Natagpuan na lang ni Shane ang sarili na sakay na ng isang malaking barko. Madilim na ang paligid at malamig na hangin ang tanging saksi sa kanya habang nakasandig s'ya sa railings ng barko. Pumayag s'ya sa gusto ng kaibigang lumayo ng kahit ilang araw at subukang makalimot. Ang bilin pa nito sa kanya ay mag-enjoy s'ya and clear her mind at subukang kalimutan ang lahat ng pait at sakit na nararamdaman n'ya pero heto't nalulungkot pa rin s'ya.
Nakatuon ang mga mata n'ya sa isang larawang hawak ng kaliwang kamay habang sa kabila naman ay ang engagement ring nila ni Jojo. Walang luhang mababanaag sa kanya pero ang puso n'ya ganun pa rin, umiiyak pa rin. Sinubukan n'yang tumingin sa paligid saka n'ya napansing mangilan-ngilan lang sila sa bahaging ito at malalayo pa ang agwat. Napabuntong hininga na lang s'ya at muling itinuon ang mata sa larawan nila ni Jojo noong nagpasukat sila ng wedding dress/suit.
Habang sa kabilang panig ng barko...
"Hmmnn..Susunod ka naman, diba? Hihintayin kita dun." saad ng isang lalaki sa phone.
"I told you hindi ako makakapunta. Diba nga sumagot na ako sa'yo last time. 'Wag mo ng ipilit." Pilit na naghihinahong sagot ng babae sa kabilang linya.
Tumingala ang lalaki kasabay ng buntong hininga saka ibinaling ang tingin sa karagatan. Pinagmasdan nito ang paghampas ng alon sa barkong sinasakyan n'ya.
"Pero diba may pag-asa pa naman? Hihintayin pa rin kita. Ang sabi mo hanggat nasa'yo ang sing-sing pwede pa, diba?"
"Give it up, Richmond! Sabi ko sa'yo final na ang decision ko. Sinubukan kong tanggapin ka kung sino at ano ka pero hindi talaga nag-work eh. Sana naman maintindihan mo ako." Buntong hininga. "Everything is over between us, Richmond." Muling sambit nito.
"Nothing is over yet until you have the ring that I gave you. I'll still wait for you there." Pilit ng lalaki.
"Wala na sa'kin 'yong sing-sing. Just check your bag. I put it there. I'm sorry. Bye." paalam ng babae.
Nagmamadali namang bumalik ng cabin n'ya ang lalaki at chinek ang bag. Nandun nga ang sing-sing na ginamit n'yang pagpropose sa babaeng mahal na mahal n'ya. Kaya naman dismayado s'yang lumabas ng silid upang magpahanging muli dahil hindi n'ya kakayaning mag-stay pa sa cabin n'ya after seeing the ring.
Samantalang nong mga oras na 'yon eh nakatingin na sa kawalan si Shane. Bumalik lang s'ya sa katinuan ng maramdamang inilipad ang hawak n'yang picture. Naging alerto naman s'ya at maabot n'ya pa sana 'yon kaso lang...
Nanlaki ang mga mata ni Richmond ng makita ang babaeng animo'y tatalon sa barko kaya naman nagmadali s'yang sumaklolo. Nahila n'ya ng ganun kabilis ang babae.
Laking gulat na lang ni Shane nang mabitawan ang hawak ng kanan n'yang kamay at ng 'di na n'ya tuluyang naabutan ang picture na inilipad na ng hangin palayo sa kanya.
Bumagsak s'ya at napasama pa ang pagkakabagsak n'ya dahil nag@
-cross ang paa n'ya. Pinilit n'yang tumayo sa pagbabakasakaling maabutan n'ya isa man sa dalawang mahalagang bagay sa kanya pero pinigilan s'yang muli ng ekstrangherong bigla na lang humila sa kanya.Nilingon n'ya 'yon at pinukulan ng masamang tingin kaya naman binitiwan din s'ya kaagad noon. Sinubukan na n'yang muling tumayo pero naramdaman naman n'ya ang sakit sa paa. Ganunpaman pinilit n'ya pa ring makatayo sa kabila ng sakit na naramdaman. Lumapit s'ya sa barandilya ng barko at 'di na napigilang mapaluha.
Para s'yang batang inagawan ng candy pero mas masakit pa doon ang nangyari.
"Tatalon ka pa ba? 'Wag mo ng balakin! Kargo de konsensya pa kita 'pag nagkataon." Sambit ng baritonong boses ng lalaking humila sa kanya.
BINABASA MO ANG
THE MISSING PIECE
RomanceAno ang handa mong gawin para mapunan ang kakulangang nararamdaman ng iyong puso't isipan?? HIGHEST RANK: #5 out of 1.2k stories under #MISSINGSOMEONE -MhireJed/ItinakdangAsul- CJL