TMP 43 #OneYearLater

1.2K 27 5
                                    


Masayang pinaglilingkuran ni Shane ang mga bata sa bahay ampunan habang kumakain ang mga 'yon. Kasalukuyan kasing nasa labas ng dormitoryo ang mga 'yon dahil founding anniversary celebration ng orphanage.

"Ako ng magsi-serve n'yan." wika ng isang dalagitang kararating lang at inagaw sa kanya ang tray ng spaghetting hawak n'ya. Kumindat pa ito sa kanya at nagmamadali ng i-serve sa mga bata ang dalang spaghetti. Bumalik din naman kaagad ito sa kanya ng magawa na ang trabaho.

"Tito's with that famous actress again so I came here as his replacement for the nth time." anito sa kanya.

"Himalang hindi mo kasama si Luke." nangungulit n'yang sambit.

"May family gathering sila kaya hindi nakasama. He's inviting me pero mas gusto ko dito kaya yon." ani Jennifer at dahan-dahan na silang lumakad patungo sa isang plantbox malapit lang sa pinagdadausan ng selebrasyon.

"Ah! Remember the story of my dearest friend?" pagkuway bulalas nito ng makaupo sila sa plantbox.

"Oo. Paano ko ba naman malilimutan 'yan eh halos katulad  na 'yan ng kwento ng pinsan nong lalaking ipinagtabuyan ko." aniya at biglang nabago ang masiglang anyo.

"Tita Shane, I'm sorry. I don't intend to make you sad. May additional story lang kasi ako but if it makes you feel un—" bawi kaagad nito sa kanya.

"No! Not at all! Tell me. Ano bang additional story 'yon?" putol n'ya sa mga sasabihin pa sana nito. Then she acted that she really wanted to hear the story. Napansin n'ya ang pagbuntong-hininga nito bago muling magkwento.

"You told me that I should give her an advice na magtapat na, diba?" tumango lang s'ya. "Pero hindi pa rin kasi nakakapagtapat ang kaibigan kong si Lady Z sa boyfriend n'ya. Hindi n'ya pa rin masabi doon that she's still in love with her first love. Nag-i-stick pa rin s'ya doon sa katwirang malilimutan n'ya rin 'yon with the help of her boyfriend kaso..." bumuntong hininga ito.

"Kaso patuloy pa rin ang communication n'ya at nong first love n'ya. I mean it was just a plain exchange of text messages and calls pero kasi pakiramdam n'ya it was still more than that pa rin eh." muli itong bumuntong-hininga. "Nag-guilty pa rin s'ya pero naduduwag."

"Paulit-ulit na lang 'yang kaibigan mong 'yan. Kung nagi-guilty naman pala s'ya eh di dapat mas pinipili na nga n'ya ang sabihin lahat sa boyfriend n'ya. Better na tapusin na n'ya ang relasyon nila kasi habang pinapatagal n'ya 'yon mas lalo n'ya lang sinasaktan ang lalaking 'yon." aniya.

"Ang point kasi eh ginagamit n'ya lang 'yong boyfriend n'ya kasi mahal n'ya nga pero kaibigan lang talaga, diba?" muling pahayag n'ya.

"My friend Lady Z is so mean, right tita?" tanong nito sa kanya.

"Maybe she is. But we don't have the right to blame her for her actions. At dahil kaibigan ka n'ya eh tulungan mo na s'ya na tapusin at ituwid ang mga bagay-bagay. Bakit?  Para hindi na madagdagan pa ang nasasaktan at masasaktan n'ya." aniya at sumandal sa plantbox. "Mga bata pa sila kaya sabihin mo kung sila talaga at the end of the day destiny will surely make a way for them to be together again."

"Like how destiny made a way for you and your first love, tita?" usisa sa kanya ni Jennifer na muli n'yang nginitian.

"Close na rin naman tayo eh, why don't you tell me about his name? Kahit si Tito Mond, tikom ang bibig, why?" muling usisa nito sa kanya.

"Dahil ang kulit-kulit-kulit-kulit mo." aniya at pinisil ang pisngi nito. "Alam kong kapag nalaman mo ang pangalan n'ya you will do everything para alamin pa lahat ng tungkol sa kanya." aniya. "Maybe in the future makilala mo rin s'ya." dugtong n'ya.

"I'm not makulit, tita. I would only ask him why on earth he left and hurt you? I would also tell him na ibalik na 'yong puso mo, so tito Richmond would have it." biro nito. "Ooppss! Did I over react?" dugtong nito ng marealize what she just said. Umiling lang s'ya. "Tita Shane, don't get me wrong huh? Mahirap bang mahalin si Tito Richmond? I mean...Yeah that's what I mean. Hindi mo ba talaga s'ya minahal?"

Hindi n'ya inasahan ang tanong ni Jennifer. "Hindi s'ya mahirap mahalin. Pero kasi pure friendship lang ang pwede kong i-offer sa kanya at pareho na kaming masaya doon." aniya at tiningnan sa mata si Jennifer. "Kaya you should be good to Elaiza. Remember that name hindi 'yong 'that famous actress' ang itinatawag mo sa kanya." Nagkibit balikat lang ito sa kanya.

"Whatever, basta mas gusto kita para kay tito, wala ng iba."

To be continued...

THE MISSING PIECETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon