Bigo si Christoper na malaman ang kinaroroonan ni Shane mula sa kaibigan nito. Naramdaman n'ya lang lalo na animo'y unti-unti s'yang pinapatay habang malayo dito. Wala pa rin sa tawag at text n'ya ang sinasagot nito ngunit paulit-ulit n'ya pa rin itong ginagawa.
Mas naging maingat naman si Merthiel sa tuwing bibisitahin ang kaibigan. Malimit n'ya pa rin itong maabutang nakamasid lang sa dagat at minsan pa nga ay nakikita n'yang umiiyak. Tipid pa rin kung magsalita si Shane bagay na mas nakakabagabag n'ya. Napansin na rin n'yang malaki ang ipinagbago ni Shane. Animo wala na talaga itong balak na bumalik pa sa dati. Marami ang nagbago sa kaibigan n'ya at sigurado s'ya doon. Marami na ring nagbago sa buhay nila kahit halos isang buwan pa lang ang nakakalipas.
Samantalang naudlot naman ang balak na pag-alis ni Richmond ng dumating si Elaiza sa opisina n'ya. Pabagsak pa nitong ipinatong sa table n'ya ang mga pictures nila ni Shane na kuha sa Batangas.
"Ano na naman ba 'to Elaiza?" aniya at tiningnan 'yon ng masama.
"Diba dapat ako pa ang nagtatanong n'yan, Richmond? Anong ibig sabihin n'yan? Ano na naman ba 'yan?" sa halip ay inis na sagot ni Elaiza.
"May lakad ako kaya kung wala kang magan-"
"Subukan mong umalis at iwan ako dito ilalabas ko sa dyaryo ang picture ng babaeng babaeng 'yan. Sisiguraduhin kong hindi maganda ang magiging article tungkol sa kanya. Sisiguraduin kong sisirain ko ang imahe n'ya. Sisiguraduhin kong masasaktan ko s'ya." banta ni Elaiza. "Kilala mo ako." dugtong pa nito.
Kilala n'ya nga ito. Alam n'ya kung hanggang saan ang kaya nitong gawin. Kaya naman mas pinili n'yang manatili sa opisina. "Sa ginagawa mong 'yan mas lalo mo lang akong inilalayo sa'yo. Napakahirap mo na lalong mahalin at pakisamahan." aniya.
"Mahirap? Bakit? Sinubukan mo na ba ulit na mahalin ako? Hindi pa naman diba? Pang-cover lang naman ako parati. Ikaw ang nagtulak sa'kin na maging ganito at gawin 'to. Kaya kung gusto mong protektahan ang sinasabi mong mahal mo gawin mo lahat para protektahan s'ya." mapang-insulto at mapanghamong saad ni Elaiza.
"Gagawin ko talaga lahat para sa kanya."
"Okay. Sige. Magdate tayo." nakangiting sambit ni Elaiza.
"Ano?" hindi makapaniwalang tanong n'ya.
"Gusto mo s'yang protektahan diba? Pwes umpisahan mo dito." ani Elaiza at ipinakita ang memory card.
"Kung ayaw mong lumabas sa mga balita ang tungkol sa kanya dapat makuha mo sa'kin ito." muling sambit nito habang ipinapakita ang memory card sa kanya.
"Naglalaman lang naman ito ng mga pictures ni Shane with captions kaya kung ayaw mong ilabas ko ito sa media at sirain ang reputasyon n'ya tumawag ka. Hihintayin ko ang tawag mo." huling wika nito at isinilid sa bag ang memory card saka nagpasyang iwan s'ya.
Kung hindi nga lang n'ya iniisip si Shane hindi s'ya papayag sa gusto ni Elaiza. Pero sa kalagayan ni Shane ngayon ayaw na n'yang madagdagan pa ang isipin noon. Nasa ganoong isipin s'ya nang mapansin ang isang kumikinang na bagay sa sofa na inupuan ni Elaiza. Saka n'ya lang naalalang may hinubad si Elaiza kanina sa daliri bago magpuyod ng buhok nito.
Samantalang sa panig ni Derrick...
Tahimik lang nilang pinagmamasdan ni Dandrev ang paglalaro nina Angelique, Jennifer at Marco ng badminton. Nasa ganoong posisyon s'ya ng dumating si Earl.
"Tunaw na tunaw na si Angelique." pabirong sambit ni Earl ng maupo sa tabihan n'ya.
"Yon eh kung si Angelique ang tinitingnan n'yan." saad naman ni Dandrev na kanina pa rin nanonood ng laro.
BINABASA MO ANG
THE MISSING PIECE
RomansaAno ang handa mong gawin para mapunan ang kakulangang nararamdaman ng iyong puso't isipan?? HIGHEST RANK: #5 out of 1.2k stories under #MISSINGSOMEONE -MhireJed/ItinakdangAsul- CJL