TMP 40 #MemoriesAreBack!

676 12 0
                                    

"Christopher!" sigaw ni Shane at hihingal-hingal pa ng magising. "Thiel?" takang tanong nito ng makagisnan ang kaibigan na s'yang nagpahid ng pawis n'ya.

"Salamat naman at gising ka na. Pinag-alala mo ako ng sobra." anito. "May kailangan ka ba? May masakit ba sa'yo? Gusto mo bang tawagin ko si Doc?" muling wika nito na inilingan n'ya.

Nalaman n'ya mula sa kaibigan na dalawang linggo na s'yang walang malay. Ngunit wala doon ang atensyon n'ya kundi nasa mga alaalang nagbalik. Nakaramdam s'ya ng sakit nang maalala ang katotohanang wala na nga talaga ang mga magulang n'ya dahil sa aksidente, ang pagkakapunta n'ya sa bahay-ampunan, ang pagkakaibigan nila ni Christopher na nagsimula at nabuo doon, ang totoong nagbigay ng kwintas na hanggang ngayon ay iniingatan n'ya, ang totoong nagligtas ng buhay n'ya at ang mga alaalang dapat matagal na n'yang naalala. Mga patak ng luha at tahimik na pag-iyak ang napansin sa kanya ni Merthiel.

"May masakit ba sa'yo? Tatawagin ko si Doc." ani Merthiel na pinigilan n'ya. "Eh bakit ka umiiyak? Anong masakit?" usisa nito sa kanya.

"Dito." at itinuro n'ya ang puso. "Masakit dito dahil naalala na nito." sabay turo sa isip. "Naalala na nito lahat ng dapat sana'y hindi nito nalimutan." aniya at pinahid ang mga naglalaglagang luha.

"Eh diba 'yon naman ang gusto mong mangyari ang maaalala lahat." sa halip ay sambit ni Merthiel.

"Namatay sa aksidente ang mga magulang ko at totoo 'yon. 'Yong malalabong imahe sa isipan ko dati malinaw na malinaw na ngayon. 'Yong kantang tinugtog ni Christopher sa piano, paboritong kanta 'yon ni mama na pinag-aralan n'ya talagang tugtugin. 'Yong lalaking may silver na relo, 'yong babaeng katabi noon sa loob ng sasakyan sila ang mga magulang ko. 'Yong boses at dugo nong batng umiiyak, ako 'yon Thiel. Ako 'yon. Kasama ako sa aksidente pero nabuhay ako. 'Yong malalabong panaginip ko lahat ng 'yon bahagi ng nakaraan ko." aniya na ikinapatda ng kaibigan.

"Naalala ko na galing sa isang reunion sila mama't papa at isinama nila ako. Pabalik na kami nang bigla na lang may mabilis na kotseng lumagpas sa'min kasunod noon ang isa pang mabilis na kotseng nakabunggo sa sinasakyan namin." kwento n'ya habang umiiyak. "Ang sakit-sakit. Lahat masakit." huling pahayag n'ya na lalo lang ikinabahala ng kaibigan.

"May iba ka pang dapat malaman kung bakit sobrang sakit?" muling pahayag n'ya at sinimulan ng isalaysay sa kaibigan ang mga malilinaw na alaalang nalimutan ngunit ngayo'y nagbalik na sa memorya n'ya.


Sa panig nina Jennifer...

Hindi nya mapigilang mag-alala matapos ang walang pasabi at biglaang pag-alis ni Derrick sa gitna ng kasiyahan nila dalawang linggo na ang nakakaraan. Nakatanggap 'yon ng tawag at hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik at hindi pa ibinabalita sa kanila kung anong dahilan. Maging si Angelique na inaasahan n'yang nakakaalam ng kinaroroonan nito ay clueless rin.

"HOY!" untag ni Marco sa kanya. "Kanina ko pa nahahalatang tulala ka na naman d'yan. Anong meron?" anito nang tingnan n'ya.

"Ano bang nangyari kay Derrick? Bakit hanggang ngayon hindi pa rin s'ya pumapasok? Ilang araw na s'yang absent." nag-aalalang sambit n'ya. Saka n'ya lang na-realize kung ano 'yong naging reaksyon n'ya nang mapansing makahulugang nakatingin sa kanya sina Dandrev at Earl na dahilan upang mapatingin na rin sa kanya si Angelique.

"Aw-Aw-Ouch!" hirit naman ni Earl na siniko naman ni Dandrev nang mapansin ang pagkailang n'ya.

"Oo nga! Ako ngang bestfriend n'ya eh walang idea kung anong nangyayari sa kanya. May alam ka ba Dandrev?" pagkuway usisa naman ni Angelique na inilingan naman noon. "Umamin ka kung hindi tatamaan ka sa akin." muling saad nito.

THE MISSING PIECETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon