TMP 18 #Merthiel'sMove

750 19 0
                                    

Nag-undertime si Merthiel sa trabaho bagay na ipinagtaka n'ya. Kilala n'ya ang kaibigan hindi ito basta basta nag-a-undertime. Gagawin n'ya lang 'yon kung masama ang pakiramdam pero hindi masama ang pakiramdam nito. Binalot tuloy s'ya ng pagtataka.

Samantalang sa kabilang banda nakatutok na lang ang mata ni Christoper sa cell phone. Tumunog naman ang intercom at sinabing may bisita s'yang nagngangalang Merthiel. Hindi naman s'ya nagdalawang isip na papasukin 'yon. Naalala n'ya lang ang isang bagay nang mapansin n'yang sa pagpasok ni Merthiel ay doon na nakatuon ang mata noon.

"Christoper C. Aquino-President? Akala ko kanina nagkamali ako ng office na pinuntahan pero tama naman since nandito ka. Office of the President pala talaga." Napariin ang bigkas nito sa huling kataga.


"Diba sabi mo kay Shane OIC ka pa lang dahil wala pang proper endorsement na nangyayari dahil hindi mo naabutan si Jojo dito sa Pinas pero bakit nasa office ka mismo ng kapatid n'ya at pangalan mo na ang presidenteng nakasulat?" naghihinalang tanong nito sa kanya.

"Mahabang explanation pero magpapaliwanag ako. Juice? Magpapahanda ako." Bago nito sa usapan at tinawagan ang secretary through intercom.

"Hindi mo kailangang magpaliwanag tungkol d'yan. Isa lang ang gusto kong malaman." Ani Merthiel na nananatiling nakatayo kahit inayayahan na n'ya itong maupo. "Si Jojo ba nasa ibang bansa ba s'yang talaga?" walang kurap na tanong nito sa kanya.

"B-bakit mo natanong 'yan?" magkanda-utal-utal na s'ya sa pagsagot doon.


"Sabi ko na nga ba. Wala s'ya sa ibang bansa diba? Magsabi ka ng totoo dahil kapag nagsinungaling ka pagsisihan mo." Banta nito sa kanya.

"Nasa ibang bansa s'ya, 'yon ang totoo." Paninindigan n'ya.

"Sinungaling ka! Layuan mo ang kaibigan ko dahil kahit kailan hindi ka magiging deserving sa kanya. Kahit ano pang gawin mo at kahit wala na si Jojo hinding-hindi ka magiging worthy ng pagmamahal n'ya." Galit na saad ni Merthiel.

"Merthiel, ano bang ibig mong sabihin?" naguguluhan n'yang tanong.

"Nagmamamaang-maagangan ka pa. Alam ko na ang sikreto mo at ang plano mo. Alam ko na rin kung anong klase kang tao kaya layuan mo ang kaibigan ko. Kung hindi mo s'ya lalayuan sasabihin ko sa kanya ang totoo." Anito.

"Hindi kita maintindihan. Galit ka pa rin ba sa'kin dahil lumabas kaming-"

"Alam kong wala na si Jojo. Alam kong patay na s'ya!" anito na hindi n'ya inasahan at gumulantang sa pagkatao n'ya. "Looks like nagulat kita ng sobra. Oo alam ko na lahat ng plano mo kaya lubayan mo ang kaibigan ko. Tama ng hindi n'ya malaman 'yong totoo kaya 'wag mo akong piliting sabihin 'yon sa kanya."

"Alam mo? Kaya ba galit na galit ka sa'kin? Kaya ba-"

"Dahil alam ko ang plano mo sa kaibigan ko. Kung namatay si Jojo hindi 'yon kasalanan ni Shane. Kaya walang use kung gagantihan mo s'ya. Nagulat ka ba dahil alam ko? Pinaimbistigahan kita. Kaya wala ka ng maitatago pa." pagbubunyag nitong muli sa kanya.

"Noong una aaminin ko balak ko lang s'yang gamitin at gantihan pero maniwala ka sa'kin hindi na 'yon ang rason ko ngayon. Mahal ko ang kaibigan mo. Mahal na mahal ko s'ya na lahat gagawin ko para lang hindi na s'ya masaktan." Pag-amin n'ya.

"Kung totoo ang sinasabi mong mahal mo s'ya pwes 'wag mo na s'yang guluhin pa. Layuan mo s'ya dahil kung hindi mo 'yon gagawin mas masasaktan mo lang s'ya. Layuan mo s'ya katulad ng ginagawa n'yang paglayo sa'yo."

"Pero-"

"Galit ako sa'yo pero nakikiusap pa rin ako sa'yo. Kung talagang mahal mo s'ya lumayo ka sa kanya. Umalis ka sa buhay n'ya." Huling sambit ni Merthiel.

Hindi makapaniwala si Christopher sa lahat ng nangyari. Ngayong alam na ni Merthiel ang totoo paano na s'ya makakalapit pa kay Shane. Tama nga 'yon habang kasama s'ya ng babaeng mahal n'ya masasakta't masasaktan n'ya lang 'yon. Pero ayaw n'yang bitiwan 'yon lalo na't alam n'yang mula pa man noon hindi galit at paghihiganti ang dahilan ng paglalapit nila. Kundi pinagtagpo talaga sila ng tadhana. Handa s'yang masaktan 'wag lang muling mawala sa kanya si Shane. Handa s'ya ngunit nagtatalo ang isip at puso n'ya.



To be continued...

THE MISSING PIECETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon