ya maintinihan kung bakit habang naglalakad sila ni Derrick at pinakikinggan ang pangalawang song na piniplay eh bumibilis ang tibok ng puso n'ya.

"Forever" 'yon ang kasalukuyang tinutugtog. Naalala n'ya si Christopher, that was his favourite song which later on became her favourite as well. Naramdaman naman n'yang huminto na si Derrick at dahan-dahang inalis ang pagkaka-abrisyete n'ya.

"Ate, hanggang dito na lang ako." anito sa kanya.

Naguguluhan man ay inihatid na lang n'ya ito ng tingin ng lumayo sa kanya. 'Yong mga paa n'ya sa halip na bumalik sa gazebo eh nagsimula ng maglakad. Clueless 'sya lalo na ng dahan-dahang nagsigalaw ang mga bisita at binigyan s'ya ng daan. Lalo tuloy bumilis ang tibok ng puso n'ya. Pakiramdam n'ya nandito si Christopher. Nakita n'yang nakangiti ang kaibigan n'ya sa kanya, ganun din si Mrs. Anessa na katabi na si Derrick kasama ang mga kaibigan noon. Tuluyan ng s'yang nakalapit sa lugar kung saan naroroon ang nagpi-play ng piano. Disappointed s'ya nang makita ang hindi pamilyar na mukha na s'yang nagpiplay ng piano. Nagpasya na s'yang pumunta sa kinaroroonan ni Mrs. Anessa, pakiramdam n'ya kasi umagaw s'ya ng eksena pero napahinto s'ya.

"It's nice to finally see you again." tinig ng isang lalaki ang nagpahinto at nagpalingon sa kanya sa pinanggalingan noon.

Halos tumalon ang puso n'ya sa pinaghalong saya at pagkabigla. Si Christopher ang nagmamaya-ari ng boses na 'yon. Sinubukan n'yang kurutin ang sarili to check if she's dreaming or not pero nasaktan s'ya. It is true. Kaharap na n'ya ngayon ang lalaking sobra n'yang namimiss. Ngunit hindi n'ya maintindihan sa sarili kung bakit hindi s'ya makaimik gayong gustong-gusto n'ya na itong kumustahin. Nanatili lang na nakatuon ang mga mata n'ya dito at animo nakapatda na s'ya sa kinaroroonan n'ya.

"I Miss You." with so much love and care ang sinabing ito ni Christoper pero nanatili s'yang tahimik.

"Yhen ko." muling usal nito at tuluyan ng nakalapit sa kanya.

Sa halip na magsalita ay niyakap n'ya ito na hindi na n'ya napigilan ang pagpatak ng luha dahil sa pinaghalo-halong emosyon.

"Sobrang sarap nilang panoorin. After some time salamat at nagkita ulit sila." sambit ni Derrick.

"If Tito's watching this scene that would totally be so heartbreaking." usal naman ni Jennifer kasunod ng buntong-hininga habang pinagmamasdan sina Shane. "But I'm happy for her." dugtong nito na nginitian ni Derrick.

"I'm back and I want you back into my life as well." ani Christopher nang makaalis s'ya sa pagkakayakap.

"Yhen, buong-buo na ako ngayon. Kita mo naman nakakalakad na ulit ako. Isa na lang ang gusto kong mabuo 'yon ang ay puso ko." anitong muli habang nakatitig sa kanya at hawak ang kamay n'ya.

"Sino bang maysabi sa'yo na hindi kita tatanggapin kung hindi ka nakakalakad? Wala naman diba? Kahit ano ka pa. Kahit sino ka pa. Nakakalakad man o hindi tatanggapin pa rin kita ng buong-buo dahil mahal na mahal kita." sa wakas ay nagkalakas na s'ya ng loob na magsalita.

Nagpalakpakan ang mga tao sa sinabi n'yang 'yon. Hindi lang 'yon ang gusto n'yang sabihin. Marami rin s'yang mga tanong pero hihintayin n'ya na makapag-usap sila ng personal na silang dalawa lang.

"This party is intended not only because it's my birthday but because of that couple you're seeing right now." ani Mrs. Anessa na nakakuha ng atensyon nila at ng mga bisita.

"They are both so dear to my heart. Kaya I planned on helping them get back together. Thanks to my son's idea dahil finally, nagkita na ulit sila." muling pahayag nito na nginitian s'ya. "I really wished them a happy ever after. Cheers for them." huling pahayag nito na parehong nakapagpangiti sa kanilang dalawa habang hawak ni Christopher ng mahigpit ang kamay n'ya.

Nagpaalam muna sila kay Mrs. Anessa bago sila tuluyang pumunta sa tabi ng dalampasigan. Pakiramdam n'ya nagpiplay 'yong song na "Forever" habang naglalakad silang dalawa. Malayo-layo sila sa pinagdarausan ng party ngunit naririnig pa rin nila ang music na mula doon. Malamig ang simoy ng hangin sa dalampasign ngunit hindi n'ya 'yong masyadong maramdaman dahil suot n'ya ang suit ni Christoper at hawak nito ang kamay n'ya. Marahan lang ang ginagawa nilang paghakbang at ramdam ng paa n'ya ang lamig ng buhangin dahil pareho silang nakatapak ng lalaki. Mas pinili muna nilang mamayani ang katahimikan ng ilang minuto bago tuluyang magbukas ng isang seryosong usapan.

"Patawarin mo ako dahil umalis ako at iniwan kita ng walang paalam." si Christopher na ang nagbukas ng usapan. "Ginawa ko lang 'yon para kompleto akong babalik sa'yo. Gusto ko kasing matanggap mo rin ako bilang ako. 'Yong hindi ka na mahihirapan at magdurusa sa prisensya ko." muing pahayag nito.

Huminto s'ya sa paglalakad at hinarap ito. "Kung meron mang dapat na humingi ng tawad ako 'yon at wala ng iba. I'm so sorry for pushing you away from me, for hurting you, doubting you and for everything that I did to cause you so much pain." aniya. "That day, I should have told you na naalala ko na lahat pero pinili ko munang ilihim unfortunately umalis ka na. Kung sinabi ko sana agad 'yon sa'yo eh di siguro ako 'yong kasama mo habang nagpapagaling ka."

"Naalala mo na?" halos hindi makapaniwalang tanong nito sa kanya.

Tumango s'ya. "Lahat malinaw na sa'kin. Sorry, kasi hindi ko naramdamang ikaw 'yan Christopher. Sorry." kasunod ng sinabi n'ya ay ang pagpatak ng luha n'ya.

Pinahid naman nito ang luha n'ya. "Mula ngayon ayoko ng makikita kang umiiyak. Kung iiyak ka man gusto ko ang dahilan noon eh so much happiness. I love you. I love you so." anito.

"Thank you for coming back. Thank you because you're the missing piece that I'm longing to have. Thank you dahil ikaw 'yan. Ikaw na buong-buo at ikaw na sobrang mahal ko." aniya.

Ngumiti naman si Christoper. "Shane, ang yhen ng buhay ko, salamat din dahil hinintay mo ako. I love you even more. You're the missing piece too that completes my life." anito at niyakap s'yang muli punong-puno ng pagmamahal.

Katulad ng makikinang na bituin sa tala kay ganda nilang pagmasdan. Para din kasi silang bituing kumikinang ng sobra habang magkayakap. Sinulit nilang dalawa ang mga sumuno pang araw habang nagpasya na si Merthiel na mauna na sa Manila kasabay nina Derrick.

To be continued...

THE MISSING PIECETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon