TMP 8 #AsoAtPusa

1.1K 19 0
                                    


Isang oras, ganun katagal na naghintay si Shane sa restaurant na bago dumating ang lalaking ngayo'y kaharap na n'ya na animo'y walang balak na kausapin s'ya. Kanina lang busy 'yon sa pagkain at halos 'di paistorbo ngayon naman busy 'yon sa pakikipag-usap sa cp at saka lang tumigil ng makita s'yang nakatingin ng masama.

"Why did you tell the management na BINASTOS KITA!?" mahinahon ngunit may diin ang huling mga salita.

"Did I? Naku sorry kung nasabi ko 'yon." Walang pasubaling tugon ni Christopher na animo'y nang-aasar pa. Nakaramdam s'ya ng inis sa tinuran noon.

"Wala akong balak na makiusap sa'yo at lalong wala na rin akong balak na bumalik sa hotel na 'yon na pinamamahalaan ng kaibigan mo. Baka nga ireport ko pa sila sa DOLE dahil unjust termination ang ginawa nila sa akin." Mataray n'yang sambit na halatang hindi inasahan ng lalaki.

"Pero Mr. Ngaling hindi mo dapat sinabing binastos o hindi kita iginalang dahil hindi 'yon totoo at hindi 'yon nangyari." muling sambit n'yang ikinataas ng kilay noon. "NGAYON PA LANG." muling saad n'ya at saka tuluyan ng iniwan 'yon.

Narinig n'yang tinawag noon ang waiter pero wala na s'yang pakialam dahil ang gusto n'ya lang ay makaalis na sa lugar na 'yon. Nasa labas na s'ya ng maramdaman ang marahas na hawak sa braso n'ya.

"Aray! Bitiwan mo nga ako." Iritadong utos n'ya ng makitang si Christopher 'yon.

"Akala ko ba mag-uusap tayo? Bakit mo ako iniwan don? Tsaka anong Mr. Ngaling huh? Endearment term ba 'yon?"

Hindi n'ya naman nasagot ang tanong ni Christoper dahil biglang tumunog ang cellphone n'ya. Sakto si Richmond ang tumatawag.

"Hello Richmond." Aniya at tinapunan pa si Christoper ng masamang tingin. "Naku pasensya ka na kz pinaghintay kita." Pause. "Oo. Nandito pa rin ako." Pause. "Malapit ka na?" pause. "Oo sige, hintayin kita." Huling sambit n'ya at ibinaba na ang phone.

"Richmond? So s'ya pala ang ipinalit mo sa step brother ko? Or is he one of your boys?"

Nagpantig ang tenga n'ya sa sinabi noon. "Wala kang alam sa mga sinasabi mo so better shut up and mind your own business!" seryoso at may bahid ng inis sa binitiwan n'yang pahayag. "And please kung gusto mong makichismis then why not ask your brother hindi 'yong nagja-jump ka into conclusion! Wala ka naman dito. Hindi mo alam ang mga nangyari. Wala kang alam in short!" mataray na sambit n'ya. "But anyways please do tell him I'm fine. SO MUCH FINE." Sarkastikang pahayag n'ya.

Pinigil ni Christopher ang inis at galit saka muling nagsalita, "I just want your attention. 'Yon lang. Kaya nga heto oh pinipilit kong mapalapit sa ex-fiancee ng step brother ko. Bakit? Ewan! Hindi ko rin alam." Pahayag ni Christopher na hindi nito rin maintindihan kung bakit pakiramdam nito ay nagustuhan ang mga sinabi.

"Ex-fiancee na ako ng step brother mo and you said it right. So what's the point of getting close to me? Don't you think it's kinda weird?" mataray pa ring sambit ni Shane. "Take note Mr. Ngaling, dahil ako I don't need your attention and I don't like you getting close to me. So please get your hands off me and leave me alone dahil nakakainis ang pagmumukha mo." Pasinghal na saad n'ya.

Busina ng sasakyan ang nakaagaw ng atensyon nila at mula doon lumabas naman si Richmond. Nakakuha s'ya ng pagkakataon para makawala sa pagkakahawak ni Christoper.

"Let's go Richmond." aniya ngunit pinigilan s'yang muli ni Christopher bagay na ikinatingin n'ya ng masama doon kaya binitiwan din s'ya kaagad kahit alam n'yang labag sa loob noon. Nagmamadali na s'yang sumakay ng kotse.

"I'm planning on courting her. I hope you don't mind." ani Christopher kay Richmond nang makasakay s'ya sa kotse. Hindi n'ya na 'yon narinig. "By the way I'm her brother ex-fiancee, Christopher Aquino." Dagdag pa nito at inilahad ang palad.

"Richmond-" putol na sambit nito.

"Yeah. I know you, Mr. Alonzo. Malimit kang ikwento sa'kin ni Buddz-si Elaiza." Ani Christopher at nakipagshake hands doon.

Tiim bagang na pinagmasdan ni Christopher ang papalayong sasakyan. Pakiramdam n'ya masaya na talaga ang babaeng 'yon na animo'y walang kaalam-alam sa nangyari sa kapatid n'ya. Wala rin s'yang balak na ipaalam 'yon doon at sinisiguro n'yang magbabayad muna 'yon bago malaman ang lahat. Kasunod noon may pinuntahan s'yang lugar.

To be continued...

THE MISSING PIECETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon